CHAPTER 14

1092 Words
Rain's POV Alas syete na ng umaga, pero wala pa rin malay si Lexter. Lahat kami ay nakapirmi lang sa isang sulok, maliban lang kay Chris na paikot-ikot dito sa silid. '''Tol, huminahon ka kaya muna,'' usal sa kaniya ni Allen at hinawakan sa braso. ''Parang kailan lang ay nagdidiwang tayo sa pagkapanalo sa Business Colloquium. Ngayon, nagluluksa na tayo na parang -- '' ''Pwede ba, tumahimik na lang muna kayo,'' saad ni Shasha na nakahawak pa rin sa kamay ni Lexter. Lahat kami dito ay halos wala nang imikan, dahil umiikot lang sa isip namin ang walang malay na si Lexter. ''Kasalanan ko 'to eh, kung sinabi ko lang na nasa La Acosta si Shasha, edi sana --'' ''Stop it Rain, huwag na tayong magsisihan dito.'' ''What? Tama naman si Rain, Shasha. Sila ang may kasalanan at dapat sisihin! Kung sana sinabi lang ni Rumir kung nasaan si Lexter, edi sana -- '' ''TUMIGIL NA KAYONG LAHAT! Hindi nakakatulong sa anak ko ang pagtatalo-talo niyo!'' malakas na sigaw ni tito Lim na halos umalingawngaw sa buong silid. Napakalma niya kaming lahat ngayon, lalo na sina Chris at Rumir. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, sana hindi na ako naglihim pa! Ikinurot ko ang aking kamay dahil sa labis na pagkagalit sa sarili. Umupo na ako katabi ni Rumir, para na rin umawat kung mag-init na naman ang tension sa mga magkakaibigan. Dahil sa mga singhalan, lumabas muna si Chris at sinundan naman siya ni Allen. Kami naman ni Rumir ay namalagi sa bintana, si tito Lim sa sofa, at si Shasha, sa tabi pa rin ni Lexter. Napatakip ng mukha si Rumir kaya siniko ko siya sa tagiliran. ''Mahal, okay ka lang?'' bulong na tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at kinuha ang kaniyang cellphone. Nagtipa siya doon at sigundo lang ang lumipas, bigla nag-vibrate ang cellphone ko. ''Mahal,'' saad niya mula sa text. Napatingin ako sa kaniya maging sa ibang kasama namin dito sa kwarto. ''Bakit?'' Balik ko namang reply sa kaniya. ''Sa atin lang muna 'to.'' ''Ano na naman 'yan!'' ''Nanaginip ako kanina.'' ''Ano napanaginipan mo?'' ''Si Lexter.'' ''ANO?'' ''Hindi na daw siya nagising.'' Napalingat ako ng tingin sa kaniya at muling ibinalik ang attention ko sa cellphone. ''Stress ka lang! Huwag ka nga mag-isip ng ganiyan!'' Hindi na siya nag-reply pa at tumingin na lang sa labas ng bintana. Lalo ako ngayon nag-aalala para sa kalagayan ni Lexter! Uminom ako muli ng tubig, kumalma man lang ng kaunti ang nginig ng kalamnan ko! ''Rain,'' mahinang sambit ni Shasha at agad akong lumapit sa tabi niya. ''Hmm? M-may kailangan ka ba? Gusto mo ba kumain? Anong -- '' ''Gusto lang muna magpahangin,'' matamlay na sagot niya sa akin. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili. Binuhat niya muli ang kamay ni Lexter at humalik do'n. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at lumingat muna sandali kay Rumir at tito Lim. Pagkatapos no‘n ay lumabas na kami sa pinto at umakyat sa rooftop ng hospital. ''S-Shasha.'' Tinawag ko siya pero wala pa rin siyang imik, nakatingin pa rin sa mga ulap mula rito sa rooftop. ''Rain, sa tingin mo ba ay kasalanan ko ang lahat?'' Napatingin ako sa kaniya at humawak sa kaniyang kamay. ''Shasha, wala kang ginawang kasalanan. Ako ay may kasalanan dahil hindi ko kaagad sinabi sa 'yo ang nangyari kay Lexter,'' ''Pero.'' Tumayo at lumapit pa sa edge ng gusali, na ikinalaki ng mata ko! ''S-Shasha, don't -- go to far -- kung ano man 'yang binabalak mo, huwag mo nang -- '' ''Rain, kung pinigilan ko na lang sana ang nararamdaman ko sa kaniya dati pa lang, kung hindi na sana ako nagpa-unlak sa mga pag-iimbita niya, kung umiwas na lang sana ako, edi sana masaya ngayon si Lexter,'' ''Shasha, walang mali sa -- '' Napatigil ako sa pagsasalita nang hinakbang pa niya ang isa niyang paa papalapit sa dungawan. ''S-Shasha, nasa sixtieth floor -- tayo,'' ''I know and nasa bingit pa rin ng kamatayan si Lexter ngayon,'' ''And sa tingin mo ba ay matutuwa si Lexter sa binabalak mong gawin!'' ''Rain, siguro hindi tulad ninyo ni Rumir ang love story namin ni Lexter. Baka ang inyo ay happy ending -- at kami, tragedy,'' ''Shasha, please -- '' Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Si Rumir tumawag sandali at may ibinalita, at agad ko itong sinabi sa kaharap ko! ''Shasha! GISING NA SI LEXTER!'' sambit ko kay Shasha, kaya lumapit na siya muli sa akin at tumakbo na nang mabilis pabalik sa silid. LUX POV Halos mabulunan ako habang kumakain nang biglang nagsalita si kuya. At si dad naman, walang salitang lumabas sa bibig niya kundi ang napayakap lang. ''N-nasaan ako?'' ''Anak, save your energy. Huwag ka na muna magsalita. Rumir ano pang hinihintay mo! Tawagin mo na ang doctor!'' saad ni dad dahil sa labis na sayang nararamdaman niya ngayon. ''Dad, bakit ako -- AHHHHH!'' malakas na sigaw niya habang nakahawak sa kaniyang uluhan kaya ang saya sa ngiti namin ay napalitan na naman ng labis na pag-aalala. ''Lumabas na po muna kayong lahat, kami na po muna ang bahala sa kaniya,'' saad ng nurse saka kami pinalabas. Hinahawakan ko ang kamay ni dad, at nag-aalala na rin sa kalagayan niya dahil baka mamaya ay atakihin siya ng high blood. ''Dad, ma-o-okay rin si kuya.'' Himas ko sa likod niya nang biglang narinig namin ang malalakas na tunog ng takong. Sina ate Rain at ate Shasha ay hingal takbong papalapit sa amin! ''A-ano na -- po -- balita?'' hingal na tanong ni ate Shasha. ''Ate, nasa loob na ang mga doctor,'' pagpapakalma ko sa kaniya. Ilang sigundo mula no'ng dumating sila ay sila kuya Chris at kuya Allen naman ang dumating. '''Tol, ano na nangyari!'' sigaw ni kuya Chris kay kuya Rumir. ''Mag-antabay na muna tayo.'' Napahampas sa pader si kuya Chris at pilit na lang pinakakalma muli ang sarili sa isang sulok. Halos isang oras, lumabas na ang doctor kaya lahat kami ay sabik nang malaman ang kaniyang ibabalita. ''Doctor Max, ano na ang balita sa anak ko?'' ''Napakapalad ng anak ninyo. May mga sugat man siya pero manageable naman 'yon. Tungkol naman sa sa impact ng kaniyang ulo, na-operahan naman siya kaagad at natahi na. After all, okay na ang kalagayan niya, maghihintay na lang tayo kung may iba pa siyang nararamdaman. Oh siya, pumasok na kayo sa loob dahil mukhang marami siyang katangungan sa inyo.'' Wala ng mas sasaya pa sa araw na ito, dahil payak na ang kalagayan ng aking kuya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD