CHAPTER 13

1015 Words
Lim's POV Aaminin ko, nasaktan ako sa ginawa ni Stacy sa kasintahan ng anak naming panganay. Napupuno na rin ako, ni hindi ko na nga kilala ang babaeng kasama ko ngayon. Nasa sasakyan na kami muli ngayon pabalik sa aming bahay para makakuha ng ilang mga pamalit. ''Lim, hin -- '' ''Pwede ba Stacy, ayoko muna marinig ang boses mo.'' Hindi na siya umimik pa at itinuon na lang ang attention sa labas ng bintana. Nang makarating na sa bahay, agad na akong kumuha ng mga damit ko at tinawag ang lahat ng aming kasambahay. ''Sir Lim! Kumusta na po si sir Lexter!'' ''Hindi ko pa alam ang kalagayan niya ngayon. Manang, ihanda at ikuha mo na ako ng mga damit ni Lexter sa kaniyang kwarto.'' Malinaw na bilin ko at umakyat na siya kaagad. Wala na muna akong paki-alam sa asawa ko, bahala na muna siya sa buhay niya ngayon. Kumuha ako ng isang bag, para paglagyan ng mga kakailanganin ko sa hospital at aakto nang lalabas ng kwarto nang biglang -- ''Lim, ito ang mga damit ko, hindi mo ba ako isasama sa -- '' ''Bakit pa kita isasama? Para manggulo ka doon? Para mag-iskandalo? Akala mo natutuwa ako sa ginagawa mo? Nahihiya ako Stacy. Kinahihiya ko na naging Frante ka!'' ''Bakit mo ba pinagtatanggol ang babaeng 'yon! Mahirap lang siya Lim! Nakalimutan mo na bang asawa mo ako at -- '' ''Eh ikaw? Nakalimutan mo ba na dati ka rin mahirap?'' Hindi siya nakasagot sa sinambit ko. ''Stacy, hindi mo ba nakita ang ginawa mo sa bata? Pinahiya mo! Akala mo ba ay hindi ko nakita ang ginawa mong pagmamaltrato kay Shasha? Nag-trending sa social media ang pagbuhos mo sa kaniya ng milk tea! Kahihiyan ka sa pamilya natin at -- '' ''So pumapayag ka na lang na huthutan ng pera ang anak mo!'' Kumunot ang noo ko at napakamot na lang sa aking sintido. ''Nakikita mo pa ba ang sarili mo?'' ''Anong ibig mong sabihin!'' ''Ang tao, takot daw sa sariling multo.'' ''What are you talking about Lim!'' ''Hmm. Takot ka ba? Na gawin din ni Shasha ang bagay na ginawa mo sa 'kin dati?'' Lumaki ang mata niya at hindi siya nakasagot pa, kaya humakbang na ako papalabas ng pintuan. ''Lim,'' saad niya kaya napahinto ako. ''Lim patawarin mo ako. Tama ka, takot ako sa sarili kong multo.'' Lumapit siya sa akin at yumakap mula sa aking likuran. ''Lim, aaminin ko. Iba ang una kong layunin kaya lumapit ako sa 'yo.'' Napalunok ako ng laway dahil sa ipinagtapat niya sa akin. ''Pero Lim, maniwala ka sa hindi, mahal na kita ngayon, lalo na't nagka-anak na tayo.'' Tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap sa ‘kin at humarap sa kaniya. ''Aalis na ako, pupuntahan ko na muna ang anak ko.'' ''Lim,'' huling sambit niya at bumaba na ako sa entrance ng mansyon. ''Sir Lim, nandito na po ang lahat ng kailangan niyo, pati ng mga gamit ni sir Lexter at sir Lux.'' Kinuha ko ‘yon at agad nang lumapit sa sasakyan. Bago ako pumasok, lumingat muna ako sa bintana at nakita ko doon si Stacy na nakamasid sa akin. ''May pagmamahal pa ba ako sa 'yo Stacy? O awa na lang?'' bulong ko sa sarili at pinaandar na ang sasakyan pabalik sa hospital. LUX POV Dumating si daddy dala ang ilang mga gamit at bakas pa rin sa kaniyang mukha na nagtalo sila ni mommy sa bahay. ''Dad are you -- '' ''I'm fine Lux. Wala pa ba balita sa kuya mo?'' ''Wala pa po,'' matamlay na usal ko. Napalingat si dad kay Shasha, na payapa nang natutulog habang nakahawak sa kanang kamay ni kuya. ''Nasaan ang mga kaibigan ng kuya mo?'' ''Sila naman dad ang kumuha ng mga damit at gamit nila. Dad, you wan't some coffee?'' Tumungo siya at lumapit na ako sa brewer, nang biglang pumasok ang isa sa mga doctor ni kuya. ''Mr. Frante,'' sambit niya at lumapit kaagad si dad sa kaniya. ''Doctor Max, a-ano na po -- ang kalagayan ng anak ko?'' ''May mga nawalang dugo sa kaniya pero dahil sa mas mabilis siya nahanap at nakuha, ay mabilis siyang naisugod at naaksyunan sa ER,'' sambit ng doctor sa kausap. Bigla ko tuloy naalala ang pagtulong na ginawa ng kuya ni Jamie. ''Ang ibig ba sabihin nito ay okay na ang anak ko?'' ''As of now, hindi pa natin masasabi na ganap ng okay siya. We have to run more test lalo na't nakita sa isang test na he's drunk while driving. Kailangan pa natin hintayin na magising siya para malaman kung ano pa ang naging epekto nito sa kaniya.'' Napayuko si dad at napahinga ng malalim. ''Don't worry Mr. Frante dahil lahat kami ay nakaantabay sa kaniya,'' ''Please, gawin niyo po ang lahat nang makakaya niyo,'' ''We will,'' saad ng doctor at lumabas na ng silid. ''Dad, huwag kang mag-alala. We better put our trust in God now.‘‘ Iniabot ko ang kape sa kaniya at umupo sa sofa. Alas dos na ng madaling araw pero hindi ko kayang pumikit. Tulog na si dad, sila kuya Chris at Allen, maging si kuya Rumir at gilfriend niyang si ate Rain. Lumapit ako kay kuya, at nakita ang kaawa-awang mukha ni ate Shasha. Magang-maga ang mga mata niya, dahilan ng pagkamalalim ng tulog niya ngayon. Kumuha ako ng isang upuan at umupo naman sa kabilang parte ng higaan. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya, at mahigpit 'yon na hinawakan. ''Kuya, gumising ka na.'' Patak na luhang sambit ko. Nag-alay ako ng ilang mga panalangin na tanging isip ko lang ang nakaririnig. Matapang si kuya. Pero sa itsura niya ngayon, alam kong wala siyang kalaban laban. ''Nako kuya, hindi ka pa naman marunong manalangin,'' pag-aalala ko na bulong sa sarili. Hindi ugali 'yon ni kuya marahil na sa kaniya na ang lahat ng bagay maging ang talino na taglay niya. Dahil sa patak ng mga luha ko, dahan-dahan na rin bumagsak ang mata ko. Kumuha ako ng dalawang kumot at inilagay sa likuran ni ate Shasha. Tumabi na rin ako daddy at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD