Shasha's POV
Dahil sa labis na kahihiyan, lahat na nga yata ng tubig sa katawan ko ay nailabas ko na. Umalis ako sa bahay namin, ni hindi na nga ako nakapagpaliwag o nakapagpaalam ng maayos kina mama at papa. Labis akong nasaktan, labis akong nadurog sa ginawa ng mommy ni Lexter sa akin.
Mabuti na lang, kinupkop muna ako ni Rain dito sa kanilang hotel. Ayoko naman kasi na doon mismo sa bahay nila dahil alam ko, bukod sa mai-istorbo ko ang lolo dad niya, ay tiyak na mangugulo pa doon si Lexter.
Ilang oras na akong tulog kaya bigla akong naalimpungatan. ''Nasaan si Rain?'' bulong ko sa sarili.
''Baka umuwi na muna sa kanila. Nako, bumagyo na nga, naka-aircon pa ako dito. Maka-ihi nga muna.''
Nang papalapit na ako sa banyo, napansin ko na parang may tao dahil may unting boses ako na naririnig.
Idinikit ko ang aking tainga doon, para marinig ko ng mas malinaw. Teka si Rain 'to ah, akala ko ay nakauwi na siya!
''H-hindi ko alam -- s-sige na papatayin ko na ang tawag, mag-iingat kayo diyan mahal!'' Pagkatapos no'n ay pinatay na niya marahil ang kaniyang cellphone. Inaabangan ko na lang siya na lumabas sa banyo.
Lumaki ang mata niya, na dahilan na pagkatayo bahagya ng buhok ko sa braso. ''K-kanina ka pa ba na -- ''
''Sino ang kausap mo?'' kalmadong tanong ko.
''W-wala, n-nanamiss lang ako -- ni Rumir,''
''A-ahh, sandali iihi muna ako, ang lamig eh,''
''Oo, -- ang -- lamig nga,'' sagot niya nang makapasok na ako sa banyo. Teka, may problema ba 'to si Rain?
''Rain?'' Pagkatapos kong umuhi ay agad akong lumabas at lumapit sa kaniya.
''H-hmm?'' sagot niyang tensed na tensed.
''Rain may problema ba?''
''W-wala -- wala. Everything -- is fine.''
''Wait, ayaw ba ni lolo dad mo na mag-stay ako dito!''
''What? No!''
''Pwes bakit ganiyan ang mukha mo at mukhang may tinatago ka sa 'kin? Ahhh, alam ko na. Stressed ka ba dahil sa ginawa ng mommy ni Lexter sa 'kin? Tss, hayaan mo na 'yon, at huwag ka na mag-worry sa ‘kin. Okay lang ako bestfriend,'' sambit na pagpapaliwanag ko sa kaniya.
''Shasha, t-tatawag lang ako ng pagkain -- natin,''
''Sige.'' Lumapit na siya sa telepono at ako, kinuha ang remote para manood ng tv.
''Flash report. Kalunos-lunos ang sinapit ng sasakyang ito, na kung iisipin ay hindi na mabubuhay kung sino man ang nasa loob,'' saad ng reporter sa telebisyon.
''Rain, kawawa naman 'tong nadisgrasya. Tingnan mo ang balita.'' Napalingat ako sa kaniya at ang kaniyang mukha, halos hindi na maipinta.
''S-Shasha, si -- si L-Lexter.'' Patak na luhang sambit niya dahilan para ang buhok sa buong katawan ko ay tumaas na.
''Breaking news, nakita na ang katawan ni Lexter Thor Frante at kasalukuyan ng naka-admit sa isang ospital sa -- ''
"A-anong nangyari -- RAIN, PUNTAHAN NA NATIN SIYA!'' Ragasang luhang pakiusap ko habang hawak-hawak ang kamay niya.
Alam niyang hindi na niya ako mapipigilan lalo na't mahal ko na ang nasa bingit ng kamatayan!
Dali-dali na kaming lumabas ng silid at maging ang kasama ko, tuloy-tuloy na rin na rumaragasang mga luha sa kaniyang mukha.
Pumunta kami kaagad sa sasakyan niya at mabilis na ‘yon pinaharurot papunta kung nasaan ngayon ang lalaking pinakamamahal ko.
''Rain, pwede bang mas bilisan mo pa! MAS MABILIS PA!'' malakas na sigaw ko marahil na rin sa labis na pag-aalala!
''I'm trying!'' saad niya at binubusenahan ang lahat na humaharang sa daanan namin.
''Rain, bakit mo 'to nilihim sa 'kin!''
''I-I'm sorry. Iniisip ko lang ang mas -- ''
''Rain nasa panganib ngayon si Lexter dahil sa paglihim mo!'' malakas na hagulgol ko, kaya hindi na siya sumagot pa sa aking isininghal sa kaniya.
Halos kalahating oras pa na tumakbo ang sasakyan ay nakarating na kami kung saang ospital ngayon na-admit si Lexter.
Nauna na akong bumaba ng sasakyan kay Rain dahil naghahanap pa siya ng mapaparkingan.
Hindi ko alam, hindi ako sigurado kung tumitibok pa ba ang puso niya. Paano kung -- death on arrival siya!
Mas lalong nangatog ang tuhod ko sa dahil sa tinding kaba na nararamdaman ko, dagdag pa ang napakalakas na ulan na agad yumakap sa akin.
''Nurse, s-si -- ''
''Yes, ma'am, sino po ang hinahanap -- ''
''Lexter. Lexter -- Thor Frante. N-saan ang room niya!''
''Ang naaksidente sa bangin. Room thirty first po at -- '' Hindi ko na siya pinatapos pa at agad ng umakyat sa sinabi niyang silid.
Halos wala na akong ibang marinig sa mga puntong ito, kundi ang napakalakas lang na t***k ng puso ko!
Hinanda ko muna ang sarili ng ilang sigundo at nagdesisyon ng pumasok sa loob. Pagkabukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang magulang at kapatid niyang si Lux, maging ang tatlo niyang kaibigan na sina Chris, Allen at Rumir.
''Bakit ka nandito!'' malakas na sigaw ng kaniyang ina, pero hindi ako nagpatinag doon. Lumapit ako kaagad sa lalaking nakahiga, kahit na wala pa rin itong malay.
''Boo,'' bulong ko sa kaniya kasabay pumatak ang luha ko sa kaniyang mukha.
Napayukom ako ng kamay. Kung sana kinausap ko na lang siya, kung sana hinarap na lang namin ang problema ng magkasama, edi sana na sa ligtas siyang kalagayan ngayon!
''Ang kapal ng mukha mo!'' malakas muli na sigaw ni Stacy.
''Kung hindi dahil sa pagpapanggap mo, wala sana ang anak ko ngayon sa bingit ng kamatayan! Huthutera ka na, isa ka pang peste na umaaligid sa anak ko!'' Itinaas na niya ang kaliwang kamay niya para sana sampalin ako, nang biglang hinawakan ng asawa nito ang kaniyang kamay para pumigil.
''Stacy, huwag mo na hintayin na makipag-divorce na ako sayo dahil sa kagaspang ng ugali mo,'' mahinahon ngunit taimbagang sambit niya sa kausap. Marahil sa labis na takot, hindi na siya nagsalita muli at pumunta na lang sa isang sulok.
Humawak si tito sa kamay ko at ramdam ko kung gaano niya pinahahalagahan at tinanggap ang kung ano man ang mayroon kaming dalawa ni Lexter.
''Babalik na muna kami ni Stacy sa bahay, kukuha kami ng aming mga damit. Rumir, Lux, kayo na muna ang bahala dito.'' Bakas sa mukha ng kaniyang asawa na ayaw niyang sumama pauwi. Pero dahil sa ibinalangkas nito kanina, wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumama na.