CHAPTER 11

1131 Words
Lux POV Dahil sa breaking news na lumabas sa tv kanina, kahit umuulang malakas at dis-oras na ng gabi ay buong bilis na pinaandar pa rin ni daddy ang sasakyan papunta kung saan nahulog ang sasakyan ni kuya. ''Kasalanan mo 'to Lim! Kung hindi mo lang sana pinayagan ang anak natin na lumabas, edi sana hindi napahamak ang anak natin!'' ''Mom, pwede ba maghulos dili ka! Gusto mo ba na tayo naman ang mapahamak!'' sigaw ko sa kaniya mula sa upuang likuran niya. Tiningnan niya lang akong galit at tumungin ulit kay daddy. ''Lim, kapag may nangyaring masama sa anak natin, hinding hindi kita mapapatawad!'' usal niya at malakas na sinampal si dad habang nagmamaneho. Wala ng nagawa si dad kundi ipagpatuloy ang paghaharurot ng sasakyan. Minuto lang ang lumipas, nakarating na kami kung saan nahulog ang sasakyan ni kuya. Bumaba na kami sa sasakyan at agad nang pumunta sa parteng napaliligiran na ng mga pulis maging ng media. ''Nakikihiya ito! Madidikit ito sa kompanya natin! Dapat -- '' hindi na siya natapos sa pagsasalita nang biglang siya naman ang malakas a sinampal ni daddy. ''Buhay na ng anak natin ang nakasalalay dito! Ano ba talaga ang iniisip mo! Si Lexter o ang kompanya!'' gigil na saad ni dad sa kaniya at iniwan na siya sa isang sulok. Sumunod ako kay dad para kausapin ang mga kapulisan. ''Sir, may balita na po ba sa anak ko!'' tanong ni dad na tulad ko ay basang basa na rin sa ulan. ''Kayo po ba ang -- '' ''Yes I am his father!'' Napatikom sandali ang kaniyang kausap. ''Sir, patawarin niyo ako, pero hindi pa po namin pwede galawin ang sasakyan. Masyado pong matarik ang lugar na ito kasama pa ang nagbabadyang bagyo,'' ''What! Paano kung naghihingalo na ang anak ko! AKO TALAGA ANG PAPATAY SA INYO!'' ''Dad, ginagawa nila ang trabaho nila,'' Yumakap ako sa braso ni dad at pilit siyang pinakakalma kahit ang mismong loob ko, durog na rin sa labis na pag-alala. Ilang sigundo, dumating na rin ang mga kaibigan ni kuya. ''Lux! Tito Lim! Nakita na ba siya!'' buong pag-alalang tanong ni kuya Chris sa amin. Hindi kami maka-imik, halos hagulgol lang ni daddy ang naririnig namin. ''Hanapin niyo ang anak ko, parang awa niyo na!'' Lumuhod si daddy sa harap ng bangin, na dahilan na ikatulo na rin ng mga luha ko. ''B-bakit si Lexter pa ang nahulog sa -- kasalana mo 'to Rumir! Kung sinabi mo na lang sana na nasa La Acosta si Shasha, edi sana ligtas ngayon ang kaibigan natin!'' malakas na sigaw ni kuya Chris. Hindi naman naka-imik si kuya Rumir at napatikom na lang na kaniyang palad. ''Nakilala mo lang 'yang Rain na 'yan, mas naging matimbang na siya sa -- '' hindi siya nakapatapos sa pagsasalita nang bigla siyang sinuntok sa mukha ni kuya Rumir. ''Huwag mong idadamay ang girlfriend ko dito Chris! Walang may gusto sa nangyayari ngayon kay Lexter!'' ''Sige magpatayan kayo! Ni hindi niyo matulungan ang anak ko!'' sigaw naman na sabat ni mommy sa isang sulok. Wala nang nagtangka pa sa amin na magsalita kundi ang manlumo na lang dahil sa kahabag-habag na kalagayan ngayon ni kuya. Habang hawak si daddy, biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Bumitaw muna ko sa bisig ni dad para bumalik sa loob ng sasakyan. ''Jamie,'' ''Lex! Nabalitaan ko ang nangyari sa kuya mo!'' Buntong hininga na lang ako sa bungad niya. ''Lex, tinawagan ko na ang kuya ko, mataas ang ranggo niya sa opisyal. Nakiusap ako sa kaniya para pumunta diyan nang sa gayo‘n ay mas mabilis ang aksyon!'' ''S-SALAMAT JAMIE!'' ''On the way na si kuya diyan, nakasuot siya ng orange na reflector,'' pagkapaliwang niya, kaya napatingin ako sa harap ng sasakyan. ''Nandito na siya!'' ''Sige Lux, sana nakatulong and praying for your kuya!'' Ibinaba ko na ang kaaagad ang tawag at muling sumulong na sa ulan. ''Sir!'' ''Ikaw ba si Lux?'' ''Opo sir!'' Tumungo siya at inobserbahan ang nasa paligid. ''Iho, gagawin ko ang buong makakaya ko para maisiguradong ligtas ang kuya mo, tulad ng pagligtas mo kay Jamie noong muntik siyang malunod sa field trip niyo,'' kalmado ngunit sensirong pagpapaliwanag niya sa akin. Kinuha niya ang malaking microphone at iniharap sa mga nagkukumpulang media. ''Lahat ng media ay umatras na muna,'' Pakiusap niya pero hindi pa rin nakikinig sa kaniya. Nagalit ang ibang reporter at humarap ang isa sa nagbabalita sa kaniya. ''Alam mo bang trabaho namin 'to at kailangan maipahayag sa mga tao! Sino ka ba!'' sigaw ng isa sa mga reporter sa kaniya. ''I'm Lieutenant General Rodriguez, also assistant to the Philippine president.'' Napaawang ang mga bibig ng reporter, bakas na rin ang takot kaya nag-simula na silang umatras sa lugar. RUMIR'S POV Salamat na lang dahil sa mataas na ranggong officer dito at batid namin na mas magiging mabilis na ang proseso at paghanap kay Lexter. Habang naghihintay ng balita mula sa mga pulis, sumilong muna ako sa ambulansiya, para tawagan si Rain. ''Mahal, kumusta kayo ni Shasha,'' ''Shhh, sandali, pupunta muna ako sa banyo.'' Naghintay muna ako ng ilang sigundo. ''Mahal, may balita na ba kay Lexter!'' ''Wala pa, pero mas marami na ngayon na naghahanap sa kaniya. A-alam na ba ni Shasha?'' ''Hindi pa, sa kaiiyak niya kanina ay napakalalim ngayon nang tulog niya,'' ''May balak ka bang sabihin 'to sa kaniya?'' ''H-hindi ko alam -- s-sige na papatayin ko na ang tawag, mag-iingat kayo diyan mahal!'' ''Sige, kayo rin ni Shasha, I love you,'' usal ko at pinatay na ang tawag. Ngayon, dumadaloy na sa katawan ko ang pagsisisi kung bakit hindi ko sinabi kaagad kay Lexter kung nasaan si Shasha. Ramdam ko rin ang sumakit na kamao ko sa pagkakasuntok kay Chris. ''Damn it!'' saad ko sa sarili at napayuko na lang sa isang sulok ng biglang -- ''NAKITA NA SIYA!'' malakas na sigaw ni Allen kaya napatakbo ako kaagad sa kaniya! Lalong nagkumpulan ang media dahil sa nakita na ang katawan ng kaibigan ko! ''Lieutenant, IS HE STILL BREATHING!'' sigaw ni tito Lim habang nakahawak sa kaniyang dibdib. ''Yes he is. Pero kailangan pa rin siyang ma-confine to run some test for his safety.'' Yumakap ng napakahigpit si tito sa kaniya, at lumapit naman siya kay Lux pagkatapos. ''Lux, I think we're now fare. You saved my sister, I saved your brother.'' Siya naman ang napayakap sa opisyal. ''S-salamat po ng napakarami,'' saad niyang maluha-luha pa. ''O paano, tutuloy na ang team ko dahil mag-e-escort pa kami kay president,'' ''Sige po, maraming -- '' ''One more thing Lux, kung ano man ang mayroon kayo ni Jamie, sana ay huwag mo siyang saktan. Kundi mayayari ka talaga sa 'kin. Ingatan mo siya lalo na't mga highschool na kayo.'' Ngumiti ang opisyal saka umalis na kasama ng kaniyang mga alipores.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD