Lexter's POV
Masungit man ang panahon dahil sa nagbabadyang bagyo, masikap ko pa rin na binaybay ang bahay nila Shasha.
''Mang Ramon nasaan po si Shasha?''
''Nako iho, may mga dala siyang damit kanina. Humahagulgol siya no'ng umalis dito sa bahay. Sinubukan namin siyang pigilan ng mama niya pero hindi talaga siya nagpa-awat,''
''S-saan -- 'di bale po, hahanapin ko na lang po siya.'' Umalis na ako kaagad para ipagpatuloy na ang paghahanap sa kaniya.
Nag-alala akong labis dahil sa bumabagyo ngayon! At hindi ko alam kung saan siya ngayon pupulutin!
''Baka nandoon siya kina Rain!'' Kinuha ko ang cellphone para tawagan siya.
''Rain! Nandiyan ba ngayon si Shasha!''
''Wala! Kasama ko ngayon si Rumir na naghahanap din sa kaniya! Simula no'ng nakita ko ang trending na video ay hindi ko na siya ma-contact!''
Lintik, edi nasaan ngayon si Shasha!
RUMIR'S POV
Masakit sa akin, para magsinungaling ako sa matalik kong kaibigan. Pero anong magagawa ko? Napilit na ako ni Rain na huwag ko munang sabihin kay Lexter, alang-alang sa mental health ni Shasha.
''Mahal kasama ko na si Shasha ngayon,'' panimula ni Rain sa pag-uusap namin sa cellphone.
''Ang mahalaga ang safe na ang best friend mo,''
''M-mahal, I'm sorry if you have to lie sa mga kaibigan mo. Pasensya ka na, iniisip ko lang ang mental health ngayon ni Shasha,''
''Nasa bahay mo na siya ngayon?''
''Wala, nandito muna siya sa hotel namin, sa La Acosta. Dito muna siya ng ilang mga araw. Panigurado kasi ay pupunta 'yon sa bahay, eh alam mo naman na nandoon si lolo dad, mahirap na baka mag-iskandalo,''
''Sige,''
''One more thing mahal, sinabi ko kay Lexter na magkasama tayo. Please lusutan mo na lang 'yon at kung maari, damayan mo rin siya, kayong mga kaibigan niya.'' Hindi muna ako makaimik at napapalunok na naman ng laway.
''Sige na, mag-iingat kayo ni Shasha. I love you,'' sambit ko at ibinaba na ang tawag. Habang nagmamaneho sa sasakyan, tumunog na naman aking cellphone.
''Rumir, ano nakita niyo na ba si Shasha!''
''L-Lex, h-hinatid ko na si Rain sa bahay nila. H-hayaan mo lang si Shasha, na -- mapag-isa.''
''What! Pero kailangan niya ako ngayon!''
''Napakasama ng panahon Lex, at may bagyo, ni ang labo na nga ng dinadaanan ko. Puntahan mo 'ko sa condo, papunta na rin sina Chris at Allen doon.'' Hindi na siya sumagot at pinatay na ang tawag.
Napakalakas ng ulan, kaya buong ingat kong binaybay ang kalsada pabalik sa aking condo.
'''Tol, tawagan mo na nga si Lexter kung nasaan na,'' usal ni Chris makalipas ng isang oras.
''Huwag niyo ng tawagan, baka on the way na,'' sabat naman ni Allen na naghahanda ng kapeng maiinom namin.
'''Tol sa atin lang sana. K-kasama na ngayon ni Rain -- si Shasha,'' buntong hingang pahayag ko na agad naman ako kwinelyuhan ni Chris!
'''TOL BA‘T ‘DI MO KAAGAD SINABI KAY LEXTER! Nasaan ang cellphone ko! Ako na ang tatawag sa kaniya para -- ''
''Chris, gustuhin ko man pero nakapangako na ako kay Rain!''
'''Tol, gusto mo bang mabaliw ang kaibigan natin!'' galit na saad niya kaya umaksyon na si Allen na hawakan siya.
'''Chris, try to calm -- ''
''WHAT! Gusto niyo lang umupo at maging kalmado dito! Ipapa-alala ko lang sa inyo na sumusulong ngayon sa bagyo ang kaibigan natin! KAIBIGAN NATIN! Bitawan mo nga ako Allen!''
''Chris, kung nag-aalala ka sa kalagayan ni Lexter, pwes isipin mo rin ang mental health ngayon ni Shasha! Hindi mo ba nakita ang ginawa ni tita Stacy sa kaniya! Chris napahiya siya ng sobra! Hindi mo ba naisip na baka siya ang mabaliw!'' paliwanag ko, kaya kahit papaano ay kumalma na ang galit na galit kong kasama dito.
Lumapit siya sa isang pader at doon malakas sumuntok. ''Chris, huwag kang mag-alala at malalampasan din nila 'to,'' mahinahon naman na pagpapakalma sa kaniya ni Allen.
''Pambihira naman kasi ang mommy ni Lexter. Napakamatapobre! Yumaman lang at nakahiga na sa kutson, ay nakalimutan na niya kung saan siya galing!'' usal naman ni Allen na unti-unti na rin gumagapang ang galit sa kaniyang mukha.
''Wala tayong magagawa, gustuhin man natin na awayin si tita pero wala tayong lakas do'n,''
''Tama ka Rumir. Matalik na kaibigan niya rin ang step dad mong si Enrique. Baka mamaya ay i-alis pa si Shasha sa university once malaman 'yan.''
Sa sinabi ni Allen, kung galit ako sa mga magulang ko, mas lalo lang akong nanggigil ngayon sa mommy ni Lexter.
Kinausap ako kahapon ng step dad ko, sinabihan ako na kapag lumapit pa si Lexter kay Shasha ay ipapatatanggal na raw ang dalaga sa unibersidad.
Hindi ko alam, wala naman sanang mali sa ginagawa nilang pagmamahalan pero grabe ang tadhana para hadlangan silang dalawa.
''H-hindi na pwede dumikit si Lexter -- kay Shasha.''
''Anong sinasabi mo Rumir?'' Kunot noong tanong ni Chris.
''Sinabihan ako ni Enrique na -- ''
''ANO! Mananakot na naman sila! DAMN IT!'' gigil niyang saad kaya napayukom at napasigaw na lang siya sa sobrang galit.
''Pasensya ka na Chris, ang mga magulang namin ay hindi katulad ng mga magulang mong mababait,'' saad ko na nagpipigil na rin ng galit.
''P-paano na ang relasyon -- nilang dalawa ngayon?''
''Chris, if they are fated to love each other, then kahit ano pang mangyari ay sila at sila pa rin hanggang sa huli,'' malungkot na pagpapaliwanag ni Allen.
''Hays, kumalma na kayo. Hindi naman habang buhay ay estudyante tayo. Darating din ang panahon na malaya na silang mahalin ang isa't isa,''
''Wow, at sayo pa talaga ‘yan galing Allen,''
''Haha, palibhase kasi Chris ang dami mong babae, pustahan tayo ikaw ang huling mag-aasawa sa ating apat,'' pangangsar niya kaya kahit papaano ay gumaan na ang mood dito sa aking condo.
Pahigop sana ako ng kape ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. ''Excuse me, sagutin ko lang ang tawag ni Rain,''
''Teka 'tol, nasaan ang remote ng tv mo?''
''Nasa harap mo na 'tol. Kung ahas 'yan ay tinuklaw ka na kanina pa,'' pangangasar ko at lumayo na sa kanila.
''Rain, bakit -- ''
''MAHAL, SI LEXTER!''
''B-bakit anong -- '' Biglang tumaas ang balahibo, at tumingin sa balita sa tv. Lumaki ang mga mata ng kasama ko, halos hindi makagalaw sa mga posisyon namin.
'''T-TOL -- SASAKYAN NI LEXTER, N-NAHULOG SA BANGIN!'' Sa lakas ng sigaw ni Chris, mabilis ng umikot ang sumunod na pangyayari!