CHAPTER 9

1166 Words
Lexter's POV Mag-aalas otso na, pero wala pa rin si Shasha dito sa waiting shed sa labas ng unibersidad. Tingin ako ng tingin sa cellphone ko, pero wala namang text o tawag mula sa kaniya. ''Hays, nakalimutan niya ba ang usapan namin kanina?'' Pumunta ako sa speed dial para hanapin ang number niya at tinawagan ‘yon. ''The number you dial is busy right now.'' Ano ba naman 'yan, saan na naman kaya si Shasha? Ahh, tawagan ko muna ang bestfriend niya. ''Hello, Rain?'' ''Yes Lexter?'' ''Kasama mo ba si Shasha ngayon?'' ''Hindi, si Rumir ang kasama ko ngayon eh,'' ''Ahh, gano'n ba. May usapan kasi kami na magkikita kami ngayon pagkatapos ng alasais naming klase pero alas otso na, hindi ko pa rin siya nakikita,'' ''Baka nakauwi na Lexter. Ang alam ko kasi ay may thesis pa siyang tatapusin ngayon,'' ''I see. O siya, salamat Rain at pasensya dahil mukhang naabala ko ang date niyo ni Rumir,'' ''No worries, bye,'' ''Bye.'' Pinatay ko na ang tawag at dismayado nang pumasok sa aking sasakyan. ''May thesis pala siya, bakit hindi man lang niya sinabi sa akin kanina sa cafeteria,'' tampong bulong ko sa sarili. Balak ko pa naman sana siyang ihatid para mas makatipid siya ng pamasahe. ''Bukas ko na lang siya pupuntahan sa bahay nila para sunduin siya. Baka kasi kapag pumunta ako doon ay mapagalitan niya lang ako dahil naistorbo ko siya sa kaniyang thesis.'' Medyo traffic dahil umuulan kaya almost ten pm na ako nakauwi sa bahay. Pagka-parking ay sinalubong ako ng aming kasambahay dala ang isang payong. ''Sir, kumain na po ba kayo?'' ''Hindi pa po manang, pero busog pa naman po ako,'' ''Kape na lang sir. Gusto niyo po ba akong akyatan ko kayo sa itaas?'' ''Yes please,'' saad ko pagkatapos ay dumaretso na ako sa aking kwarto. Mabilis akong nagpalit ng damit pambahay at inihanda ko na ang aking laptop. Tumutulong at sinasanay na rin kasi ako sa aming kompanya, ang Frante Merchandise Corp. Umupo na ako para i-kondisyon ang sarili, nang makita ko bigla ang napakaraming missed calls ni Rain, ng mga kaibigan ko na sina Chris, Allen at Rumir. ''Teka, anong mayroon?'' Kunot noo kong tanong. Sinubukan ko silang tawagan pabalik pero hindi ko naman sila lahat ma-contact. ''Sir, ito na po ang mainit niyong kape,'' ''Sige manang, pakilapag na lang po diyan. Manang, anong nangyayari sa wifi dito?'' ''Nako sir, may bagyo po kasi kaya napakahina po ng signal ngayon,'' ''Kaya pala. Sige manang at salamat po sa kape.'' Pagpapasalamat ko sa kaniya at lumabas na sa aking kwarto. Pagbukas ng laptop, may katok na naman akong narinig sa aking pintuan. ''K-kuya,'' ''Bakit Lux, magpapatulong ka ba ng assignment?'' Hindi siya umimik ng ilang sigundo at hinubad ang kaniyang salamin. ''Bakit ganiyan ang mukha mo, may problema ba?'' tanong ko at umupo siya sa higaan ko at inaabot niya sa akin ang kaniyang cellphone. May pinakita siya sa aking trending the video, si Shasha sinampal at binuhusan ng milk tea sa ulo! ''WHAT THE -- WHERE'S MOM!'' Halos lahat na yata ng dugo ko ay umakyat na sa aking ulo. Agad akong pumunta sa may pintuan, pero humarang naman kaagad doon si Lux para pigilan ako sa gagawin ko. ''Kuya Lexter, huwag mo na lang patulan si mommy!'' ''PAANONG HINDI PAPATULAN! PAGMAMALUPIT ANG GINAWA NIYA KAY SHASHA! Sa babaeng mahal na mahal ko pa!'' ''Kuya pagpasensiyahan mo na lang si mom! Baka -- napagbuntungan niya lang!'' Sa kagustuhan ko na sugurin si mommy sa kanilang kwarto, naitulak ko si Lux sa aking computer table at nahulog ang ilang mga gamit doon kasama niya. ''What's happening here!'' sigaw ng babaeng nagpapakulo ng dugo ko ngayon habang nakasuot ng bathrobe. ''Lexter, anong ginawa mo sa kapatid mo!'' malakas na sigaw niya at pumunta kaagad kay Lux. ''Mom, okay lang ako.'' Tumayo si Lux at pumagitna sa aming dalawa. ''Bakit mo nagawa 'yon kay Shasha!'' ''Ano? Talagang pinagtatanggol mo pa ang babaeng 'yon!'' ''How dare you na gawin 'yon sa babaeng mahal ko!'' ''Mahal? Tingin mo mahal ka talaga niya? Pera lang ang habol niya sa 'yo, ano ka ba naman Lexter! Isa ka na sa mamalakad sa Frante Merchandise Corp. pero ito ang pinapakita mo sa amin! Pera lang ang habol niya sa 'yo at wala ng iba!'' ''Kahit kailan, wala akong matandaan na penerahan niya ako! Kung tutuusin pa nga ay ako ang nagkautang sa kaniya!'' ''Sige, ipagtanggol mo 'yang babae na 'yan. Tingnan ko lang kung saan ka abutin!'' ''Ano ba ‘tong ingay na 'to. Nakakahiya at nagkakagulo kayo,'' singit ni daddy pagkapasok sa kwarto. ''Lim, kausapin mo 'yang anak mo! Napakatigas ng ulo!'' ''Anong bang problema niyo para magbangayan kayo ng ganiyan,'' kalmado ngunit taimbagang saad ni dad sa amin. '''Yang anak mo Lim, may gusto sa isang gusgusing babae sa UP,'' usal niyang pagtataray. ''Gusgusin? Pulubi ba ito?'' ''Estudyante Lim. Nag-aaral din sa university,'' ''O paano naman naging gusgusin 'yon Stacy? Baka simple lang mag-ayos ang batang 'yon?'' ''Lim, kinakampihan mo ba ang anak mo?'' ''Hindi sa gano'n, I'm just trying to figure out this thing, kung dapat ba talaga itong pag-awayan lalo na't oras na ngayon ng pagpapahinga!'' ''Lim, piniperahan ang panganay mo ng Shasha na 'yon!'' ''Totoo ba ito Lexter?'' ''No dad. Infact ako pa nga ang nanghihiram sa kaniya!'' Humingi siyang malalim at nagbuntong hininga. ''I think there's nothing wrong here Stacy. You're just stressing yourself too much,'' ''Lim naman! Papayag ka na lang na maloko ang anak natin!'' ''Alam mo Stacy, malaki na si Lexter. Alam kong alam na niya ang ginagawa niya,'' ''You didn't get me right Lim. Hindi ko matatanggap sa pamilya natin ang babaeng 'yon!'' ''Bakit Stacy? Dahil lang sa mahirap ang iniibig ng anak mo? Baka gusto mong ipaalala ko sayo no'ng bago pa lang tayo na magkakilala?'' ''Pero -- '' ''Stacy, noong nakilala ba kita, may narinig ka ba sa akin? Hinusgahan ko ba ang pagkatao mo dahil sa nagtitinda ka lang ng isda sa palengke?'' ''Lim! This is not about me or us! It's about our -- '' ''Our son na pinahihirapan mo! Nakalimutan mo na ba kung gaano kita ipaglaban sa mga magulang ko? Para maging Frante ka na? Naranasan mo na kung paano maliitin dahil sa mahirap ka, pero bakit mo hinayaan ang sarili mo na gawin naman 'yon sa iba! Bakit ipinaranas mo sa ibang tao ang sakit na dinanas mo at bakit sa iniibig pa ng anak natin!'' gigil na saad ni daddy kaya hindi na naimik ang kaniyang kausap. ''Lexter, puntahan mo na ngayon si Shasha, apologize to her.'' Madiing bilin ni dad habang nakatingin kay mommy. ''Don't you dare na lumabas sa bahay na 'to Lexter!'' Papalabas na sana ako nang biglang kinuha niya ang baso na naglalaman ng mainit na kape. Mabuti at mabilis na humarang si Lux na may dala-dalang twalya. ''Go on Lexter! Puntahan mo na siya!'' saad ni dad kaya wala na akong sinayang na oras pa, para mapuntahan at makausap na si Shasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD