CHAPTER 8

997 Words
Lexter's POV Alas tres na ng hapon pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kaninang umaga sa condo ni Rumir. Nasa isang coffee shop kami ngayon ni Shasha, humihigop ng kaniya-kaniya naming mga drinks. ''Boo, hati na lang tayo sa milk tea ha,'' panimulang saad ni Shasha at umupo kaharap ko sa lamesa. ''Hindi na, gusto ko lang talaga muna magkape. Enjoy-in mo na lang ang milk tea mo dahil alam kong matagal ka pang nagtabi ng barya para makabili niyan ngayon,'' ''Oo, kung alam mo lang Lexter! Kahit piso ay napaka-ingat ko!'' Hagikgik niya habang tipid na hinihigop ang kaniyang drinks. ''Shasha, paniguradong alam na ni Rain ang relasyon nating dalawa,'' ''Oo boo, alam niya na 'yon,'' ''I think it's time na ipakilala na rin kita sa mga kaibigan ko,'' ''Huwag na, maghiwalay na lang tayo.'' Napaso bigla ang dila ko dahil sa sinabi niya! ''Joke lang naman, ito naman!'' Ngiting pangangasar niya. ''Shasha, that's not a good j-- '' hindi na ako napatapos sa pagsasalita dahil sa napakasakit talaga ng napaso kong dila! ''Hindi kita hihiwalayan Lexter Thor Frante. Mahal na mahal kaya kita,'' saad niyang malumanay ang kaniyang mga mata dahilan para kumalma na ako. Dati, akala ko ay hindi ako magkakaroon na tulad ng mayroon ang ibang tao, ng klaseng lalim na pagmamahal na mararanasan ko pala kay Shasha. ''O bakit ganiyan ang tingin mo sa 'kin boo?'' ''Wala.'' Hinawakan ko ang kamay niya sa lamesa at inilagay sa aking mukha. ''Shasha, I love you. Sa akin ka lang ha?'' May nakalaylay na pulang sinulid sa damit ko at kinuha ko 'yon. ''Shasha, alam kong mga bata pa lang tayo pero aminin mo, alam kong alam mo na we're so deeply in love sa relasyon na mayroon tayo ngayon. Kahit nag-aaral pa lang tayo, pero nakasisigurado na akong totoo ang pagmamahalan natin. Hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong paa sa ngayon, pero Shasha, w-will you -- marry me?'' Hindi siya nakasagot at napaawang lang ang kaniyang labi. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at ibinuhol sa wedding finger ang pulang sinulid na nakita ko sa aking damit. ''I love you, Shasha Adelle Salamanca. Sa mga susunod na panahon, diamond na ang isusuot ko sayo.'' Tumakas ang isang luha sa kaliwang mata niya. ''Huwag na huwag mong tatanggalin 'to ha? I love you.'' ''I-I love you too -- boo,'' ''Ngumiti ka na, ang ganda talaga ng -- '' ''‘Tol! Nandito ka pala!'' Naagaw ang attention namin nang biglang dumating si Allen at Chris dito sa coffee shop. ''Bakit 'tol anong nangyari?'' '''Tol guess what! Pasok na naman tayong apat para maging representative ng university!'' buong pagmamalaki ni Chris sa akin. ''WOW!'' masayang saad naman ni Shasha. ''Ehem, baka gusto mo na kami ipakilala sa kasama mo 'tol?'' pangangasar naman ni Allen sa akin. I cleared my throat para ipakilala siya. ''Guys, meet the love of my life, Sh -- '' '''Tol! Pinatatawag na tayo ngayon mismo sa office!'' sigaw ni Rumir mula sa pintuan ng coffee shop. ''Sige na Lexter, lumabas na kayo. Okay lang ako rito,'' masayang saad ni Shasha at iniabot na sa akin ang aking bag. ''Boo, kita na lang tayo mamaya sa labas ng university, pagkatapos ng alais nating klase.'' Tumungo lang siya sa akin at ngumiti ng napakatamis. Lumabas na kaming apat at nilisan na nang mabilis ang coffee shop. SHASHA'S POV Mag-isa na lang ako ngayon dito na humihigop ng milk tea, masayang masaya dahil sa napakagandang balita ng mga kaibigan niya sa kaniya. Sila na naman ang representative na ilalaban at sigurado ako, maipapanalo na naman nila ang karangalan sa unibersidad namin. Tama ang sinabi niya kanina, na bagamat mga bata pa lang kaming dalawa pero walang alinlangan at pagdududa na wagas na pag-ibig talaga ang kung ano man ang mayroon kami ni Lexter ngayon. Tinititigan ko ang kaliwang kamay ko, kilig na kilig pa rin sa pulang sinulid na nakabuhol sa aking daliri. Maari ngang nakakatawa dahil sa napakababaw ko, pero sa paraan ng pagpapahayag niya, ipakita kung gaano niya ako kamahal, doon pa lang, doon pa lang ay mas napamahal na ako sa kaniya ng lubusan. Tatayo na sana ako para sa aking susunod na klase, nang biglang may umupo sa harap ko, dahilan na halos ikatuyo na ng aking lalamunan at ikalamig ng aking pawis sa noo! Ang mommy ni Lexter, NASA HARAP KO! ''T-tita S-Stacy,'' utal-utal na usal ko sa kaniya. ''Tita? Nahihibang ka ba? Are you my niece para tawagin mo akong tita?'' pagtataray niyang saad, kalmado ngunit sapat na para ikadurog ng puso ko. ''Ang kapal ng mukha mo para umaligid sa anak ko. Mukhang pera!'' bahagyang sigaw niya dahilan para pagtinginan na ako ng ibang mga estudyante dito sa cafeteria. ''Kanina pa ako nakikinig sa usapan niyo ng anak ko, at mukhang gustong gusto mo ang mga narinig mo! Talagang gumawa ka pa ng patibong para magkagusto siya sa 'yo!'' ''W-wala po akong masamang intention sa anak niyo, m-ma'am Stacy.'' Patak na luhang sambit ko sa kaniya. ''At sa tingin mo naniniwala ako sa sinasabi mo? Anong tingin mo sa 'kin? Na katulad ni Lexter na napapaikot mo ng ulo!'' Dinuro-duro niya ang ulo ko na ikinababa na lalo ng buong pagkatao ko. ''Nandidiri ako sa 'yo, alam mo ba 'yon! Mukha kang basahan! Hinding hindi kita matatanggap sa pamilya namin kahit kailan!'' galit niyang saad at malakas na dumapo ang kaniyang palad sa aking kanang pisngi. Sa lakas no'n ay bumagsak ako sa sahig, at hindi lang siya nasiyahan doon dahil -- ''Milk tea?'' Kinuha niya iyon at binuksan ang takip. ''Panigurado akong pera ng anak ko ang pinambili dito. Huthutera!'' malakas na sigaw niya at ibinuhos sa aking ulo ang milk tea, na ilang araw ko pang pinag-ipunan para mabili lang. Durog na durog na ang buong pagkatao ko, pero buong lakas akong tumayo para lisanin na ang lugar na kung saan -- ay kahit kailan ay hindi ko na nanaisin pang puntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD