CHAPTER 94 Walang nagawa si Breigh kundi ang humiga sa kama nang pilitin siya ni Castiel na pahigain doon habang inaalalayan pa. “Ano ba? Wala nga akong sakit eh!”Naiinis na wika ni Breigh saka niya tinabig ang kamay ng binata na nakahawak sa braso niya. “Anong walang sakit? Dalawang beses ka nang sumusuka tapos sasabihin mo na wala kang sakit? Please naman Breigh, wag ng matigas ang ulo.”Naiinis rin na wika ni Castiel pero pinilit niya na pakalmahin ang kaniyang tono nang pananalita. Hindi na lang nagsalita si Breigh at mabilis na nag cross arms saka sumimangot. “Kapag nagsuka ka pa, dadalhin na kita sa ospital.”Dagdag na saad pa ni Castiel habang diretso lang siya na nakatingin sa dalaga. Huminga na lang si Breigh at pinili na lang na wag magsalita. Iniisip niya kung may mali ba sa

