CHAPTER 93 Mabilis na ibinalot ni Breigh ang kaniyang buong katawan sa kumot na ibinigay sa kaniya ni Castiel tsaka siya tumalikod sa pwesto ng binata na ngayon ay nagsisimula pa lang mag latag sa sahig para sa tutulugan niya. “Bilisan mo na nga diyan at patayin mo na yung ilaw para makatulog na ako.”Masungit na wika ni Breigh at nanatili pa rin siya na nakatalikod sa binata. Hindi naman maiwasan ni Castiel na lihim na mapangiti habang tinititigan niya lang ang likod ni Breigh. Nahalata niya kasi sa tono nang pananalita nito ang inis kaya naisipan niya mas lalong asarin ang dalaga. “Bakit mo gustong patayin yung ilawa? Ayy, kung sabagay... mas romantic ‘yon.”Malambing na wika ni Castiel. Awtomatikong napakunot naman ang noo ni Breigh sa kaniyang narinig at asar na nilingon si Castiel

