CHAPTER 68 Nagising si Breigh ng nga bandang alas-sais na ng umaga. Agad na bumungad sa kaniyang mga mata ay ang liwanag ng paligid kung nasaan siya. Nang makita niya na halos puti ang kaniyang nakikita ay doon niya napagtanto na nasa ospital siya ng mga oras na 'yon. Babangon na sana siya para maupo sa kama ng mahagip naman ng kaniyang mga mata si Lee na natutulog sa may sofa. Naka upo lang ito habang ang kaniyang ulo ay nakapatong sa head couch. Tahimik na lang siya at dahan-dahang umupo na sa kaniyang hinihigaan. Doon na naalala ni Breigh ang nangyari kagabi. Ang pagkikita nila ni Gwen at Gaylord at kung paano napunta sa walang kwenta ang usapan nila. Hindi niya maiwasan na mapa igting ang kaniyang panga nang maalala niya ang lahat. Ngunit, hindi nagtagal ang pag iisa at pananah

