CHAPTER 67 HALATA sa mga mukha ni Gwen at Gaylord ang sobrang pagtataka sa sinabi ni Lee. Wala kasi silang ideya kung paano nila nasaktan si Breigh gaya nang sinasabi sa kanila ngayon ng binata. Hindi naman alam ni Lee kung bakit niya nasabi ang tungkol sa bagay na 'yon at alam niyang hindi yun magugustuhan ni Breigh kapag nalaman niya pero wala na siyang pagsisisihan pa do'n sapagka't nasabi niya na at hindi na niya 'yon mababawi pa. "A-anong ibig mong--" Si Gwen ang naglakas loob na unang magsalita sa pagitan nilang tatlo makalipas ang halos isang minuto na katahimikan ngunit hindi niya rin na ituloy 'yon sapagkat napunta na ang atensyon nilang lahat sa pagbukas ng pinto sa may likuran ni Lee. Agad nang humarap si Lee nang makita niya ang Doctor na nag asikaso kay Breigh sa loob n

