CHAPTER 78 "Kuya, aalis na muna ako. "Paalam ni Lee kay Art habang nasa tabi niya si Breigh at ihahatid siya nito hanggang sa may pinto. "Sige, mag ingat ka. "Tipid lang na sagot ni Art. Kasalukuyan lang siya na nakaupo sa kama niya at katatapos niya lang na kumain ng lunch at maligo. Ngayon ay pinapanood na lang niya kung paano mag usap pa ang kaniyang kapatid at ang kaibigan nito habang naglalakad na sila palapit sa pinto. Aalis kasi muna si Lee upang bumalik sa condo ni Breigh para kumuha ng damit ng dalaga. Hindi kasi maiwan ni Breigh si Art ng mag-isa sa ospital dahil mamaya pang gabi ang balik ng asawa nito. Wala rin naman na balak umalis si Breigh dahil gusto niyang samahan ang Kuya niya sapagkat bukas na ng hapon ang schedule ng surgery ni Art kaya hangga't maari ay gusto ni

