CHAPTER 77 HALOS apat na araw na ang lumipas para kay Breigh sa kaniyang pananatili sa Olympia Medical Center. Hindi niya kasi iniiwan ang kaniyang kapatid sa ospital na 'yon dahil natatakot siya na pagsisihan niya rin ang mga oras na wala siya sa tabi ng mga taong mahahalaga sa kaniya. Tulad na lang nang mawala ang kaniyang ama sa mismong ospital na rin na 'yon. Kung saan hindi man lang niya nasilayan na buhay ang Ama at hindi rin nito alam kung buhay ba siya. Natatakot siya na mangyari 'yon kaya naman kahit pagod na pagod na ang buong katawan niya ay hindi pa rin siya nagpapahinga. Kasalukuyan lang na tahimik niyang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Art. Bukas na kasi ng hapon ang schedule ng surgery nito kaya naman kailangan nitong mag ipon ng sapat na lakas. Hindi

