Halos wala na siyang pahinga dahil sa wedding preparation nila ni Dancel. Kung saan-saan sila napunta ni Dancel. Madalas silang naroon sa opisina ng wedding coordinator para i-discuss ang mga nais nila sa kanilang wedding. Sa totoo lang, wala naman siyang mai-suggest talaga patungkol dito at halos ang wedding coordinator din ang nagsa-suggest ng mga kailangan sa wedding tulad ng motif, venue, gown at kung ano-ano pa. Wala naman siyang ginagawa kundi ang sumang-ayon. "Miss Candice, anong gusto ninyong motif, red, yellow, purple, pink or fuschia?" May ipinakita itong mga sample sa kanya galing sa catalogue na may iba't ibang disenyo at kulay ng mga gowns para sa mga abay. Binubuklat nito iyon sa harap niya. "Kahit ano," walang ganang tugon niya. "Pili po kayo ng gusto mo, para ma-finalize

