Pumatak ang masaganang luha sa mga mata ni Zoey nang makaalis na si Gavin. Ibinuhos niya sa kanyang mga palad ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Gusto niyang habulin ito at bawiin ang kanyang mga salita pero natatakot siya. Natatakot siya na magkatotoo ang napanaginipan niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Dancel kahit hindi niya pa alam kung ano iyon. “What are that tears for?” tanong ni Dancel na ikinagulat niya. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito dahil okupado ang kanyang isip ng labis na kalungkutan. Agad niyang hinatak ang tissue na nakapatong sa lamesa at mabilis na pinunasan ang mga luha bago tumingin kay Dancel. “What are you doing here?” tanong niya rito. Bigla na lamang din siyang nanlamig ng pakikitungo dito. Para bang hindi na niya ito nais makausap o ma

