Iminulat ni Zoey ang mga mata. Nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo at sakit ng ulo. Nasapo niya ang kanyang noo bago inilinga ang paningin sa paligid. Hindi siya pamilyar sa lugar na kinaroroonan niya. Nakahiga siya sa isang katre na gawa sa kawayan. May sapin lamang siyang banig at unan sa kanyang ulunan. Para siyang nasa isang bahay kubo na medyo may kalakihan. Sumagi sa isip niya ang nangyari bago siya nakarating dito. May kung anong bagay siyang naamoy sa parking lot na nagpawala ng kanyang malay. Bigla siyang nakaramdam ng panganib. Agad siyang kinabahan at mabilis siyang tumayo. Pinakiramdaman niya ang paligid. Pinakiramdaman niya kung may ibang tao siyang kasama. It all came so easy All the lovin' you gave me The feelings we shared And I still can remember How your touch wa

