Gavin: Good morning sweetheart, don’t forget to eat your breakfast. Napangiti siya nang mabasa ang mensahe na iyon galing kay Gavin. Kakadilat pa lang ng kanyang mga mata nang umagang iyon at nakahiga pa siya sa kanyang kama nang tumunog ang kanyang cellphone. Iyon agad ang mensaheng bumungad sa kanya. Hindi niya akalaing ganoon lang kabilis mawawala ang sama ng loob niya dito at ganoon lang niya kadaling mapapatawad ito. Tunay na gahibla lamang ng buhok ang pagitan ng galit at pag-ibig. At nanaig ang pag-ibig kaysa galit. Mas nangibabaw ang pagkasabik kaysa sama ng loob. Magre-reply na sana siya nang may isang mensahe ulit na pumasok sa kanyang cellphone. Binuksan muna niya iyon. Galing naman ang mensahe kay Dancel. Dancel: Good morning, my sweet Candice. See you later. Medyo nagtata

