Hebrews' POV "Mahal na Prinsesa, maaari ba kitang makausap?" Tawag ko sa kaniya mula sa labas ng silid kung nasaan siya. "Pumasok ka na." Tugon naman niya. Binuksan ko ang pinto at muli 'yong sinara. Bahagya akong yumuko sa kaniya bago tuluyang lumapit sa may bintana kung saan siya nakatayo at nakatanaw sa labas. "Anong sasabihin mo, Hebrews?" Tanong niya sa'kin. Ngumiti muna ako bago nagsalita. "Gusto ko lang pong sabihin na hindi kita magagawang samahan sa pagbalik mo ng palasyo. Katulad mo ay pinaghahanap na rin ako ng aking madrasta. Paniguradong paparusahan niya ako kapag bumalik ako." Sambit ko. "Mabuti na lang din at hindi nila ako napansin dahil sa mahikang binalot sa'kin ni Velchor nang magpunta sila rito." Ngumiti naman siya sa'kin at ngumiti. "Naiintindihan ko, 'wag kang m

