Aeify's POV "Bakit ba ikaw ang nag-eensayo sa'kin? Punyal ang gamit ko na nagiging espada. Ikaw pana, pa'no 'yon?" Reklamo sa'kin ni Denver. Ilang oras na kaming nag-eensayo pero mukhang hindi naman niya ako sineseryoso. "H'wag mo akong minamaliit. Ako ang pinakamagaling pumana sa buong Parcean." Umupo siya sa isang malaking tipak ng bato. "Alam mo, hindi naman sa minamaliit kita. Hindi lang magiging maayos ang pag-eensayo natin kung pana ang gagamitin mo at espada naman ako. I mean, paano mo ako matuturuan? Marunong ka bang gumamit ng espada?" Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Hinahamon mo ba ako?" Tumingin siya sa'kin at ngumisi. "Hindi naman, pero parang gano'n na nga." Binuksan ko ang palad ko at ang palasong hawak ko ay napalitan ng isang espada. "Try me." Nakangisi

