Cassey's POV Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pagkatapos ay marahan kong iginala ang paningin ko sa aking paligid. "Gising ka na." Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Phae na nakatayo sa may tabihan ko at nakangiti sa'kin. "Mabuti naman at nagising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Iginala ko ulit ang paningin ko. "N-Nasa'n ako?" "Nandito ka sa bahay ko, Cassey." Mabilis ko siyang nilingon nang may maalala ako. "Si Decker! Phae, si Decker nasaksak siya!" Hinawakan ni Phae ang balikat ko. "Cassey, kumalma ka lang. Maayos na ang lagay ni Decker. Napagaling mo siya kaya ayos na siya." Tinignan niya ako ng may pag-aalala. "H'wag ka munang masyadong gumalaw. Hindi mo pa naibabalik ang lahat ng lakas na nawala sa'yo. Magpahinga ka na muna ulit." "Phae, gaano na ako kataga

