Cassey's POV Nakatitig lang ako sa kisame nitong silid na tinutulugan ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang makatulog. Binabagabag ako ng mga nalaman ko. Napapikit ako at muling inalala ang naging pag-uusap namin ni Decker kanina. "Dahil nasa'yo ang puting kristal. Ikaw ang isa sa mga makakapaligtas ng Parcean. At si Serenity ang namatay mong kakambal." Literal akong napanganga sa mga sinabi ni Decker. "A-Anong s-sinabi mo?" Tinignan niya ako ng seryoso. "Hindi ka isang ordinaryong tao. Kalahating tao ka lang, dahil ang ama mo ay isang nilalang dito sa Parcean. At ang ina mo ay isang tao na aksidenteng nakapasok noon dito sa mundo namin. Kayong dalawa ni Serenity ang naging bunga ng pagmamahalan nila." Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko. Nagsimulang mangilid an

