Aeify's POV "Hindi dapat tayo umalis do'n." Tumutulo ang mga luha ko nang lingunin ko sila Phae at Decker. "H-Hindi dapat tayo umalis. Kailangan ko silang iligtas! Kailangan kong iligtas ang Andalace!" Tatakbo sana ako pabalik pero pinigilan ako ni Phae. "Aeify, hindi ka na pwedeng bumalik do'n. Masyado nang delikado. Intayin na lang natin ang pagdating nila Hebrews dito bago tayo umalis." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "At ano? Iiwan na lang natin ang Andalace ng gano'n-gano'n na lang!? Na parang walang nangyari!?" Hinawakan ako sa dalawa kong balikat ni Phae at tinignan ako diretso sa mga mata ko. "Aeify, alam ko kung anong nararamdaman mo ngayon at naiintindihan ko 'yon. Pero mapapahamak ka kapag bumalik ka pa ro'n." Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat k

