Cassey's POV "Prinsesa, kailangan mo nang mapabagsak ang Reyna at mabawi sa kaniya ang itim na kristal bago pumuti ang buwan." Sambit sa'kin ni Velchor. "Ito ang dahilan kung bakit kinailangan na naming ipaalam sa'yo ang totoo." "Teka, anong ibig mong sabihin? Anong mangyayari kapag naging puti ang buwan?" Tanong ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin sa'kin. "Magiging huli na ang lahat para sa dalawang mundo. Ang puting kristal na nasa'yo ay magiging itim at kapag nangyari 'yon, magkakaroon ng malaking pagbabago. Habang buhay na mababalot ng kadiliman ang Parcean at ang mundo ng mga tao na siyang paghaharian ni Reyna Livia." Aniya. Napabalik ako sa reyalidad nang may isa na namang luha ang tumulo mula sa mata ko. Nakatitig ako ngayon sa taong noon ko pa gustong makita at makasama. "P-Pa

