Cassey's POV "H-Hindi. Hindi 'yan totoo!" Sigaw ko habang tumutulo na ang mga luha ko. "Prinsesa, 'yon ang totoo." Nakangising sabi niya. "Matagal ka nang tinatraydor ng mga kaibigan mo at ng pinakamamahal mo. Gusto ka nilang mamatay para maibalik ang lahat sa dati." "Cassey, hindi 'yon totoo!" Sigaw ni Phae. "H'wag kang makinig sa kaniya, Mahal na Prinsesa!" Sigaw naman ni Hebrews. Umiling-iling ako. "Hindi. Bawiin mo ang sinabi mo. Kasinungalingan lahat ng sinasabi mo!" Galit na sigaw ko kay Reyna Livia. "Cassey, 'yon ang totoo." Napatingin ako sa seryosong nakatingin sa'kin na si Denver. "Maniwala ka sa sinasabi niya. Matagal ko nang alam ang lahat at ang tungkol sa totoong misyon ni Decker. 'Yon ang dahilan kung bakit gusto ko nang bumalik tayo sa mundo natin at kalimutan na ang

