Cassey's POV 8 years after... "SERENITY!!!" Malakas na sigaw ko sa buong pasilyo ng ospital. Hay, nasaan na naman ba ang batang 'yon? Hinanap ko na yata siya sa bawat sulok ng ospital pero hindi ko talaga siya makita. Napakakulit talaga ng batang 'yon. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana. "Mahal, nahanap ko na siya." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Decker na buhat-buhat sa may batok niya si Serenity habang hawak nito ang dalawa niyang kamay. Agad naman akong lumapit sa kanila. "Sa'n ka ba nagpunta? Hindi ba sabi ko sa'yo 'wag kang lalayo? Ikaw talaga." Sermon ko sa kaniya. Nginisian naman niya ako. "Sorry po, Mama. Hehe! Eh kasi po nabored ako kakaintay sa paglabas ng babies ni Tita Aeify eh." Napailing na lamang ako. Kasalukuyan kasing nanganganak ngayon si Aeify. Na

