Third Person's POV Nawala ang malaking ngiti sa labi ni Aeify at napalitan 'yon ng gulat. "K-Kilala mo ako?" Napaiwas naman ng tingin si Cassey sa kaniya at naisip ang sinabi ng psychiatrist na maaaring totoong tao sila ngunit hindi nila alam ang tungkol sa ilusyong naranasan nilang dalawa ni Denver. Mukhang wala siyang alam. Bulong ni Cassey sa kaniyang isipan. Muling tinignan ni Cassey si Aeify. "A-Ahm, n-nakita ko lang yung name plate mo." "Wala naman akong name plate eh. Mga trabahador lang dito ang nag-uuniform at naglalagay ng name plate. Ako may-ari nito kaya hindi ko na kailangan 'yon." Naningkit ang mga mata niya kaya muling napaiwas ng tingin si Cassey sa kaniya. "You know me, right? Base sa nakita kong ekspresyon mo kanina, gulat na gulat ka nang makita mo ako." "A-Ahh..."

