Third Person POV. "But before we start the battle lets all welcome the Emperor and the Empress!" Malakas na sabi ng Principal na ikinagulat nilang lahat at sabay sabay na nagsiluhuran. Habang si Nyx naman ay hindi nga nagkamali at nakatingin lang sya doon sa taas kung saan lumabas ang sinasabi ng Principal na Empress and Emperor. Hindi nya kilala ang dalawa kaya hindi nya ito gagalangin kahit na sila pa ang pinakang mataas sa kanilang lahat wala syang pakealam. Tama nga ang hinala nya na may nakatingin sa kanyang dalawang pares ng mata. Sumalubong sa kanya ang dalawang tao na nakakawit pa ang braso ng babae sa lalaki at ng makarating sa may upuan ay naghiwalay sila paikot para makaupo at muling nagtabi. Sa buong pangyayaring iyon ay nakayuko lang ang lahat at wala ni isang nag

