Third Person POV. Pagdilat ng mata ni Nyx ay sumalubong sa kanya ang puting kisame. Alam na nya kung nasaan sya. Nasa Hospital. Agad syang bumangon ng makaramdam sya ng kaunting lakas. "Hey your not yet fully healed stay still" napatingin si Nyx sa nagsalita at nakita nya si Zymon doon. Napakunot naman ang noo nya habang nakatingin dito habang ang binata ay tinitignan lang sya. Napatingin naman sya sa likod nito at hinahanap si Jane pero wala. Magsasalita sana sya ng hindi nya magawa dahil sa panunuyo ng lalamunan kaya agad syang inabutan ni Zymon ng tubig. "W-where is Jendaya" yan ang sabi ni Nyx . "Pinauwi ko muna si Jane at ako ang nagbantay sayo" Napatango naman si Nyx dahil sa sinabi nito. Agad nyang hinablot ang nakalagay sa kamay nya na ikinasigaw sa kanya ni Zymo

