Jendaya Jane POV. Natapos na ang Make over session ko at masasabi ko talaga na malaking pagbabago ito saakin. Pero kailangan kong mag adjust para sa ikabubuti ko narin. "Hey" Napatingin ako kay Nyx ng tawagin nya ako oo nga pala andito na kami sa apartment dahil dito kami dumeretso pauwi gabi na din kasi at may pasok pa kami bukas. Lumapit sya saakin at tumabi sa higaan naka higa na kasi ako kaya naupo ako para makausap ko sya. "Tommorow is the start of your new world Jendaya handa kana ba?" Tanong nya saakin kaya napatango naman ako. "Ilang beses ko na tong napagisipan at sigurado na talaga ako Nyx wala ng atrasan pa" napatango naman sya saakin. "Tungkol naman sa pagkatuto mong lumaban basic lang ang ituturo ko sayo para kahit wala ako mapapagtanggol mo parin ang sarili mo

