Jendaya Jane POV. Nang makita ko si Nyx na pinapahirapan nila Elyn gustong gusto ko silang sugudin at ilayo sa kanila si Nyx pero wala akong magawa. Ako nga ang may kasalanan kung bakit sya nasakalagayan nyang ganon. Hindi ako nagsalita tungkol sa nangyari. Natakot kasi ako. Oo natakot ako na maparusahan pero dapat pala noon palang sinabi ko na. Eto ako umiiyak habang pinapanood kung paano ingudngod ni Elyn si Nyx. Pero mukang galit ata sya saakin. Paano ang sabi nya diba layuan ko sya? Pero paano naman ako lalayo kung ang gusto ko eh lagi kaming magkasama? Mabuti nalang talaga at dumating si Mr.Zy at sinama nya si Nyx. Kaya agad na akong umalis sa lugar na yun. It's my fault. Everything was my Fault. Naalala ko tuloy ang ginawa saakin nila Elyn bago ako maligtas ni Nyx.

