Precious Nyx POV. Masasabi ko na hindi biro ang ginawa ko kanina sa intrams. Ng matapos ang huling laro ko na Badminton agad na akong umalis dahil wala na naman akong gagawin dun. Masyado pang maraming tao lalo na ang nakakakilala saakin. Ang Devard Academy ang pangalawa sa huli kong pinasukan. Kay kilala nila ako tsk. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis at nahiga sa higaan ko. Napapikit ako at kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at kinuha ang laptop ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang data ng company ko sa Italy. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si General Sanchez. Si General Sanchez ang pinagkakatiwalaan ko sa kanilang lahat na mga tauhan ko. Mas matanda sya saakin ng isang taon. "Yes Que—" "Give me the info

