Chapter Five

1887 Words
PRECIOUS NYX Uwian na ngayon at naging maayos naman ang araw ko matapos akong harangan nu'ng mga panget na ‘yun. Sabi ng ‘wag akong tawagin sa first name ko makulit tsk. Lumabas na ako ng School at naglalakad na ako pauwi pero pagliko ko malapit saamin ay may humarang saakin. Tsk di talaga nadadala tong mga Gangster na ‘to. "Ikaw ba si Precious Nyx Gonzalez?" tanong saakin nu'ng isang lalaki kaya tumango naman ako. "Sumama ka saamin." sabi nila at nagsimula ng maglakad. Ang kapal ng muka na utusan ako bala sila jan. Diko sila sinundan at papauwi na sana sa bahay ng magsalita ulit ang mga ito. "Hoy! Sabi kong sumama ka saamin!" Bossy na sabi nu'ng isa na ikinairap ko't humarap sa kanila. "Di ako tanga para sumama sa inyo asshole!" mukang hindi nila nagustuhan ang sinabi ko. "Talagang palaban ka ha! Hindi namin papalampasin ang ginawa mo sa Reyna at kasamahan namin!" I knew it. Yung Elyn nanaman na ‘yun tsk. They keep on bothering me, mga epal. Imbis na nasa bahay na ako para makapagpahinga dahil nga sa sugat ko sa likod, etong mga panget na to naabala ang pag uwi ko. "I don't care." sabi ko na mas lalo nilang kinainis. "Bastos ka talagang babae ka! Kunin niyo siya!" Sabi nu'ng isa at nagsimula na silang lumapit saakin pero ako ay nanatiling nakatayo lang. Bago sila tuluyang lumapit ay itinapat ko ang kamay ko tanda ng paghinto na ikinahinto ‘din naman nila. Oh, diba uto-uto. "Kung ako sa inyo tatakbo na ako" sabi ko na ikinatawa naman ng mga ito. Okay sinabihan ko na sila. Ilang segundo lang ay bagsak na sila sa harapan ko. "Binalaan ko na kayo. Pinagbigyan ko pa kayo na tumakas pero ayaw niyo. ‘Yan ang parusa." Tumalikod na ako sa kanila. Hindi ako nasiyahan na patumbahin lang sila dahil pinagtatali ako ang mga damit nila para magkadikit-dikit sila sa poste. Tatlo lang kasi sila. Dumeretso na ako sa apartment ko at naligo. Humapdi pa ang sugat ko pero kaya pa. Matapos kong linisan ito ay ang laptop ko naman ang inasikaso ko. Nakita ko na ‘di talaga natututo ‘yung mga binalaan ko. Bibigyan ko kayo ng ilang araw. Pinadalhan ko ulit sila ng threat, kung ako sa kanila susundin ko na ang mga babala ko at titigil sila sa mga ginagawa nila, dahil kung hindi makikita nila ang devil side ko. Yes, I hate my name Precious because no one appreciates me. Matagal ko ng tinanggap kaya ayoko ng pangalan ko na ‘yan, nagpapaalala lang ‘yun ng nakaraan ko na matagal ko ng binaon sa limot. Precious? I hate it tsk. ----- DALAWANG araw na ang lumipas mula nu'ng welcoming saakin at so far so good na. Wala na yung nerd na nanggugulo saakin. Nakikita ko pa naman siya sa room pero pag titignan ko ‘di na makatingin. Takot nga tsk. Naglalakad ako ngayon papunta sa room dahil gusto kong pumasok ng maaga. Wala naman na akong gagawin sa labas, napaaga kasi ako ng gising dahil tumunog ang laptop ko tanda na may hindi tamang nangyayari sa nasasakupan ko. At yung mga lapastangan na ‘yun inuubos talaga ang pasensya ko. Binigyan ko na sila ng sapat na oras, ako naman ang mag hu-hunting sa kanila kahit saang lupalop pa ‘yan ng mundo. "Nasaan ang kaibigan mo huh?! Dalhin mo kami sa kaniya!" "Aray! Sabi ng diko pa nga siya kaibigan ba't ba ang kulit mo!" "Aba't sumasagot kana saamin ah!" "Malamang may bibig ako! Sayang naman kung diko gagamitin diba?!" "Aba't matapang ka na talaga ha!" Nakita ko na nasa gitna ng daan ‘yung nerd habang hawak nu'ng dalawang kasama ni Elyn. Ngayon nga ay pinagkakaisahan nanaman siya. Wala talagang alam ‘to'ng nerd na ‘to kundi makahakot ng gulo. Sa itsura ba naman kasi niya na yan sinong ‘di maiinis tsk. Walang fashion sense. Di pa nag susuklay, ang laki pa ng salamin. It's a big NO tsk. How pity. "What do you want." Malamig kong sabi sa kanila na ikinalingon naman nila saakin. Nang makita ako ay pabalang nilang binitawan ‘yung nerd. Sakit nu'n tsk tsk. "Hindi ko palalampasin ang ginawa mo saakin!" Napatingin ako kay Elyn at nakita ko na may band aid pa siya sa ilong niya. Ouch sakit siguro ng pagkasapak ko sa kaniya tagal niyang nawala eh. "Buhay ka pa pala." maang-maangan kong sabi sa kaniya na ikinainis naman nito. "What?! You b***h!" Hahampasin niya sana ako ng may biglang nagsalita kaya napatigil siya. "What's going on here." malamig na sabi ng isang boses at kilala ko na ‘yun. Napatingin si Elyn sa likod ko at nakita ko na nanlaki ang mata niya pero maya-maya ay naging maamo ‘din psh. "Hi babe!" Sabi nito at lumapit doon sa nagsalita sa likod namin. Yuck. "Bibigyan ko sana siya ng leksyon dahil sa ginawa niya sa ilong ko! Look oh! Tatlong araw ako sa hospital eh!" Sabi ni Elyn na ikinatawa naman ng ibang SSG officers. Oo, si President ang nagsalita na iyon kanina. Mukang ang aga nila ngayon ah. "Isang sapak lang tulog kana?! Haha ang hina mo naman!" Narinig kong sabi nung Treasurer na ikinainis ni Elyn malamang , diko na sila pinansin at napatingin ako kay nerd na nakaupo parin sa sahig habang nakayuko. Lumapit ako sa kaniya at napansin niya ata ang sapatos ko kaya napatingin siya saakin. "Get up." malamig kong sabi na ikinalaki ng mata niya. "H-Ha?" Napairap ako sa isip ko dahil akala niya siguro tutulungan ko siya at pinapatayo ko siya para ‘di mapahiya tsk. "Get up. Nakaharang ka sa daan." mukang doon naman niya na realize na nasa gitna nga siya. Nakita ko pa na nasaktan siya sa sinabi ko but who cares. "A-Ah oo." agad na siyang tumabi at dumaan na ako pero napahinto ako ng may magsalita nanaman. "Where do you think you're going?!" Narinig kong sabi ni President at alam ko na ako ang tinutukoy niya. Anong problema niya? Wala naman akong nilalabag na batas. "In Hell." ngisi kong sabi kahit di ko siya tinitignan na ikinasinghap ng mga nanonood kayabmalaking ngisi akong pumunta sa room. Pagdating ko iilan palang ang tao na naroroon kaya umidlip muna ako. Nang mag bell ay umayos na ako para makinig. Nakadekwatro pa ako at naka cross arms habang nakikinig sa guro. Hanggang sa ilang subjects na ang natapos at hanggang ngayon ay nakikinig parin ako. Tsk natatamad na ako eh. "Who can answer this question on the board?" Narinig kong sabi ng teacher saamin. Habang ako eh nag do-drawing lang sa likod ng binder ko. Hindi ko siya pinansin at hinayaan lang na sila na ang sumagot malay ko jan. ‘D na nga ako nakikinig. "I think Precious knows the answer ma'am." napantig ang tenga ko dahil sa nagsalita na iyon at kilala ko ‘yun—si President. "Ms. Gonzalez anse—" hindi ko pinatapos ang sasabihin ng guro dahil agad akong tumayo sa kinauupuan ko. How many times do I have to tell them that don't they dare to call me on my first name! *** JENDAYA JANE Pagpasok ko kanina sa school ang sumalubong saakin ay ang mga bully na nawala ng ilang araw. Akala ko tuluyan na silang nawala pero ‘di parin pala, epal! Kaya ang ending, eto ako nanaman ang puntirya at ang mas nakakatawa pa saakin nila hinahanap si Nyx! Iniiwasan ko nga si Nyx kasi nag-iisip ako ng magandang plano para maging kaibigan ko siya tapos saakin pa hahanapin, engot. At eto pa ang sabi kaibigan ko daw. Buti sana kung totoo eh ang kaso hindi pa naman. Pero napatingin kami ng may magsalita at nakita ko si Nyx na walang emosyon na nakatingin saamin. Nagulat ako ng bigla akong itulak palayo ng mga panget na ‘to na ikinabagsak ko sa sahig. Ang sakit! Mas masakit pa nung iniwan ka niya haha. Di joke lang, masakit lang sa balakang pero keri pa naman. Narinig ko ang usapan nila hanggang sa dumating ang SSG. Himala ang aga nila ngayon ah? Usually kasi bago mag bell sila dumadating para sakto sa pag ra-round nila sa school. "Get up." napatingin ako sa nagsalita dahil nakita ko ‘rin ang pares ng sapatos niya sa harap ko. Nakaupo parin pala ako dito. Akala ko may concern siya saakin pero ‘di naman pala. Oo, aaminin ko na hurt ako pero hindi naman ganon ka hurt. Siguro kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na ganon talaga siya. Di ako susuko Nyx! Tinawag pa siya ni President na talagang ikinataka ko. Woohh! Si President may something kay Nyx hahaha. Pero dahil nga dakilang esnabera at mahilig mambara ang future friend ko aba'y magaling, sa hell daw pupunta. At ang OA na mga manonood nagulat pa. Ako kaya magdala sa kanila sa hell? Umalis na si Nyx kaya agad na din akong sumunod sa kaniya pagdating niya sa room ay yumuko agad siya. Mukang matutulog muna. Naupo ako sa tabi niya. Yup, ito ang first move ko. ‘Di niya ata ako napansin eh hanggang sa nagsimula na ang klase. Di niya talaga ako pinansin pati ang mga nakapaligid sa kaniya. Kanina nakikinig siya pero pagtingin ko sa kaniya nag dodrawing na. Pinahaba ko ang leeg ko para makita ko ang ginuguhit niya at napanganga ako sa ganda niyon! Grabe ang galing niya! Isa iyong isla mga pre at talagang napakaganda! Pulidong pulido ang pagkakaguhit! Kaya lang madilim sa lugar, malay ko kung bakit. "I think Precious knows the answers ma'am." napatingin ako sa nagsalita at si President ‘yun! Tinawag ni Mr.Zy si Nyx sa first name niya! Naku! Agad na tumayo si Nyx at natahimik ang mga tao sa room. Pati ako na katabi niya ay ramdam ko ang malamig na aura! Naglakad siya papunta sa may Board. Palalampasin niya ‘yung pagtawag sa kanya ni Mr.Zy? Ang alam ko ayaw na ayaw niya na tinatawag siyang Precious? Naalala ko nu'ng nakaraan na may nabugbog siya. Sinusundan ko kasi siya, tinawag din siya sa first name niya at ayun parang dragon na bumubuga ng apoy gamit ang mga kamay niya. Pero mas lalo kaming nagulat na ang nakahintong Nyx sa harapan ng board ay mabilis na nakarating sa pwesto ni President at nakatanggap ng malakas na sapak sa muka! "OhmyGod!" Narinig ko na singhap nila—mga classmates namin at pati ako napatakip ng kamay sa bibig! Grabe! Nakaupo si President pero ngayon bumagsak na siya sa sahig sa lakas ng sapak ni Nyx! "That's for calling me on my first name asshole!" Malamig na sabi ni Nyx na ikinanganga namin. Lalo na at pumunta ito sa board at sinagutan ang tanong na naroroon. Teka, ‘di nakikinig ‘yan ah! Nag do-drawing lang ‘yan e! Nagawa niyang sagutan ‘yun?! Tahimik lang ang paligid hanggang sa natapos siyang magsagot. Kinuha niya ang kaniyang bag dahil sakto na nagtunog na ang bell. "Pag ako hindi nakapag timpi sa ICU ang bagsak niyo saakin." Galit na sabi ni Nyx at umalis na ng tuluyan. Wow! Mas lalo lang akong humahanga sa kaniya! Paano niya nagawa ‘yun?! Napabagsak niya si president sa isang sapak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD