Chapter Four

2000 Words
NIC Hindi kami nakapasok ngayon kasi marami kaming inaasikaso. Saamin ‘din kasi nakatoka ang mga trabaho sa paaralan. Syempre SSG kami kaya natural lang ‘yun. By the way, ako nga pala si Demonic Scott short for Nic nalang. Tahimik kami dito sa Hide out kasi kaniya-kaniya kami ng mga ginagawa habang ako dito eh tinitignan ang mga background ng mga lapastangan nitong nakaraan na lumabag sa rules. Saakin kasi napunta ‘to para alam namin ang gagawin kapag pinarusahan sila. *Blagg* Agad kaming napatingin lahat kay Leader ng isara niya ng malakas ang laptop niya at nakita ko na namumula ang tenga niya. Anyari ‘dun? Kawawa naman ‘yung laptop. "Nangyari sa'yo leader?" Tanong ni Paulo sa kaniya na asa lapag at marami ‘ding hawak na mga bills. Siya kasi ang tiga tuos ng mga nagagastos ng school. Hindi naman sumagot si leader at pumikit lang kaya nagkatinginan kami at nagkibit balikat, malay ba namin diba. Bumalik nalang kami sa mga gawain namin. Isa pa si Leader e. Ewan ko kung may something ba talaga siya ‘dun sa transfer. Oo nga pala, ano bang pangalan niya? Ayts ewan. "Kaius, give me all the information about that transfer student." nagulat kami ng magsalita si leader at lalo na ang transferee nanaman ang involved. Nagkatinginan kami at nag ngitian pero agad ding bumalik sa ginagawa kasi mamaya mapagalitan pa kami. "Areglado leader." sagot ni Kaius at kinuha na ang kaniyang laptop para simulan ang trabaho niya. Magaling sa computer ‘yang panget na ‘yan. Ang lakas ng confident sa sarili na siya ‘daw ang sunod kay Leader na gwapo tch. Lilipadin ako sa kahanginan niya e, lalo na pag nagsama sila ni Zach jusko baka magka ipo-ipo na. Tumahimik muli ang Hide out dahil sa ginagawa namin. Hindi na namin namalayan ang oras at nag bell na tanda ng Lunch. "Woohh!! Nakaka stress naman ‘tong mga papeles na ‘to!" Sabi ni paulo at nag unat-unat pa. Itinatabi nadin namin ang mga gamit namin syempre kailangan naming kumain noh! "Leader, may nakuha na akong information." napatingin kami kay Kaius ng magsalita siya. Nakalimutan ko na may inutos pala sa kaniya si Leader mukang ‘di niya muna sinabi kanina. "Spill it." malamig na sabi ni leader habang may tinitignan sa laptop niya. Ginagawa nu'n? Dipa ba siya tapos? Si Kaius naman ay tumingin ulit sa laptop niya. "She is Precious Nyx Gonzalez. 18 years old. Single. Walang Family na nakalagay. Wala siyang kapatid, well walang files kung may kapatid ba siya. Sa totoo lang walang ibang tungkol sa sarili niya basta name and age niya lang ang meron. And here is the interesting part, palipat lipat siya ng school." Napatingin naman si Leader sa kaniya dahil sa sinabi nito. Kahit kami nagtataka. "Why." "Ang sabi dito sa background niya sa ibang mga school, na kick out siya sa—alam niyo kung bakit?" Tanong saamin nito na ikinasimangot ko. Engot talaga alam na ‘di namin alam kaya nga nagpapahanap sa kaniya ng information e! "Siraulo! Tatanungin mo kami e ikaw ang naghanap ng information niya" sabi ni Zach na ikinatawa namin. Napakamot naman sa batok si Kaius at tinignan siya ng masama ni leader. Ayan pinag-iintay mo ah hahaha. "It says na basta-basta nalang siyang nananapak." nanlaki ang mata namin dahil sa sinabi niya at maya-maya ay tumawa na ng tumawa. Syempre pwera kay leader na napakunot ang noo. "Hahaha! Seriously?! Nananapak?! Sa simpleng ‘yun ma-kikick out ka?! Niloloko mo ba kami Kaius?!" tawang sabi ko. "Gago! Never naging mali ang mga nakukuha ko no! At isa pa di pa kasi ako tapos. Nananapak nalang siya bigla oo, pero hindi pa ‘don natatapos. Ang sabi ‘di niya tinitigilan ‘yung nasapak niya hanggang sa dina makatayo at tulog na. Nalaman ko ‘din na sa huling pinanggalingan niya na school ay hanggang ngayon nasa ICU pa ang huli niyang binugbog." Napanganga naman ako sa sinabi ni Kaius saamin at hindi makapaniwala. "Seriously?! Sa liit niyang ‘yon?!" Sabi ni Paulo dito at tumango naman si Kaius. "Yun ang nakalagay sa record niya brad," Hindi naman talaga ganon kaliit si Nyx, sadyang matanggkad kami kesa sa kanya at ang payat niya. Oo na, di payat sexy na okay! Tsk. Pero di ako makapaniwala na magagawa niya ang ganon. "No wonder nagawa niyang saluhin ‘yung small knife ni Leader at ang pagbato niya saakin ng small knife. Napapaisip nga ako, paano siya nagkaroon ng small knife diba?" Sabi ni Zach na parang nalilinawan sa mga naganap sa kaniya. Napatingin naman ako kay Leader at malalim ang iniisip. Well, kahit kami noh. "Pero ang tanong Gangster din ba siya?" Tanong ko sa kanila. Umiling naman si Zach sa sinabi ko. "No, diko pa siya nakikita sa gangster world." Siya kasi ang taga ayos ng mga records sa Gangster World pero kahit ako diko pa nakikita at nakakalaban ang gaya niya. Napatingin kami kay leader dahil wala na kaming maisip na sagot. Nakatingin na ulit ito sa laptop niya at nakakunot ang noo. Maya-maya ay sinara na niya ito at tumayo. "Let's go." Sabi niya kaya wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Paglabas namin ay tilian dito, tilian doon. Nakakarindi! Itong si paulo naman enjoy na enjoy. "Hi girls!" Sabi niya at kinindatan pa. Mapapangiwi ka nalang talaga. Lumapit ito saakin at inakbayan ako. "Tol! Ba't di ka makipag usap sa mga girls jan oh! O, di kaya pansinin mo manlang sila," sabi nito saakin at ngumingiti pa sa mga babae sa tabi-tabi. Pinilipit ko naman ang braso niya na nakapatong saakin kaya napadaing siya sa sakit. "‘Wag mo akong idadamay sa pag ka babaero mo tsk." "Wala talaga kayong taste sa babae!" "Gago! Taste ka jan e ikaw nga tinikman mo lahat!" Sabi ko sa kaniya. "Masarap kaya! You should try it! Lalo na pag sumisigaw sila sa sarap! Wohh! Heaven!" Napangiwi nalang ako sa sinabi nya't lumayo na. Bwiset! Baka madamay ako tsk. "Teka si Nyx ‘yun ah!" Napatigil kami ng may ituro si Paulo mula sa may garden na medyo malayo dito. "Oo nga! Pano mo nakita ‘yun ang layo ah!" Sabi ni Nic sa kaniya. "Ganon talaga pag maganda mabilis kong nakikita haha!" Napailing nalang ako sa sinabi niya, manyak talaga. "Shut up." napatingin kami kay leader ng magsalita siya at agad na pumunta sa kinalalagyan ni Nyx na mukang napapaaway na. "Kita niyo ‘yun?! Si leader pumapagibig! Hahaha" tawang sabi ni Paulo na ikinatawa ‘din namin at sumunod nalang dito. Ano nanamang bang napasok mo Nyx? *** PRECIOUS NYX Pagkasimula ng klase kanina ay sa harapan ulit ako naupo, syempre nakinig ako. No choice e, kahit na alam ko na ‘yung mga tinuturo niya samin nakinig nalang ako. Pero di ‘rin ako nakatiis at nag drawing nalang sa likod ng binder ko. "Pst! Pst!" Kanina pa ako naiirita sa nerd na ‘to! Classmate ko pala ang loka at eto, nasa likod ko't sinisipa ang ilalim ng upuan ko. Napapikit nalang ako ng diko na matiis ang pangungulit niya. "Stop bothering me!" Sigaw ko sa kanya na ikinagulat nito dahil talagang binigyan ko siya ng masamang tingin. Hindi naman siya nakasagot saakin. Nakatayo na ako ngayon sa harapan niya.Napatingin ako sa paligid ng tumahimik ‘din sila. Pagtingin ko ay nakatingin na pala sila saakin. Nabubwiset ako. Tumataas dugo ko dahil sa nerd na ‘to tsk. Niligpit ko na ang gamit ko at naglakad na palabas. "M-Miss Gonza—" "Shut up!" Lingo'ng sigaw ko sa teacher namin. Sakto naman na nag bell na kaya tumalikod na ako't naunang lumabas. Hindi naman ako basta-basta aalis kapag ‘di pa bell no, edi lumabag ako sa batas tch. Naglakad ako papunta sa canteen, syempre para kumain. Nagugutom na ako. At isa pa, sa pagkain ko nalang ilalabas ang pagkainis ko. Ngunit napahinto ako sa paglalakad dito sa gitna ng garden. Gusto ko kasi munang lumanghap ng sariwang hangin kaso kahit ‘yun ata ay hindi ko magagawa ng maayos dito. Pumalibot saakin ang isang grupo ng mga kalalakihan na may dalang mga pamalo. "Alam mo maganda ka sana Precious e!" Napantig ang tenga ko dahil sa sinabi nu'ng isang lalaki. Ang lakas ng loob niyang tawagin ako sa first name ko?! "Stop calling me in that name." malamig kong sabi sa kaniya na ikinatawa naman nila. "Hahaha bakit anong gagawin mo?! At isa pa ayaw mo nu'n ang ganda kaya ng pangalan mo! Precious, o diba natatangi talaga!" Sabi nu'ng isa at nakipag apir pa sa mga kasama niya. Lima sila. Malalaking lalaki. Hinayaan ko sila sa pagtawag nila saakin mamaya kayo tignan niyo. "What do you want?" sabi ko sa kanila at nag cross arms pa. "Hindi namin palalampasin ang ginawa mo kay Elyn!" Sigaw nila sakin. "I don't know who's that fvcking Elyn." sabi ko sa kanila na mas ikinainis nila. "‘Wag mong tawaging ganyan si Elyn! Dahil sa'yo nandon pa siya sa hospital!" Ah, okay gets ko na. ‘Yun atang babaeng nasapak ko kahapon ang tinutukoy niya. "Wala kang karapatan na saktan ang Reyna namin!" Sabi nila na ikinangisi ko naman. Reyna huh! "Ano na precious napipi kana ba?!" "Stop calling me Precious." madiin kong sabi sa kanila. Nagsisimula na akong mawalan ng patience. "Why?! Precious! Ang ganda kaya kasing ganda mo! Sayang ka talaga Pre—" Diko na pinatapos ang sasabihin nu'ng isa at agad na nilapitan ito't sinuntok sa tiyan. "Arrghh!" daing niya. "Palaban tol!" Sabi nu'ng isa na nagulat sa ginawa ko. "Pagtulungan na ‘yan!" Sabi nu'ng mukang leader nila at nagsimula na silang umikot saakin kasabay ng paghahanda nila sa baseball bat na hawak. Napaiwas ako ng paluin ako ng isa. Sinalo ko ang isang baseball bat at hinila ‘yun palapit saakin at tinuhod ko ang ano niya na ikinapilipit niya sa sahig. Napaiwas ulit ako ng nakatayo na pala ‘yung sinuntok ko sa tiyan at pinalo nadin saakin ang baseball niya. Hinawakan ko ang kamay niya at inikot ito na ikinasigaw niya sa sakit. Sinipa ko siya para mapalayo saakin. Lumingon ako sa likod ko at agad na pinigilan ang baseball bat na paparating. Nanlaki naman ang mata nito na nakatingin saakin at pilit hinihila ang baseball nya, pero hinila ko ‘din iyon papunta saakin kaya iniharang ko siya sa aking harapan dahil papaluin na ako ng isa pa nilang kasama. Ang ending ayun siya ang tinamaan at napaluhod sa sahig. "Brad!—Ikaw! Tignan natin kung maiwasan mo pa ‘to!" Sabi niya't may kinuha sa kaniyang likuran—isang baril. Tsk tsk. How pathetic! Siya nalang kasi ang nakatayo at namimilipit na sa sakit ‘yung iba. Agad niyang tinutok ang baril saakin kaya mabilis pa sa alaskwatro na yumuko ako ng kalabitin niya ang gatilyo. Nakita ko ang Baseball bat sa sahig kaya pinulot ko iyon at pinatamaan ang binti niya. Napaluhod ito kaya kinuha ko iyong pagkakataon para paluin ang kamay niya kung saan andoon ang baril. Sa lakas ng palo ko sa kaniyang kamay ay napasigaw siya sa sakit.Narinig ko pa na nag-c***k ang buto niya. Buti nga! Di pa ako nasiyahan at pinalo ko siya sa batok na ikinatulog nito. Napatingin ako sa kanila at mga nakahiga na sa sahig. Sabi sa inyo ‘wag niyo akong haharangin e. Binitawan ko na ang Baseball bat na hawak ko. "Binalaan ko kayo pero di kayo nakinig tsk." sabi ko sa kanila at tumalikod na para pumunta sa canteen. Pag tingin ako andon ang SSG at nakanganga ang apat habang si President ay seryoso lang na nakatingin saakin, habang nakapamulsa pa. Napansin ko ‘rin na madami palang nanonood saamin. Di ba sila nagugutom? Hinayaan ko nalang sila at umalis na, doon ako dumaan sa gitna ni President at Secretary. Nakaharang kasi alam naman na daanan ‘yun. Dumeretso na ako ng Canteen dahil gutom na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD