KAIUS
Hi girls! Ako nga pala si Kaius Santiago, ang pinakang gwapo sa aming apat! Hindi kasama si Leader Zy kasi nga inborn ng gwapo ‘yun. Ayoko man aminin pero eto ang masaklap na katotohanan pangalawa lang ako sa gwapo.
Ayun na nga natural na araw namin. Papasok sa school mag ronda sa umaga ng mga lumalabag sa rules.Kami ang SSG officers nitong Brixton University and kilala kami ng lahat bilang Rank 1 sa Gangster World.
Kami ang Warrior Gang and my code name is Black. Ako ang incharge sa mga pag ha-hack ng mga cites and CCTV kapag may laban kami and kaya din Black almost blocked na ang spelling niya. Okay share ko lang.
Ang position ko naman sa SSG is P.I.O
Ginagalang kaming lahat dito dahil kapag lumabag ka sa batas may parusa syempre pero warning muna.
3 warnings ang meron kami.
First Warning—Torture
Second Warning—Slave
Third Warning—Battle
Alam kong alam niyo na ang First and Second ang pag third na battle ay pupunta kami sa Gangster World at doon ay pagtutulungan siya ng mga Gangsters. Pwede ka namang lumaban kung makakaligtas ka, sa dami ba namang naming mga Gangster eh.
At kapag nakatanggap ka ng lahat ng iyan ay automatic na magkakaroon kapa ng isang parusa na si president o ang leader namin ang nagbibigay kahit pa katatapos lang ng 3rd warning mo.
Oo nga pala, malapit ng mag bell at di nga ako nagkamali—bell na.
"Sharpen your eyes" sabi ni Zy saamin kaya tumango kami. Baka naman kasi may makakatakas saamin mahirap na, ayaw pa naman ni leader na may takas sa kanya.
Si leader ang code name niya sa Gangster World is King. Oh yes! Haring hari naman talaga siya.
Sunod naman ay si Zach ang Secretary ng SSG ang code name naman niya is Dark. Mabait ‘yan si Zach, saaming lahat siya ang mabait pero pagdating sa laban demonyo—pero mas demonyo si Leader noh.
Sunod ay si Nic short for Dominic siya ang Peace Officer sa SSG at ang code name niya ay Silent.
Oo tahimik ‘yan pero magugulat ka anjan na pala sa likod mo haha parang multo ‘yan si Nic bigla biglang sumusulpot minsan nga maliligo ako nagulat ako ng nasa likod ng pinto ng banyo.
At ang bwiset tinawanan pa ako tsk.
Last naman ay si Paulo siya naman ang Treasurer ng school at ang gago eh ginagamit ang pera pang karera! Pero pinapalitan ‘din naman kasi maraming pera ‘yan takot niya lang kay leader.
Ang code name niya ay Heaven. Psh! Kinikilabutan talaga ako sa manyak na ‘yan! Mag iingat kayo jan bastos ‘yan sa salita at gawa!
Mag kakaibigan kaming lima bata pa lang kami. Sabay-sabay na kaming lumaki since Grade 2 mag kakasama na kami lumipat lang kasi kaming apat galing akong States samantalang ‘yung tatlo sa Canada(nic), Alaska(zach) at Singapore(Paulo) si Leader naman e dito na talaga ‘yan. Actually kasama namin ‘yung pinsan niya kaso lumipat e malay ko sa gagong ‘yun wala na kaming balita e.
Nang masiguro namin na wala ng pakalat kalat sa labas ay dumeretso na kami sa room namin pero nabadtrip si Leader dahil sa nakita niyang nakayuko sa harapan na babae.
Sabi ko sa inyo magiging dragon ‘yan!
At boom! Ayun na nga nagbato siya ng small knife ‘dun pero nasalo naman ‘yun ng babae!
Woah! Cool!
Walang nakakasalo sa bilis ng pag atake lagi ni Leader pero siya! nakayuko pa ‘yan ah!
But who is she?
Nag angat siya ng tingin at napanganga ako.
Mga dre! Ang ganda!
Grabe, nakatulala lang ako sa kaniya hanggang sa namalayan ko nalang na bumulong siya kay leader. Akala ko talaga hahalikan niya sayang! Whahahaha.
Si Leader naman na estatwa! Sino bang hindi, sa ganda niyang ‘yan nako!
Tumingin siya saamin at mga nakanganga pa kami.
Transfer pala siya kaya malakas ang loob.
Transfer huh. Tignan natin kung makatagal ‘to.
***
PAGTAPOS ng araw na ‘yun ay pumunta muna kami sa hide out bago umuwi ichecheck pa namin ang School may access kasi kami sa CCTV dito eh.
"Follow her Zach." napatingin ako kay leader ng magsalita ito habang nakatingin sa monitor ng CCTV kaya nagkatinginan kami at agad na nag-unahan sa pagpunta dun.
"Wow! Si Miss beautiful!" Sabi ko ng makita ko yung transfer na naglalakad palabas ng school.
Pero napalunok naman ako ng tignan ako ng masama ni Leader.
"Ang ganda niya no dre! Sarap siguro sa kama!" Sabi ni Paulo pero maya-maya ay napatakbo ito ng tutukan siya ng baril ni Leader ‘yan napapala ng manyak!
"Buti nga sayo ang manyak mo! Mag ka aids ka sana!" Natatawang sabi ni Nic. Pag kami kami ang mag kakasama maiingay talaga kami pwera lang kay leader.
"Why do I need to follow her leader?" Takang tanong ni Zach sa kaniya pati ako yun din ang tanong ko eh kaya napatingin kami sa kaniya pero sa monitor lang siya nakatingin.
Matagal bago siya nakasagot.
Hmm... Something fishy!
Nagkatinginan kaming tatlong natira dito at may mga kakaibang ngiti sa labi pero naputol ‘yun ng magsalita si leader.
"Alisin niyo ‘yang ngisi na ‘yan kung ayaw niyong mabura sa mundo." sabi niya pero sa monitor parin nakatingin kaya natawa kami.
"Just follow her now!"
Sigaw na sabi nito na ikinatalon namin sa gulat! Nako naging dragon nanaman!
Agad na umalis si Zach kaya naiwan kami dito.
Mga ilang minuto ang lumipas bumalik si Zach na hingal na hingal.
"Grabe! May Third eye ata yun eh!" Sabi ni Zach saamin. Andito narin si Paulo at siguraduhin niya lang na wala ng manyak sa pagsasalita dahil lagot nanaman siya kay Leader.
"Bakit?" Sabay sabay na tanong namin pwera kay leader na hanggang ngayon ay sa monitor parin nakatingin ginagawa nun?
"Nahuli ako! Muntik pang mabawasan ng gwapo sa mundo! Binato ako ng small knife!"
Nagkatinginan naman kami dahil sa sinabi niya.
Nagawa niya ‘yun? Si Zach ang sumunod na magaling kay Leader!
"Let's go home." napatingin kami kay Leader ng agad na lumabas ito ng hide out. Nag kibit balikat nalang kami kasi ang weird niya ngayon kaya umuwi na kami.
***
KINABUKASAN ay panibagong araw malamang! Eto gwapo parin kami maraming nag titilian pero si Paulo lang naman ang nag eenjoy jan e.
Napatingin kami sa field ng makita namin na nagkakagulo sila at dahil nga si Leader ang naunang pumunta ‘dun ay sumunod kami.
Malay niyo may Gang fight diba! More action! Ay mali, mga siraulo kamo ang aga-aga nagaaway na! Well, hindi naman bawal dito ‘yun e. Aactually pwede ‘yan anytime anywhere basta ‘wag lang class hours kasi lagot ka kay Leader.
Ang gusto ni leader natututukan ng lahat ang pag aaral nila kaya walang mang mang dito kahit mga basagulero at basagulera kami noh.
Nakita ko si Miss Beautiful na nakatayo habang pinagbabato nila ng kung ano-ano. Oo nga pala, welcoming niya ngayon. Tsk kawawang Miss Beautiful!
Maya-maya ay nagulat kaming lahat ng ipakuha ni leader ang latigo pero wala kaming nagawa kasi siya na ang may sabi. Ayaw niya ng sinusuway siya!
Napatingin nalang ako sa malayo dahil sa ginagawa ni Leader.
Langyah! Akala ko pa naman may something na si Leader kay Miss beautiful na first time sanang mangyayari hindi pala!
Maling akala nanaman jusko!
Maya-maya ay natapos na siya at umalis na pero parang wala lang kay Miss beautiful!
Grabe ang tatag niya! Kung sa iba ‘yan tulog na ngayon! Iba pumalo si Leader talagang mabigat ang kamay niyan promise!
Nasubukan ko na yun! Try niyo para malaman niyo din!
Nagulat kami ng sa gitna ng paglalakad namin sa field ay nag salita ito.
"Put some first aid kit and medicine on her locker Nic."
Napahinto naman kami sa paglalakad at nakangangang nakatingin sa papalayong leader namin.
"Narinig niyo ba yun?" ‘Di makapaniwalang sabi ni Paulo at napatango kami.
"Si leader ‘yun diba?! Did he just say na tulungan natin ang kinawawa niya?!" ‘Di ‘din makapaniwalang sabi ni Zach kaya nagkatinginan kami.
Hindi ugali ni Leader na pagtapos niyang kawawain ay balikan ito at worst bibigyan pa ng paunang lunas!
"Akala ko walang something!" Natatawa kong sabi sa kanila at mukang pare-pareho kami ng iniisip dahil napatango sila.
"Grabe guys! Mag papakain talaga ako pag nainlove si leader!" Napatingin naman kami kay Nic ng mag salita ito.
"Di kami naniniwala! Kuripot!" Sabay-sabay na sabi namin paano nuknukan ng koripot niyan eh ang yaman yaman naman buset!
"Haha iba ‘to mga tol! Si Leader na ‘yan!" Napatango naman kami sa sinabi niya dahil tama ito.
Si leader na nga yun.
Anong nasa isip mo leader?
***
PRECIOUS NYX
Pagbukas ko ng locker ay may nakita akong first aid at pain killer sa loob. Napatingin ako sa paligid at alam ko na nakasunod saakin ‘yung nerd kaya impossible na siya ang may gawa nito.
Nag kibit balikat nalang ako tutal magagamit ko ‘to. Akala ko tubig lang magagamit ko sa paglilinis ng sugat ko ngayon e.
Nag hubad na ako. Naka bra pa naman ako wag kayo at isa pa wala namang tao dito bukod ‘dun sa nerd. Hinayaan ko nalang kahapon pa siya nakasunod saakin. May gusto ata saakin. Hayaan ko nalang ulit at isa pa, makikita lang naman niya dibdib ko hindi makakawakan. Subukan niya lang akong manyakin patay sakin ‘yang nerd na ‘yan.
Pumasok na ako sa Shower room habang dala ko ang first aid. Naligo muna ako kasi ang baho ko narin, kung ano-ano ang hinagis nila saakin.
May araw ‘din kayo sakin de joke lang ‘di ko ugaling gumanti. Basta pag nagsimula kayo at hinarangan niyo ako tumakbo na kayo.
Nang matapos ako ay nagpalit na ako pero iniwan kong naka bra lang ako at naupo sa lababo habang nakatingin sa salamin.
Tinignan ko ang likod ko. Ang daming marka ng sugat pahaba. Oo, mabigat ang kamay ni President pero ayos lang kaya ko naman.
Kumuha na ako ng bulak at alcohol mabuti nalang may Ointment dito para ‘di mag peklat. Naku! Kung wala patay sakin si President dinungisan pa niya ang sexy body ko tsk.
Nakatingin ako sa salamin habang inaabot ang sugat ko. May mga parte na diko talaga maabot, ‘di ako si elastic girl noh.
"Let me." napatingin ako sa salamin ng may biglang umagaw ng bulak saakin at ito ang nagtuloy ng ginagawa ko.
"Grabe ang sakit sakit nito panigurado!" Sabi niya saakin pero diko siya sinagot at hinayaan lang siya. Tumingin naman siya sa salamin at nakita niyang nakatingin ako kaya ngumiti ito.
"Ako nga pala si Jendaya Jane! Jane nalang ang itawag mo saakin!" Sabi pa niya pero di pa ‘rin ako nag salita.
"Salamat nga pala doon sa kahapon ah! Kung ‘di dahil sayo baka napuruhan nanaman ako! Sayang ang maganda kong muka nako!"
Ang daldal nitong babaeng ‘to.
"Oh yan tapos na!" Nakangiti niyang sabi at pumalakpak pa kaya agad na akong tumalon sa lababo. Nalagyan na rin niya ng ointment ang likod ko.
Sinoot ko na ang uniform ko. May extra kasi akong damit sa locker. Naglakad na ako palabas habang bitbit ang first aid at nilagay sa locker. Nakasunod parin saakin yung nerd at daldal ng daldal. Sakit niya sa tenga.
Binuksan ko ang locker at inilagay iyon sa loob at kinuha ang pain killer pagkatapos ay ininum ito kahit walang tubig.
"Grabe ‘di ka manlang uminom ng tubig?!" Gulat na sabi niya pero tinignan ko lang siya at maya-maya ay iniwan na ‘rin. Naisara ko na naman ang locker ko e.
"Sandali! Wala manlang thank you?!" Sabi niya saakin pero diko parin siya pinansin.
"Uyy!! Oyyy! Nyx!!"
Huminto ako sa paglalakad dahil sa inis at hinarap siya.
"First of all, wala akong sinabing tulungan mo ako. Second, ‘wag mo akong sundan ng sundan." malamig kong sabi sa kaniya na ikina atras naman niya.
"A-ah eh hehehe." sabi nito at tumakbo na palayo saakin na ikina irap ko. Takot naman pala e tsk.
Akala ko'y aalis na siua pero muli pa siyang lumingon saakin at sumigaw.
"Hindi ako susuko Nyx! Magiging kaibigan din kita! Mark my word!"
Napatingin saamin ang ibang tao sa hallway dahil sa sigaw niya.
Okay, binabawi ko na ang sinabi kong tomboy siya tsk.