PRECIOUS NYX
Lumipas ang maghapon na tahimik. Kada madaanan at makita ko ay tinitignan lang ako pero alam ko ang tumatakbo sa mga isip nyan tsk.
Hinayaan ko nalang sila at mabilis na lumipas ang first day ko. So far, so good naman ewan ko lang sa mga susunod, but I felt excited for that.
Andito na ako sa labas ng school naglalakad paalis. Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman kong may sumusunod saakin. Pero diko nalang pinahalata at nagpatuloy muli sa paglalakad.
‘Akala mo siguro di kita mararamdaman no?’
Huminto ako sa paglalakad at kunwari ay yumuko ako para pagpagan ang sapatos ko pero naging mabilis ang kamay ko't kinuha ang small knife sa may hita ko na natatakpan ng aking palda.
Agad ko iyong inihagis sa kaniya at kitang-kita ko na tumama sa puno anv small knife kung saan nasa gilid lang ang muka niya. Muntik na siya.
"I didn't know that you're a stalker Mr. Secretary." cold kong sabi sa kaniya at napatingin naman ito saakin at napalunok.
Wala siyang nagawa kundi ang lumabas mula sa pinagtataguan.
"Ah-*ehem* I-Its—" ‘di niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya tinignan ko lang siya ng maigi na ikina-taranta naman niti.
"I—I gotta go!" Sabi nito at mabilis pa sa alaskwatro na nawala sa harapan ko.
"Tsk.Scared as cat" tumalikod na ako at naglakad papunta sa bahay.
Maliit lang ang bahay ko. Inuupahan ko lang to be exact, ‘yun kasi ang malapit dito sa school so I have no choice.
Malapit na ako sa bahay ng pagliko ko sa isang eskinita ay agad akong sumandal sa pader at inintay ang isa pa'ng sumusunod saakin.
"Stalking me huh?" nakangisi kong sabi at nakita ko na nanlaki ang mata niya't napaatras.
"H-huh. N-no!"
Napairap ako dahil sa mabilis niyang sagot at tumalikod na upang iwan siya. Wala akong pake kung sumunod pa siya saakin dahil wala naman siyang mapapala.
Dumating ako sa bahay at binuksan na iyon. Agad kong binaba ang bag ko at pumasok sa kwarto para makakuha na ng damit at makaligo dahil gusto ko ng magpahinga.
Nang matapos akong maglinis ng katawan ay sinarado ko na ng maigi ang apartment at pumunta sa higaan. Kinuha ko ang laptop na nasa ilalim ng unan ko at binuksan iyon.
Kahit pa may makakita ng laptop ko ay walang ibang makakabukas nito dahil hindi mo basta-basta ma-ha-hack ito. At dahil sakin ‘to hindi ko hahayaan na may makabasa ng laman nito.
Inopen ko na ang cite ko at agad chineck ang mga naganap kanina sa Italy.
Yes, I am a Mafia. Mafia Queen to be exact.
Kailangan na imonitor ko pa ‘rin ang mga kilos ng nasasakupan ko because I know some of them are disobeying my rules.
At ang ayoko sa lahat ay lumalabag sa batas. Hindi nga ako nagkamali, may nakita na akong mga lapastangan. Hindi ko muna sila pa-pakialamanan dahil bibigyan ko muna sila ng Babala. Pag hindi parin sila tumigil patvy sila.
That's how I manage my Org. Bibigyan ko sila ng panahon na mag bago pero pag hindi, patvy. Kahit nasaang lupalop kapa hahanapin at pupuntiryahin kita.
Nang maipadala kona ang warning ko ay itinago ko na ulit ang laptop ko at nahiga na.
***
NAGISING ako ng maaga at nag jogging. Nang matapos ako ng 6 ay agad na akong naligo at nagbihis. Tinapay lang ang kinain ko dahil ‘di naman ako gutom.
Kahit di ako kumain kagabi ayos lang dahil ‘di ako madalas magutom. Sanay na ang katawan ko na hindi kumakain.
Naglalakad na ako sa school ngayon at ito ang aking Second day. Kasama na ako sa Rules nila at never ako lalabag sa batas. Di ako rule breaker noh.
Naglalakad ako sa hallway at napansin ko na walang mga estudyante dito sabagay maaga pa pero wag ako. Pagdaan ko sa Field ay doon na nagsimula ang lahat.
***
NAPAHINTO si Nyx sa paglalakad dahil may nagbatuhan sa kaniya ng kung ano ano. Tulad ng itlog, harina, kamatis, basta something na pwedeng ibato sa kaniya.
Tuwang-tuwa ang mga estudyante sa mga ginagawa nila.
"Dapat lang sayo yan!"
"Sige girls! Ituloy niyo pa!"
"Sulitin na natin ‘to!"
Sabi ng mga nasa paligid niya na hinayaan lang ni Precious Nyx basta nakatayo lang siya ng deretsyo doon.
Hanggang sa may tumulak sa kaniya papunta sa gitna ng field at dahil mabait pa siya ay hinayaan niya ang tumulak sa kanya't naglakad nalang papunta doon.
Maya-maya pa, ang mga nagkukumpulan na mga estudyante ay tumabi dahil may mga dumatig—Ang SSG.
"How's your welcoming so far huh?" Napaangat ng tingin si Nyx sa nagsalita at iyon ay ang president na nakasoot ng isang study glass.
Ngumisi siya dito.
"Yun na yun?" tunog pang-aasar na ikinainis naman ng president. Nagwagi si Precious Nyx sa kaniyang isipan.
"Zach gave it to me." malamig ‘din na sabi nito sa kasama niya na ikinagulat nila.
"What?! No Zymon!" Pero sinamaan siya ng tingin ng president kaya wala itong nagawa kundi kunin sa likod nito ang isang mahabang latigo.
Napasinghap naman ang mga estudyante at napalayo ng agad ng inihampas ni Zymon ang latigo sa gilid nito.
He is Zymon Ferron ang SSG president ng Brixton University at ang pinakang kinakatakutan ng lahat. Bakit? Malalaman niyo sa mga susunod na kabanata.
"Well, let's see kung hanggang saan ka tatagal." sabi ni Zymon at agad na inihampas sa likod ng dalaga ang latigo na ikinasigaw ng mga estudyante na para bang sila ang tinamaan.
Pero ni hindi manlang sumigaw si Nyx or di kaya kumurap.
Nakatitig lamang ito sa sa right side para mas bigyan ng access si Zymon na mapalo siya.
Ang mga estudyante ay hindi makapaniwala sa ginagawa ng SSG.
Alam nila na kapag may bago ay ganito talaga dito—mayroong surprised welcoming, pero hindi nangengealam ang SSG. Hinahayaan lang nila ang ibang mga estudyante at kakaibang paraan ang welcoming na meron sa paaralan dahil kung ano-ano ang mga bagay o pagkain na binabato nila.
Bibihira lang na may maganap na welcoming kasi nga wala ‘ding nag-eenroll doon sa kadahilanang mahal ang tuition. Kahit pa gusto nila na mag-aral doon sa kadahilanang siguradong maganda ang patutunguhan pag nakapagtapos ay walang magagawa ang iba dahil ‘di nila afford.
Pero ang di nila alam, sa likod ng akala nilang magandang paaralan ay may itinatagong baho. Dahil sa loob pwedeng makipag bugbugan at kung ano-ano pa.
Naihagis ni Zymon ang latigo na hawak sa sahig dahil kontento na ito sa ilang palo na nagawa.
Tumingin naman si Nyx sa lalaki.
"Done?" Tanong ng dalaga sa kaniya na ikinataas ng sulok ng labi ng lalaki.
Lumapit naman si Zach sa babae—ang Secretary ng SSG na nakasunod sa kanya kahapon.
"A-are you okay?!" Sabi nito sa dalaga at hinawakan ito sa braso pero agad iyong hinawi paalis ng dalaga.
"Who told you to touch me? tch." sabi ni Nyx na ikinagulat ni Zach ngunit hindi ang President.
"Grabe girl parang wala lang sa kaniya!"
"Oo nga kung ako ‘yun baka himatayin pa ako!"
"Ilang palo yun! 25! Nabilang ko yun!"
"At nagawa pa niyang sagutin ang Secretary!"
"Ang tapang niya!"
Bulungan ng mga estudyante sa paligid.
Napatingin sila ng umalis na ang President kaya walang nagawa ang iba nitong kasama kundi ang sumunod sa kaniya.
Naiwan sila na tahimik doon. Biglang nag-unat si Nyx na ikinanganga nila.
"Next time dapat sinusulit niyo. Kung ako ang gagawa ng ganito gusto ko ‘di na siya makakatayo bago ako umalis." malamig na sabi nito at naglakad na palayo.
Naiwan naman na nakanga-nga ang mga estudyante doon. Kahit pa na maraming dugo ang likod ng dalaga ay maayos itong naglalakad palayo na parang normal lang.
Si Nyx naman ay wala lang talaga sa kaniya ang palo na iyon dahil malala pa doon ang mga naranasan niya.
Habang naglalakad ito papunta sa locker niya ay hindi parin tumitigil ang ibang estudyante sa kung ano-anong ginagawa nila. Pero hinayaan niya lang ‘yun at parang wala lang na naglalakad papunta sa locker.
May tumama pa sa ulo niya na isang matigas na bagay na siyang ikinadugo niyon pero hindi niya ito ininda at nagpatuloy sa paglalakad.
Hanggang ang mga estudyante na ‘rin mismo ang tumigil dahil di manlang sila nakarinig ng reklamo, iyak o pagmamakaawa, dahil iyon ang gusto nilang mangyari—na alam ni Nyx.
Never siyang mag mamakaawa sa iba para lang sa sarili niya. Kaya niyang tiisin lahat kaya para saan pa ang umiyak at magmakaawa hindi ba?
‘kung mag mamakaawa ako di ‘rin naman sila makikinig at mas matutuwa pa tsk.' Napairap nalang si Nyx sa naisip niya na yun.
Sa likod niya ay nakasunod sa kaniya ang isang nerd na nag-ngangalang Jendaya Jane.
JENDAYA JANE
Kahapon hindi ko inaasahan na tutulungan niya ako. Diko alam kung tinulungan ba talaga niya ako or sadyang di niya alam na sa gitna mismo namin siya dumaan.
I'm Jendaya Jane Miller. I am half Filipina and half American sa side ni Papa, si Mama kasi Filifina.
Yes, Nerd ako dahil diko ugali na mag syot ng kung ano-ano or tamang mas sabihin na wala akong fashion sense. Okay, happy na?
Oo, alam ko naman ‘yun. Kaya kong matuto pero ayoko. Mas comportable ako sa soot ko na uniform tapos may jogging pants sa ilalim ng palda. Nakasoot din ako ng makapal na salamin and also ‘di ako nag susuklay nakakatamad kaya noh.
I know ma-attitude talaga ako pero syempre tinatago ko lang ‘yun. Anong laban ko sa kanila diba? Lalo lang silang magagalit kapag sinagot ko lalo na si Elyn, kung ano pa gawin sakin nu'n.
Si Elyn sya yung number 1 bully dito sa school. Well, lahat naman kasi nga mga basagulero at basagulera pero kinakatakutan nila si Elyn dahil talagang aabangan ka ng mga galamay niyan kapag kinalaban mo siya.
Kaya nga nagulat talaga ako ng isang suntok lang ni Nyx kay Elyn ay tumba na agad! Akalain mo yun, ang Rank 6 na leader tulog sa isang sapak lang! Hahaha!
Ang epik niya talaga, kapag nakita ko ‘yun tatawanan ko siya haha joke. Sana nga nabasag ang ilong nu'n peke naman tsk.
Lumalayo tayo sa usapan e, ayun na nga. Simula ng iligtas, kung yun man talaga, ako ni Nyx e grabe na ang paghanga ko sa kaniya. Oy ‘di ako tibo ah!
Ang cool niya kasi sobra! Tapos kung titignan mo siya wala siyang paki sa paligid at eto pa, classmates kami at nakita ko ‘yung nangyari kahapon!
At kyahh! Alam niyo bang kinikilig parin ako hanggang ngayon?! Si President ‘yun! Si Mr.Zy ang pinakang kinakatakutan ng lahat! Ang grupo lang naman nila ang Rank 1 sa Gangster World!
At isa pa unang beses ko siyang nakitang ‘di makapagsalita sa harapan ng isang tao at talagang nakatitig lang siya kay Nyx!
Kyahh!!! Alam niyo ‘yun! Mabigat ang atmosphere sa loob ng room kasi nga ayaw na ayaw ni Mr.Zy na may lumalabag sa batas nila pero si Nyx! Jusko akala ko talaga hahalikan niya si Mr.Zy! Hahaha pero nakakakilig talaga yun!
‘Yung muka ni Mr.Zy nagulat siya sa ginawa ni Nyx pero nakita ko na nakakuyom ang kamao niya. Baka nagalit or nainis dahil may kumalaban na sa kanya? Ewan! Basta may chemistry sila!
Bagay! Perfect! Parehong Cold! Hahaha.
Ay mabalik tayo, sinusundan ko nga pala si Nyx ngayon papunta ata siya ng locker niya. Mukang sinadya niya na malayo ang daanan para makita siya ng mga estudyante?
Grabe di talaga ako makapaniwala na nagawa ‘yun ni Mr.Zy hindi kasi ugali ng SSG na mangialam sa Welcoming.
Ako naman kasi since grade school dito na ako kaya kilala ko na silang lahat. At isa pa sila Mama at Papa ang nagpasok sakin dito. Gangster din kasi sila eh pero ako, diko alam kung gusto ko nu'n kaya nga nerd ako e tsk.
But, wala akong magagawa andito na ako. At isa pa hindi ako titigil para maging kaibigan ko si Nyx! I like her na talaga! Hindi yung ibang like ah! As a friend!
Kapag ang isang Jendaya Jane Miller ang may gusto ay nakukuha niya tandaan niyo yan! Kaya ‘di ako titigil hanggat di kami nagiging mag kaibigan!
Nakita ko na binuksan na niya ang locker nya't maya-maya ay tumingin sa paligid kaya agad akong napatago sa pader.
Oo, ako ‘yung nakasunod sa kaniya kahapon kasi nga gusto ko talaga siya maging kaibigan! At isa pa nakakapagtaka, paano siya nakapasok sa school dahil alam kong mahal ang tuition dito at isa pa apartment lang ang gamit niya.
Lalo akong nagiging interested sa kaniya e!
Sumilip ulit ako sa kaniya at napanga-nga ako ng bigla-bigla siyang naghubad ng damit!
Wow! Pakshet sexy! Oy di ako tibo marunong akong mag appreciate ng mga Sexy no! Isa kaya ako dun che!
Pero kitang-kita ko ang sugat niya sa likod. Pumasok siya sa shower room nitong locker. Wala naman kasing ibang tao dito dahil nasa kaniya-kaniyang room at mamaya pa naman ang klase namin.
Napag desisyonan ko na pumasok sa loob.
This is it pansit! Wala ng atrasan to!
Jendaya Jane move 101!