RG 2 - RANDOM OFFER

3887 Words
RANDOM GUY - EP. 2 Pinikit ko ang mga mata ko ng mariin dahil sa kaba. Matapang ko itong muling binukas at sinubukang tingnan siya direkta sa kanyang malalalim na mga mata, na tila inaalisa ang bawat galaw at reaksyon ko. "Then kill me now." I said firmly. Binalik nito sa'kin ang mga titig ko. Parang sinusukat ang katotohanan sa mga sinabi ko. Ngunit hindi ko inakala ang pagak nitong tawa sa kabila ng takot sa aking dibdib. "They're right about you. Matapang ka nga't matalino. Very sophisticated. Perfect for an Attorney." He said smirking still pointing the gun at me. "Not afraid to die huh." Dahan-dahan itong tumayo habang nakikipagtalo ng titig sa akin. "Among all of your siblings, I was always curious about the so called 'Snow', ang isa sa pinaka in demand na attorney in the City." Dadag pa nito. He looked at me from toe to head, and then stopped at my eyes again. "Pero ngayong kaharap na kita, I've realized that everything you've been showing to everyone was just a facade. You're just a sad soul. A cold being, just like your name." Naikuyom ko ang mga palad ko. Paano niya nasabi iyon? Pakiramdam ko'y bawat salitang binibitawan niya ay tila kutsilyong tumutusok sa aking pagkatao. "You don't know me!" Mariin kong sagot rito na mas lalo lang niyang ikinangisi. Tuluyan nang nanginig ang mg kamay ko sa inis. "I know you Snow Guererro." Gusto ko itong sapakin. Ngunit ayaw akong sundin ng katawan ko. Tila nabato na ako sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Hindi nawawala sa mata ko ang baril na nakatutok pa rin sa direksyon ko. Nagsalita itong muli ng ilang dangkal na lang ang layo sa pagitan namin. "You're really much prettier up close." He whispered through my ears na nagpatindig ng mga balahibo ko. He's a monster! "You perv!" Angal ko pa rito pero bigla lang niyang idiniin ang baril sa tiyan ko para patigilin ako sa anumang sasabihin ko. Hindi ako nakakibo at napapikit na lang ng mariin. Mukhang nag research talaga ang taong ito tungkol sa'kin. Kung kaming magkakapatid nga ang target nito, malamang uunahin na niya ako dahil mas madali siguro akong iligpit. Now that his is upclose, I've realized something. Hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking nasa parking lot kanina. He's wearing the same jacket. Nakababa nga lang ang hoodie nito. He's eyes are dark, hooded and sharp. He's undeniably good looking. Para akong nahihipnotismo. But his stand is ready to pierce me inside. "You're the guy kanina-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang dahan-dahan niyang pinaglakbay ang baril mula sa tiyan ko papunta sa labi ko hanggang sa gilid ng ulo ko. It made me shiver inside. "Ssssshhh... enough of the Chitchat. Let's move on to the business shall we?" Ang t***k ng puso ko ay parang nag uunahang kabayo sa bilis. Tila nalunok ko ang lahat sana ng sasabihin ko. "One wrong move Snow at tatagos bala ng baril mo sa ulo mo." He's towering over me and I feel like I can't move a muscle. Nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi ng i-decline ko dati ang inoffer sa'kin ng ex-fiancé ni Klause na si Miley tungkol sa self defense class. She's a black belter in Taekwando. Kung di lang sana naging matigas ang ulo ko noon, baka nakayanan kong ipagtanggol ang sarili ko ngayon. I can't die just like this. "Ano bang kailangan mo?" Pinigilan kong pumiyok ang boses ko. "Wag excited. Right now I want you to follow what I say. No but's Attorney." He went to my back still pointing the gun on my head. "Now bring that box." I followed what he said. I took the box. Ito ang mga pagkain na palagi kong nire-request with the same restaurant. How did he do this? Matagal na nga ba talaga ako nitong minamanmanan? "Now walk to the kitchen." Napahinto ako dahil sa sinabi nito. Magtatanong sana ako kung anong trip nito pero hinawakaan lang niya ako sa braso at marahas na tinulak. "Hurry!" I hissed in pain but he just gave me a stoic look. I don't know if he's enjoying playing with the situation. I walked slowly at the kitchen. Napansin niyang nabaling ang atensyon ko sa cellphone kong nakapatong sa mesa kung saan ko ito naiwan kanina. Tinulak niya ako in the opposite direction away from my phone na tanging pagasa ko lang sana ngayon para makahingi ng tulong. "Sit." Utos niya sa'kin na parang alaga niyang aso. Dinampot niya ang cellphone ko at binulsa sa jacket niya. Napamura nalang ako sa isip ng dahil dito. He sit on the opposite side of the table while starring at me. The gun still pointing at my direction. "Open the box and Eat." Malamig na sabi nito sa akin na ikinakunot ng noo ko. "Pinaglalaruan mo ba ako?" Hindi siya sumagot. Sa halip ay dumukot siya ng isang bagay sa kanyang bulsa. It's a gun silencer? He's really prepared to kill me huh. Ikinabit niya ito sa dulo nung baril at muling itinutok sa'kin. Biglang nanlamig ang buo kong katawan sa kaba pero hindi ko ipinahalata. I remained stoic as well. "I said no buts. Kumain ka na habang nakakapagpigil pa akong iputok ang baril na'to." "What do you want?" Pagmamatigas ko. He stared at me for a moment. And instead of answering. He shooted the vase at my back na ikinabasag nito. Ramdam na ramdam ko ang hangin na dumaan sa buhok ko. Hindi ako nakapagsalita at napalunok sa kaba. "I-said-eat." Wala akong nagawa kundi ang buksan ang kahon at bumungad sa'kin ang mga paborito kong pagkain. Biglang bumalik ang gutom na nararamdaman ko kanina despite of the situation. "Walang lason yan." Dagdag pa nito but I just glared at him. Nagsimula na akong kumain ngunit dahil sa puting liwanag ng kusina'y mas lalo ko pang na-appreciate ang itsura nito. I can't help but stare at him for a bit between eating. Hindi mo talaga aakalaing isa itong taong may masamang gagawin tulad nito ngayon. Maayos at malinis ang itsura nito. Kung nasa ibang sitwasyon kami ngayon ay baka maisip kong isa siyang modelo na lumabas mula sa isang men's magazine. He has a light tanned skin, thick brows, pointy nose and dark hooded eyes with tempting lips. He's body is obviously muscular. I don't know what I'm thinking anymore. My guts is telling me something else. That he is not like this but whenever I think of how did he enter my unit and threatening inside my place is making want to ask him. But I shook off the thought. Mamatay na nga ako pero iba pa ang nasa isip ko. Napakagat na lang ako sa labi being my mannerism when thinking deeply. "You should avoid staring at me lady. Baka may iba pa akong magawa sa'yo." Nagulat ako sa pagiging prangka nito. Tinamaan na ako ng hiya kaya agad akong napainom ng tubig at ibinaling ang sarili ko sa pagkaing nasa harap ko while avoiding eye contact with him. Kanina pa ito nakatitig sakin kaya nagsisimula na akong ma-conscious. The silence between us is deafening me. This is not good. I'm getting used to his presence. Hindi pwede to. Kailangan kong magisip ng plano para makatakas sa kanya. Balak ko na sanang magsalita pero parehong naagaw ng atensyon namin ang pagtunog ng buzzer ng pinto ko sa labas. Kinabahan ako. That means someone is outside. Ito na ata ang makakapagligtas sa'kin. I was about to try standing when he stopped me. "Don't move. Wala sa ating dalawa ang magbubukas ng pintong iyon kung ayaw mong dalawa kayo ng taong nasa labas ang patayin ko sa loob ng silid na ito." Mariin nitong pagbabanta. Nanginig ang kamay ko at nanumbalik na naman ang takot sa puso ko. Ang mumunti kong nabuong pagasa'y unti-unting naglaho. Ayos lang sa'kin ang mamatay, pero ang madamay ang isang tao dahil sa'kin ay hindi ko matatanggap. Tuluyan na akong yumuko at bumalik sa pagkakaupo habang ang buzzer ay patuloy pa ring tumutunog. Tumigil na ito sa pagtunog kasabay ng pagtigil ng pagasang nabuo sa akin kanina. Ang akala ko'y wala na akong takas ngunit napataas muli ang tingin ko nang tumunog ang cellphone mula sa bulsa nito. Inilabas niya mula rito ang phone ko at agad kumunot ang noo niya nang makita ang caller I.D ng tumatawag. "Who the h*ll is 'KURTONG'?" Hinarap niya sa'kin ang screen ng phone ko at muntik ko nang mailabas ang kanin sa loob ng bibig ko pagkabasa ng pangalan ng tumatawag sa'kin. It's Kurt Dela Cuesta, Zyalas' boyfriend but I named him KURTONG on my contact list. Napasapo ako sa noo ko ng dahil dito. Sinadya ko talaga yon noon dahil sa trip na rin ni Zyla. Pero diko akalaing magbaback fire sa'kin ang kalokohang ito. Kitang-kita sa mukha nito ang pagpipigil ng tawa. Sa saglit na segundo parang naglaho ng kaunti ang takot sa puso ko at napalitan ng hiya. "T-That's a-actually Kurt." I said embarassed. He looked at me amazed. "Oh. I know this guy. Kurt Dela Cuesta right? Your bestfriends boyfriend." He's back his evil smile again. Hindi ko maintindihan if he's teasing me or planning of something more evil. Pero hindi pa rin nakatakas sa isip ko ang katotohanang kilala din niya ang mga kaibigan ko. "Bibigyan kita ng pagkakataong kausapin ito." Nagulat ako sa sinabi niya. "But I'll be the one holding the phone." Lumapit ito sa'kin at naupo sa mesang nasa harap ko. I stared at him for a moment. Hindi pa rin makapaniwala. "...and one more thing, pag humingi ka ng tulong at nagkamaling mabanggit ng kahit na ano tungkol sa nangyayari ngayon ay hindi ako magdadalawang isip na iputok ang baril na'to at idadamay ko pati ang taong kakausapin mo ngayon." Napalunok ako at napatingala sa kanyang nakangising mukha. I glared at him. Hindi ko maintindihan ang trip ng taong ito. Mas mabuti nang hindi ko kausapin si Kurt kung hindi ko lang naman ito mahihingian ng tulong. Baka malagay pa sa panganib ang buhay nito. Tatanggi na sana ako pero bigla na lang niyang pinindot ang answer button at bumungad sa'kin ang masungit na boses ng kaibigan ko. "Yow? Taong nuwebe? Nabingi ka na ba? Bakit ang tagal mong hindi nakasagot? Inaamag na ako dito sa labas ng condo mo alam mo ba yon?!" Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa gulat. Knowing Kurt, talagang ganun ito magsalita kapag naiinis sa'kin. He's a bit childish. The stranger almost laugh at what he heard. Hindi ako natawa kay Kurt dahil sanay na ako rito. I was stunned for a second because of this guy but he didn't mind me. "Hoy Snowman! I heard you! Pinagtatawanan mo ba ako? Happy ka ha?" Kurt misunderstood what he heard. Hindi naman talaga ako ang tumawa. "Tawang-tawa ka siguro sa panttrip sakin nuh? Gusto mo talaga akong gawing bato sa labas ng pinto mo ha? Pwes itong sa'yo!" Dagdap pa nito. Narinig ko na naman ang sunod-sunod na pagtunog ng buzzer ko. Kung may forever man sa mundo ay baka ang pagtunog na nito. Kilala ko si Kurt, hindi yon titigil hangga't hindi nito nakukuha ang pabor niya. At mukhang may ideya na ako kung ano ang pinunta nito dito ngayon. Lalo na't para sa pinakamamahal niyang si Zyla ito. Napasapo nalang ako sa mukha dahil sa munting kahihiyan dahil sa kalokohan ng kaibigan ko. Hindi ko alam na pwede palang mahiya sa harap ng isang masamang tao. Nagulat ako ng biglang pinatay nung lalaki ang tawag tsaka tumawa ng malakas. Gusto ko na rin sanang matawa kundi lang nakatutok pa rin sakin ang baril. Plano ko na sanang agawin sa kamay niya ito pero bigla nalang itong tumingin sakin ulit kaya agad akong napabalik sa pwesto ko. Bumalik na naman ang seryosong expression sa mukha nito. May toyo rin ata ang nilalang na'to? Ibang timpla ng toyo nga lang siguro. "I like this guy. Hahayaan kitang kausapin ito ng personal, pero hanggang sa pinto lang. I'll be hidding at the back of the door. Listening to every details of your conversations. One wrong words and kaboom I'll blow both of your heads! Now stand." Utos pa nito kaya napabuntong hininga na lang ako. Wala akong choice. "Ikaw rin, baka masira buzzer mo." Panguuyam pa nito dahil hanggang ngayon ay sunod-sunod pa ring pinipindot ni Kurt ang buzzer na parang wala nang bukas. Tumayo ako papuntang pintuan habang nakasunod naman ito sa'kin. Agad itong pumwesto sa gilid ng pinto. Huminga mona ako ng malalim bago ito tinanggalan ng lock mula sa loob. Pagbukas ko nito'y bumungad sakin ang maamo ngunit busangot na mukha ni Kurt. Pareho talaga sila ng facial expression ng nobya niya. "Sa wakas lumabas na rin si Elsa! Do you wanna build a Snowman?" Pangaasar pa nito sakin. Natawa pa siya ng kunti nang hindi ako magsalita. Usually kasi ay binabatukan ko ito kapag inaasar ako. "Oii? Ba't ganyan mukha mo Snow? Mukha kang natatae? Nasobrahan ba ako sa pagpindot ng buzzer mo?" Pangungulit pa nito at akmang papasok na sa loob pero agad kong pinigilan ito. . "T-teka! W-wag ka monang pumasok. Dito nalang tayo magusap." Binigyan ko ito ng isang makahulugang ngiti pero feeling ko hindi niya ako mage-gets. And to my expectations, tama nga ang hinala ko. "May sekreto ka sa'kin nuh?" Binigyan pa ako nito ng isang malisyosong ngiti. "May pagkain ba jan sa loob?" Sira talaga. "A-ano bang kailangan mo?" Kunwaring tanong ko pa rito para hindi makahalata ang lalaki sa likod ng pinto. Pero ang may toyong si Kurt loading talaga kahit kailan. "Hoyy.. May tinatago ka nga, dika makasalita ng maayos ehh. Ano? Nagbara na naman ba iniduro mo kaya mabaho CR mo ngayon? Sus! Nahiya ka pa!" Pinanlakihan ko pa ito ng mata pero ang ulol kung kaibigan di pa rin makagets at tuloy-tuloy pa rin ang salita. "Wag kang mag-alala di nalang ako magc-cr. O baka naman may tinatago kang lalaki sa likod ng pintuan?" Para akong nabunutan ng tinik sa huling sinabi nito. Tila mag nabubuong pagasa sa puso ko. Ngunit kinabahan din ako at the same time. Sandali kaming natahimik na dalawa at nagkatinginan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nakiramdam naman ako sa lalaking nasa likod ng pinto, and at the corner of my eye, I saw him raising the gun at me, slowly, with a sign of warning on his face. Muntik na akong atakihin sa puso nang biglang tumuwa ng malakas si Kurt sa harap ko. "Ang isang Attorney Snow Guererro Magtatago ng lalaki sa likod ng pinto!? Isang malaking himala nalang Siguro kung mangyayari yon. Sa pagiging choosy mong yan baka tumanda ka pang dalaga!" I rolled my eyes at frustration. Kung ordinaryong araw lang siguro ito ay baka nahambalos ko na ito sa mukha. Napa face palm na ako ng tuluyan sa kaungasan nito. "Who's that babe?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng magsalita ang lalake sa likod ng pinto. I saw him tucked-in the gun at the back of his pants tsaka tuluyang lumabas sa likod ng pinto. Lumingon ako kay Kurt at nakitaan ng gulat ang mukha nito. Literal na nakanganga ito nang makita ang isang di inaasahang lalaki sa likod ko. Mas ako pa ang nagulat ng umakbay ang lalaki sa'kin tsaka nito hinalikan ang gilid ng ulo ko kung saan nakatutok kanina ang baril. How ironic. Kung di ako agad naka recover ay baka dalawa kami ni Kurt ang nakanganga ngayon. We are both surprised in a different way. "Hi! You must be Snow's friend. Kurt right? I'm Ace, Snow's boyfriend." Agad naman nitong inilahad ang kamay nito kay Kurt. Hindi ako nakapag react at nakapagsalita sa gulat. Parang humina ang pagtakbo ng utak ko sa mga sandaling ito. Ano bang iniisip ng taong to? Ano bang balak nito?! "H-Hi! H-Hello! Uhm.. Y-yeah, Yes! I'm K-Kurt! Nice meeting y-you, Ace!" Kung normal lang na araw ito ay baka matawa pa ako sa reaksyon ni Kurt. Kanina lang ang lakas nito makapangasar pero tila ngayon ay umurong na dila nito. "O-Oii! S-Snowman! Este Snow! M-May BOYFRIEND ka na pala ha? Bakit NGAYON ko lang to nalaman?" Palipat-lipat ang ngiti nito sa aming dalawa na tila naghihintay ng paliwanag. Magsasalita na sana ako pero naunahan na namn ako ng lalaking to. Hindi ko pa nga sigurado kung totoo nga nitong pangalan ang sinabi nitong Ace. "I'm so sorry for the sudden notice. Nilihim siguro sa inyo ni Snow dahil on and off ang naging relasyon namin dati at walang kasiguraduhan." Ang kapal talaga! Ang bilis makagawa ng kwento. "Y-yeah! He's right! Traveler kasi itong s-si A-Ace. Akala ko hindi na siya babalik..." Sinabayan ko na lang ito nang bumaba ang hawak nito sa baywang ko at mas lalo akong idiin sa kaniya. Kaysa naman siguro baril ang maging katapusan ng tagpong ito. "Pero ngayon, I'm planning to stay here, for good. I will never let go of Snow again." Mabilis naman akong napalingon sa direksyon nito na siya rin namang ginawa niya. Sandali ako nitong tinitigan at binigyan ng isang nakakalokong ngiti. "W-Wow! Okay! Mukhang may maganda akong MAIBABALITA kay Zyra!" Bulalas naman ni Kurt tsaka ako binigyan ng makahulugang ngiti. "I shall go ahead! Bukas ng umaga na lang tayo magusap Snow tungkol sa favor ko sa'yo. Mukhang nakakaabala pala ako. Sana nagsabi ka nalang sakin diba?" Kurt even winked at me tsaka ito unti-unting tumalikod. "Kurt wait!" Nagbabakasakali sana akong makita niya ang mga pahiwatig ko but this guy won't let me. Mas lalong humigpit ang mga braso nito sa'kin. Hinahaplos ang bawat kurba ng aking baywang. It sent shivers in me leaving my head blank in an instant. Bumulong ito ng mga salitang nagpabalik muli ng takot sa aking dibdib. "You know that I can easily shoot you both. Right here and right now." His smiling at me but his words are very threatening. "What?" Inosinting tanong naman sa'kin ni Kurt. "W-wala. Magiingat ka pag uwi mo!" I said as I finally bid my goodbye to the person whose supposed to be my one last hope for tonight. "K. Bye!" At tuluyan na nga itong tumalikod sa'kin papalayo. Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang pagtunog ng elevator ni Kurt, sign na pababa na nga ito. Hindi na ako nagulat nang hilahin akong muli ng lalaki pabalik sa loob ng condo ko. Sinigurado niyang nakasarado na muli ang pinto bago niya ako hilahin pabalik sa kinauupuan ko kanina. "Marami na akong nasayang na oras dear Snow. Now let's get down to business. You have to listen very carefully sa mga sasabihin ko. Kilala ko lahat ng konektado sa buhay mo." Mabilis nitong pagpapaliwanag sakin. "Whether you like it or not, magkakaroon tayo ng agreement. Dahil kundi, iisa-iisahin ko ang mga kaibigan mo kasama na rin ang mga kapatid mo." Napatingin ako rito na may namumuong luha sa aking mga mata. How can he be so ruthless. Siya ang kauna-unahang taong nakatagpo ko na may whirlwind personality. Making me feel at ease but making me feel in danger at the same time. "You can do everything to me pero wag mong idadamay ang ibang tao rito!" "I can do whatever I want Attorney. I figured na hindi ka takot mamatay, and that strength of yours is the reason kung bakit natali ang ibang tao sa paligid mo, death might not be your weakness but they are your weakness. Just face it. You cant do anything about it." Pagmamayabang pa nito na muling nagpabalik sa galit na nararamdaman ko. "Hindi ka magtatagumpay!" "Don't test me Snow. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko. Isang utos ko lang at kaya kong patumbahin ang mga minamahal mo sa buhay. Your brother Warren? Akala mo hindi ko kayang makapasok sa longga niya? I have a lot of insider in his company. Even your sister Gabriella can't escape with my claws. Pano pa kaya ang pinakamamahal mong kapatid na si Klause?" "You're a monster!" I glared at him. But he just grab me and pinned me to the wall. Making me motionless with his grip. "I know, and I have tons of weapon against you. Huwag mong hintaying may masaktan. Lalo na ang mga kaibigan mo. Gusto mo bang masaksihan ito?" Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad nag dial ng tao. Isang ring pa lang nito ay may sumagot na agad. Agad naman niya iyong inilagay sa loudspeaker. "Hello Boss?" Sagot ng lalaki sa kabilang linya. "I want an update to Warren Miles." Utos niya sa taong nasa linya. Tumingin pa ito sa akin na may pang uuyam. "His in the mansion as of now. Bukas ay mayroon itong flight sa Canada para i-meet ang business associate nitong si Miss Quinn. Balita ko'y balak mag propose ng isang joint company si Mr. Warren sa pamamagitan ng fixed marriage pero pinag iispan pa ito ng side ng Quinn's cosmetic company. Bukas ko na po ba gagawin ang plano?" Biglang nanlamig ang kamay ko. Ang flight niya ay tugma sa sinabi sakin ni Klause last week. Kahit di ko sila kinakausap ay nangangamusta pa rin naman ako sa lagay nila through Klause. Nabalitaan ko na sa kaniya ang tungkol dito kahit hindi pa binabalita sa publiko. Mga close associate lng ng company ang nakakaalam nito. "Okay that's enough. How about the guy na kakalabas lang ng building na ito. Si Dela Cuesta. What's he doing?" "That's enough! Naniniwala na akong madami kang koneksyon!" Naikuyom ko ang palad ko. "No! I want you to hear more." He even scowl at me. "An update to an to Mr. Kurt please." "He's having a dinner date to his girlfriend, Miss Zyla as of this moment sir. May gusto po ba kayong gawin sakanila sir?" Report ng tao sa kabilang linya. "Wala naman. Just giving an update to someone. Thank you Drake." Sabi nito tsaka tuluyang binaba ang tawag. "Ang sama mo!!" Halos nanggigil akong saktan ito pero hindi ko magawa. He just glared at me. "I know! Now here's your phone. Call your friend Zyla to confirm the report of my spies." Dahil kinakabahan ako kung totoo nga ito'y agad ko namang kinuha ang phone ko at dinial si Zy. "Just reminding you, I still have your gun and their lives are on the line." He said confidently but I just glared at him. "Snow!" Dinig ko ang energy sa boses ni Zy. "San ka?" Kinakabahan kong tanong rito. "Sa labas kasama si Kurt. Galing daw siya sa'yo? Excited pa nga ehh. May ibabalita daw sakin." Akmang sasagot pa sana ako kay Zy ng suminyas na ito sa pamamagitan ng baril ko. "S-sige Zy. Baba ko na. Banyo lang mona ako." I said ending up the call. Hindi ako makapaniwalang totoo ngang nagmamanman siya sa lahat. "What do you want?" I asked as a sign of surrender. "Buti nakuha mo na ang punto ko. Well, I want your brothers case 10 years ago." Deretsahan niyang sagot na nagpagulat sa'kin. "What do u want from that rotten case?" I said firmly but he just stared at me with something unknown in his eyes. "It's payback time Attorney Guererro." The smirk on his face is making the back of my hair stand. What does he mean by that? - END OF EP. 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD