RG 1 - THE DELIVERY
RANDOM GUY - EP. 1
Hindi ko minsan maintindihan ang sarili ko. I am happy with my life right now, satisfied with the things that I have. Pero bakit minsan pakiramdam ko may kulang? There's always been a certain space that's always hunting me.
"Attorney!" I was walking towards the stairs to go home from work nang may tumawag sakin kaya napalingon ako rito.
"Oh! Mr. Fynx? May problema ba?" Sabi ko nang kaharap ko na ang Sekretarya kong medjo humahangos pa dahil sa pagtakbo. Makisig ito at mas matangkad kaysa sa'kin, and he's two years younger than me.
Pwede sanang maging model sa itsura niya. Sometimes I wonder kung bakit hindi na lang ito nag artista. Mukhang mas madali pa ang makapasok siya sa showbiz. But I don't doubt his skills. He's really good in his job.
He caught his breath for a second before speaking. I was a bit surprise when he handed me a thick brown folder.
"Wala naman po Attorney. May pinapabigay nga po pala ang Kuya niyo." He said as I receive the folder.
"Sino sa mga Kuya ko ang nagpadala ng file na'to?" I said while scanning the papers. I have two brothers and one sister. Pero iisa lang ang kinakausap ko sa kanila ng madalas. I can't face the other two yet, for a certain reason that wrecked my past.
Sandali akong natiginal nang makita ang nagiisang larawang kalakip ng folder.
"Si Mr. Klause Thomas Guererro po." I sighed wondering bakit sa kanya galing ang file na'to but at the same time feeling relieved. Si Kuya Klause ang kasundo ko sa lahat. We are undeniably close. "Pupunta nga po sana siya sa inyo ng personal tonight pero bigla po siyang nagkaroon ng emergency meeting sa company niyo. Bilin ng sekretarya niya na kayo lang po ang pweding magbukas niyan." He even explained but my mind is now focused on that one particular picture.
"Syrah..." I whisphered to the air.
"Attorney?" nagbalik muli ang isip ko sa pagtawag sa akin ni Riley. Bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa reaksyon ko.
"Sorry. May naalala lang ako." I close the folder and face him with a smile. "Thank you Riley. I'll call him tonight. Umuwi ka na, wag kang mag over time ngayon. I'm sure hinihintay ka na ng nobya mo." Biro ko pa rito trying to erase the emotional thoughts a while ago.
Alam kong may nobya na ang sekreterya kong ito pero nahihiya pang ipakilala sa'kin. Di na rin kasi siya iba sa'kin dahil siya ang may pinakamatagal na nagsilbi sa'kin for almost 3 years.
"Sige po ma'am! Salamat!" Medyo nahiya pa ito sa binanggit ko pero masigla itong tumalikod at nagpaalam.
"Wait.." Sabi ko nang may maalala. Agad naman itong tumingin pabalik sa'kin.
"Yes ma'am? May iuutos pa po kayo?" He said a bit confused.
"Nothing. I just want to remind you something." I stopped and smile for a sad thought. "It's a bit invalid to say that the company is also mine." Bigla namang kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin ma'am?"
"It's theirs Rylie. Sakanila lang iyon ng mga kapatid ko. I don't claim the families company as mine too. Not anyomore. Matagal na akong kumawala sa kanilang ginintuang howla. Ayoko nang maging connected sa yaman ng kompanyang iyon." I said smiling at his confused face. "That's all. You may go na."
"Okay Ma'am Snow. If that's what you want po." Kahit naguguluhan ay tumango na lang ito tsaka bumalik sa office para na rin kunin ang mga gamit niya at umuwi.
Sabay kaming naglakad palabas ng building pero mas nauna siyang sumakay dahil nagta-taxi ito. Lumiko naman ako sa may parking lot ng building para kunin ang sasakyan ko.
"Confidential huh." Bulong ko sa sarili ko ng buklatin ko ang iilang pahina ng folder. Nilagay ko nalang ito sa tabi ko sa may passenger seat tsaka tuluyang pinaandar ang makina ng sasakyan ko.
Palabas na ako sa building ng may maaninag akong figure ng taong nakatayo sa likod ng isang lamppost malapit sa exit way. He's wearing a dark hoodie jacket with a cap kaya diko masyadong maaninag ang mukha nito. I think its a guy based on his body built. May pagkakatulad sila ng pangangatawan sa sekretarya kong si Riley pero mas matangkad nga lang ito ng ilang pulgada.
Akala ko nga sa una siya ito pero naalala kong nauna na nga pala itong nakaalis kaysa sa'kin. Mga 4 meters away lang ang sasakyan ko sa kanya nang mapansin kong mas sharp at defined ang jaw line nito kumpara kay Rylie. Kaya imposibli talagang siya ito.
Agad kong iniwas ang tingin ko nang makitang umangat ang ulo nito nang malapit na ang aking sasakyan sa kanya. Nasa akin na ngayon ang buong atensyon niya at kung nakakadisgrasya lang siguro ang titig ay baka sumabog na siguro ang sasakyan ko. Diko man maaninag ang buong mukha nito pero napaka creepy niya talaga. Nagmadali na lang akong lagpasan siya nang matapat na ang sasakyan ko sa kaniya. Tiningnan ko ang back view mirror ko at nakita kong hindi ito gumalaw. Tinitigan lang niya ang sasakya ko hanggang sa nakalayo na ako.
"Geez... What a creep." Bulong ko sa sarili ko nang nasa highway na ako. Hanggang ngayon naiimagine ko pa rin ang aura ng taong iyon.
Napapreno ako ng wala sa oras ng biglang nag ring ang cellphone ko. Sa lalim ng iniisip ko'y nagugulat na ako sa maliliit na bagay.
"Gosh!" Tanging naisigaw ko. Buti nalang at walang gaanong sasakyan kundi baka naka cause pa ako ng traffic. Huminga mona ako ng malalim tsaka sinagot ang tawag using my earpiece at nagpatuloy nang magmaneho.
"Snow!" bungad sa'kin ng matinis na boses sa kabilang linya.
"Zyla! My god!" Sagot ko naman nang mapagtantong ang kaibigan ko pala ito.
"Oh? Ba't mukhang gulat ka?" Natatawang tanong nito sa'kin.
"Nothing. Something just bothered me kanina sa work." Sabi ko na lang rito para di na mapagusapan ang creepy encounter ko kanina.
"Kaw kasi eh! Puro ka stress! Magjowa kana kasi gurl! Tingnan mo kami ni Kurt, on the way na sa road of forever!" Masigla pa nitong sabi. Bilib din talaga ako sa dalawang aso't pusa na yon. Akalain mo, magiging sila pala sa huli?
"Hainaku Zy, kung alam mo lang. Kaso puros matatanda mga clients ko eh. Wala man lang jowable." Gatong ko pa rito na sabay naming ikinatawa. I'm feeling crazy too whenever I talk to her. She's one of my happy pill bestfriend.
"Oi! Speaking of Jowa, punta ka sa mansyon sa friday ha. 6th anniversary na kasi namin ni Kurt. Baka magpropose na ang maarte na yon!" sinabayan pa nito ng malakas na tawa. Ito gusto ko sa kaibigan kong ito eh. Kahit wala na akong energy at stress na sa work napapasaya pa rin niya ako. Pareho sila ni Kurt, puros may mga toyo sa utak minsan.
"Sira! Sumbong kita dun eh! O, siya sige. Malapit na ako sa condo. Expect me there. Ciao!"
"Yehey! Tawagan lang kita ha. Bye!" natatawang naiiling na lang ako sa babaing iyon. We are both 28 pero para pa rin talagang bata.
We've been friends since pre-school. She's a super model now. You can see her face everywhere in the City. Pareho kaming bunso sa pamilya kaya let's say na we both relate to each others personalities. Except that I am the Guererro familys' rebel and she's the face of Montecarlo - one of the famous fashion and clothing company in the country. Pero hindi pa rin nawawala sa Asia's top business company ang Guererro, and it's CEO is my eldest brother, Warren Miles Guererro.
He became the coldest man I ever know. Nagmana kay Papa who passed away 10 years ago. One of the reasons I never talk to him at marami pang ibang mahahalagang rason.
My one and only sister, Gabriella treat him as her great competition. They are both business minded and competitive. She wants to build her own empire in the company pero hindi ito magawang manalo because Warren is much more like a monster in business industry, and every people around him knows that.
You can now imagine what my life is. I left to become an independent woman. My brother Klause is the only one who's supporting me all this years. Minsan naaawa rin ako dito dahil palaging siya ang naiipit sa gitna. My mom also is trying to reach me but I choose to build a wall for her. Minsan nagsisisi ako kung bakit pati siya ay dinamay ko sa galit ko.
Pero kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon ay tila nabubuhay muli ang sakit na matagal ko nang gustong gamutin pero hindi man lang naghihilom ng kahit kaunti. It made me strong, but it didn't make me happy. Ang career ko na lang ngayon ng nagpapaikot ng mundo ko.
Finally, nakahinga na ako ng maluwag nang nakapagpark na ako sa building ng condo unit ko. I chose this place kasi ito na ang pinakamalapit na lugar papunta sa office ko, maybe eleven blocks away from it.
Tumunog ang sasakyan ko as a signal na nalock ko na ito. Naglakad na ako papuntang elevator dala ang ilang folders na kailangan kong i-review para sa mga upcoming hearings ko next month.
Sumulyap ako sa wrest watch ko. Pasado alas-dyes na pala. Wala nang masyadong tao sa labas maliban sa gwardyang nadaanan ko kanina na mukhang inaantok pa. Malapit ko nang marating ang elevator ng biglang nakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Agad akong lumingon pero wala akong nakitang tao. I have the feeling that someone is watching me kaya nagmasid pa ako sa paligid.
Pero, tanging mga nakaparadang sasakyan lang ang nakikita ko.
'Baka hindi yon tao?' Sabi ko sa sarili ko pero I immediately shook-off that thought. I don't believe in ghosts.
"I'm just being paranoid!" Bulong ko sa sarili ko tsaka tuluyan nang pumasok sa lift.
A warm bath is nice pag ganitong marami akong iniisip sa trabaho. I removed my robe tsaka tuluyang inilubog ang sarili ko sa maligamgam na tubig ng tub. I placed my phone on the side kung saan hindi ito mababasa.
Minsan kasi may mga tumatawag sa'kin na mga clients kapag ganitong oras kaya kailangang katabi ko ito. Nangungumusta rin minsan ang ilan sa mga kaibigan ko o di kaya ay si Klause.
Naalala ko bigla ang folder na ipinadala niya sa'kin. So I immediately dialed his number. Nakakadalawang ring pa lang ang phone nito'y sumagot na siya agad.
"Hi Sis." Bungad nito sa'kin. I even heard him sipping on his drink. Umiinom na naman itong magisa.
"Alone again Kuya? Kawawa ka naman." Biro ko pa rito na ikinatawa lang niya.
"Di mo kasi ako tinutulungang hanapan ng makakasama sa buhay dahil masyado kang babad sa career mo, Snowman." Pilyong sagot nito.
Sa lahat ng mga kapatid ko, siya lang ang magaan ang loob ko. Magkasunod kaming ipinanganak.
.
After Warren is Gabriella, followed by Klause and me as the youngest. I have a bad reputation among people who knows our family. They see me as the rebel who do things against the will of my parents. I'm greatly aware of that and I'm not ashame of it. They talk because they don't know the real story behind my acts.
Humans are naturally born like that, either you speak for yourself or not, may masasabi at masasabi pa rin sila sayo.
"HA-HA!" I sarcastically laugh. "Very funny Santa Klause! Ang sabihin mo hindi ka lang maka move on kay Miley. Tanda mo na Kuya, kaya mo na yan!" Narinig ko naman ang halakhak nito, direktang natamaan sa sinabi ko.
His fiancée, Miley Cassie Guevara broke-up with him a year ago at hanggang ngayon halatang hindi pa rin nakaka move on.
He sighed for a second bago ako nito kausapin muli.
"Nabasa mo na ang laman ng folders?" Pagbabago nito sa usapan which is okay with me dahil yon naman talaga ang rason ng pagtawag ko.
"Oo." I also sighed nang maalala iyon. "Ayaw ko sanang tingnan pero you know me, I'm always curious at almost everything. Bakit ba sa'kin napunta iyon?" I asked kahit may ideya na ako kung bakit.
"Alam mo naman siguro na it's the case 10 years ago." Narinig ko ang pagdadalawang isip sa boses niya nang banggitin niya iyon. Nahihiwatigan ko na kung saan papatungo ang usapang ito.
"Yeah. Iyong kasong involve si Kuya Warren dati." I answered and it brought thousand of painful memories in me.
"It's giving us problem now." Saglit akong natahimik bago inisip ang isasagot ko rito.
"If its about him then hindi ako ang kailangan niya para jan." I answered firmly. Swallowing a big lump on my throat para hindi pumiyok ng tuluyan ang boses ko. "Hindi ko nga alam kung paano ka nakakatiis sa poder nila. Palaging ikaw ang naiipit kapag may World War III ang dalawang yon." I remembered how I beg for their mercy but I was just answered coldly.
"Snow.." I can sense the plea in Klause's voice kaya tuluyan nang nahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad ko itong pinunasan tsaka huminga ng malalim. Masakit pa rin kahit matagal na panahon nang nangyari iyon.
"That case is already closed a very long time ago diba? I can still remember noong college pa ako kung saan nagkaundagaga sila kakahanap ng isang magaling na Attorney. Noong dumating ako 10 years ago, gustong-gusto kong i-re-open ang kaso para magbigay ng tamang hustisya pero walang nagbigay ng pukol sa'kin. Ikaw lang naman ang sumuporta sa'kin noon. At ngayong sumuko na ako at sinusubukan kong makalimot sasabihin nilang kailangan nila ako? Are they planning to torture me?" Sabi ko pa rito na ikinabuntong hininga niya na lang sa kabilang linya.
"Snow, calm down okay? It's not just about Kuya anymore. Its about all of us na ang kasong ito." Bigla akong napaayos ng upo sa bath tub sa sinabi ni kuya. Ano bang ibig sabihin niya?
"Sa'tin? Bakit pati tayo nadamay jan?"
"Someone had re-opened the case. Hanggang ngayon hindi pa namin nalalaman kung sino ang taong iyon."
"Kung ganoon bakit pati tayo nadamay doon?"
"It's been sending Kuya Warren some death threats, pati si Ate Gabriella at ako nakakatanggap na rin ng mga threat messages a couple of days ago." Natigilan ako ng dahil sa sinabi nito. "Snow, I want you to be very careful. The sender might be just around waiting for a great chance para isa-isahin tayo." Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. A flashback came back to me about the creepy random guy that I've seen earlier this evening.
"Snow? Are you still there?" Biglang nagising muli ang diwa ko sa nagaalalang boses ni kuya.
"Y-Yeah. Mag usap na lang tayo bukas about this matter." Sabi ko nang tuluyang umahon sa bath tub.
"Okay. Try to understand Kuya and the situation please Snow?"
"Yan ang rason kung bakit ako umalis eh. Napagod na akong umintindi." I answered while wearing my robe Habang ang phone ko'y nakaipit sa shoulder at taenga ko.
"Snow..." I heard the tone of Warning on his voice.
"Oo na Kuya Klause! Ang kulit mo! Gutom na ako! Sige na bye!" Narinig ko pang tumawa ito sa kabilang linya.
"Bye! Kumain ka ng maayos. Mukha ka ng kawayan." Biro pa nito bago tuluyang tinapos ang tawag.
Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin. My skin is always been paper white and pale. That's maybe why mom named me snow. Pero nasa lahi namin iyon. Even my siblings has paper white skins too.
When we were child they teased us like we are vampires and I'm not sure if its a compliment or not. I have a long dark hair and a light shade of chinky brown eyes with pale lips, a small pointy nose and small rounded face which sometimes makes me look younger than my age.
I sighed with my lifeless eyes.
Sinubukan kong isipin ang pabor na hinihingi sa'kin ni Kuya Klause. Kung hindi lang talaga sa kanya ay baka matagal ko ng itinapon sa basurahan ang folder na yon.
Tsaka paano kaya nagagawa ng taong iyon ang i-threat kaming magkakapatid? Lalo na si Warren. Hindi siya basta-bastang tao, matigas din ang puso nito. Mas worst ang pamamaraan niya sa namayapa naming Ama. At isa pa, hindi basta-basta ang kompanya namin-nila pala.
May hawak itong 5% ng yaman ng bansa pagdating sa negosyo. Kung security ang paguusapan, walang lusot ang mga death threats sa kanya, lalo na kay Ate Gab na super conscious na tao.
Tama nga siguro si Klause, hindi biro ang threat na'to. I may not care about the company, pero hindi ko maiaalis sa puso ko na kapatid ko parin sila.
Ang ikinakatakot ko ay ang kalagayan ni Kuya Klause, maluwag itong tao tulad ko. Ayaw niyang nakakuha ng atensyon. Simple siyang tao at lalong ayaw niyang laging pinagsisilbihan kaya ayaw niya ng madaming bantay sa kanya.
"This is going to be a mess.."
Bumuntong hininga na lang ako tsaka naisipang tumuwag ng magdedeliver sa'kin ng pagkain para sa dinner ko sana.
"Hello?" I said nang sagutin ito nang nasa kabilang linya.
"Yes ma'am?" Medjo nagtaka ako dahil mas malalim ang boses ng taong sumagot sa akin ngayon. Usually kasi babae ito at mas masigla ang boses. Pero dahil matagal ko nang gawain ang magpa deliver sa restaurant nila ay ipinagsawalang bahala ko na lang ito.
"This is Snow from Bldg. ***** sa Unit 323, magpapadeliver ako ulit. The usual."
"Okay ma'am. Thank you." Sagot naman ng lalaki sa kabilang linya. Pati ang way ng pagbaba nito ay ibang-iba sa pamamaraan ng restaurant na'yon.
I just shrugged-off the thought kaya naisipan ko nang lumabas ng banyo. Ngunit nasa pintuan pa lamang ako'y bigla akong nakarinig ng dalawang yabag ng mga paa sa may kusina. Magkadikit lang ang CR at kusina ko kaya di talaga malabong marinig ko ang mga maliliit na yabag mula roon.
Imposibling may ibang tao rito dahil ako lang ang nakatira sa Condo na ito. Wala ring ibang may alam sa pin code ng pintuan ko maging mga kaibigan ko dahil madalang ang mga bisita ko dahil sa pagiging abala kong tao.
Dali-dali naman akong lumabas ng banyo. At dahil madilim ay kinailangan ko pang pindutin ang swtich ng ilaw.
Bumungad sa'kin ang mapayapang itsura ng kusina ko. Mukhang guni-guni ko lamang ang narinig ko. Walang bakas na mayroong naligaw na nilalang rito.
Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya naisipan kong kumuha ng tubig sa fridge. I was about to open its door when a random game card had caught my eye. Kasama itong nakadikit sa mga resibo at bills na nilalagay ko sa harapan ng fridge ko.
Tuluyan akong natigilan. Biglang kumalabog ang puso ko. Dahan-dahan ko itong tinanggal sa pagkakadikit nito sa magnet pin ng fridge.
"An Ace of Spade? San galing to?" I said speaking to myself. Wala akong naalalang nagdala ako ng ganitong card.
Out of curiosity ay tiningnan ko ang likod nito. Halos kumawala ang puso ko nang mabasa ko ang nakasulat rito.
"SNOW." It's obviously my name, imprinted in a bold and italicized font.
Bigla nag flashback sa'kin ang mga binanggit sa'kin ni kuya about the 'Threats.'
Wala akong sinayang na oras. Agad akong tumakbo sa kwarto para hanapin ang licenced gun ko sa loob ng cabinet ko. Hindi guni-guni ang narinig kong yabag ng paa kanina.
Kung may naglalaro man sa akin, siguradong kanina pa ito nakapasok sa loob ng Condo ko.
"Sh*ts!" Nabulalas ko ng hindi ko mahanap ang baril ko.
Halos napatili ako ng biglang bumukas ang isa sa mga lampshade ko at the corner of my room.
The yellow lights of my lamp had revealed a man's, sitting pretty on my bedside table whom I've never seen before.
"Looking for this?" He said smirking as he playfully twirl my gun on his right hand.
"Sino ka?!" I said with fear and shock. "Anong kailangan mo sa'kin?" Sinubukan kong magtapang tapangan kahit ang tuhod koy halos nanghihina na dahil sa kaba.
"I'm your delivery man ma'am! I figured hindi ka kumakain kaya dinamihan ko na binili ko just for you." He said referring to the box of food na nakalapag sa kama ko.
"Gaano ka na katagal na nandito?" Tanong ko pa rito habang dahan-dahan na umaatras papunta sanang kusina kung saan naiwan ko ang phone ko.
"Not so fast Attorney Snow." Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang itutok niya sa direksyon ko ang sarili kong baril.
"Hindi mo gugustuhing tumagos sa'yo ang sarili mong bala." He's voice is determined. Hindi ko mapigilan ang mapapikit nang hilahin nito ang gantilyo ng baril.
If this is my end. So it shall be. I am not afraid to die, but I didn't expect that death could come to me in a stranger mans' hand.
- END OF EP. 1