Nagising si Tahti sa pakiramdam na may malambot na bagay ang dumadampi sa kamay niya. Umungol siya at iminulat ang mga mata. Ang seryosong mukha kaagad ni Wolfe ang tumambad sa kanyang paningin. May hawak itong bimpo, at pinupunasan nito ang kamay niya. Napalingap siya sa paligid. Nasa loob siya ng kanyang pribadong kuwarto. “A-ano ang nangyari kagabi?” Napaigik siya nang biglang gumuhit ang matalas na kirot sa kanyang sentido. Animo pumupulso ang mga ugat niya. Napabuntong-hininga si Wolfe. He clicked his tongue. “You got drunk last night. Too drunk.” Nasapo niya ang ulo. “Ha? Nalasing ako?” Ipinikit niya ang mga mata nang biglang bumuhos ang putul-putol na alaala ng mga eksenang naganap sa pagitan nila ng asawa habang nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak. Namilog ang mga mata

