CHAPTER 1
“I need a wife.”
Iyon ang mga katagang nanulas mula sa mga labi ni Wolfe Virelli, Chairman at CEO ng Farkas Apex—isang giant multinational investment company na kilala sa buong mundo. Napuno ng baritonong boses niya ang loob ng obsidian black na Mercedes-Maybach.
Nakakaintimida ang pagiging mahinahon ng binata. Itinulak niya pabukas ang pinto ng sasakyan at lumapat ang ilalim ng suot niyang leather na sapatos sa sementadong daan. Tonight, he wore a tailored black formal suit. An expensive watch glimmered on his wrist. Walang kapares ang lakas ng presensiya ni Wolfe Virelli. It was as if he existed for people to bow at his feet. Lalo na ngayong matikas siyang nakatayo at tila backdrop sa likuran niya ang itim na kalangitang napapalamutian ng mga maningning na tala.
He’s thirty-five years old.
Six feet five inches tall.
Half Filipino and half Italian.
Wolfe had sharp, aristocratic features—straight, prominent nose; sculpted cheekbones; and strong jawline. Matalas kung tumitig ang mga mata niyang palaging puno ng intensidad.
Tumuwid siya ng tayo at suot ang seryoso at pormal na anyo ng mestizo niyang mukha ay minasdan niya ang may tatlong palapag na gusali sa kanyang harapan.
Nocturne.
It’s a high-end bar reserved for the elite, and he was a joint owner. The other owner was his half-brother. Ang kapatid niya sa ina—si Malcolm Ferragamo. Mga maimpluwensiya at makapangyarihang tao sa lipunan lang ang maaaring pumasok sa loob niyon maliban na lang sa mga empleyadong maingat na dumaan sa mahigpit na proseso ng pagpili sa mga kwalipikadong aplikante. Ang Nocturne ay protektado ng Kratos—ang pinangingilagang organisasyon ng Mafia. Kaya naman ang lahat ng mga nagtatrabaho roon ay may nilagdaang mga dokumento tungkol sa Non-Disclosure, Confidentiality, at Client Privacy Protection.
Tumikhim si Jago na nakatayo sa likuran niya. Galing din ito sa loob ng sasakyan. Nakaupo ito kanina sa unahang upuan. He was his right-hand man. Ito ang kasama niya palagi at ang taong pinagkakatiwalaan niya. Wolfe never trusted anyone without reason, but Jago had already taken a bullet for him before.
“Ang mga impormasyon ng mga babaeng posibleng maging asawa mo ay nasa pribadong silid na ng Nocturne,” pagbibigay-alam sa kanya ni Jago.
Tumango si Wolfe.
He had no need for a real wife. He only needed a wife on paper.
A c*ntract wife.
Pumintig ang ugat sa sentido ni Wolfe nang maalala ang inheritance clause sa last will ni Signora Wilhelmina, ang kanyang nonna cara.
‘My grandson, Wolfe Virelli, shall be entitled to inherit the thirty-five percent shares in Farkas Apex that originally belonged to me, provided he meets the following conditions: (1) That he must be legally married by the age of thirty-five, before his thirty-sixth birthday, and (2) The marriage must remain legally effective for a minimum duration of one year. Should my grandson fail to fulfill these conditions, the thirty-five percent shares shall be irrevocably transferred to a charitable trust.’
Gumalaw ang linya ng panga ni Wolfe. Kahit sumakabilang-buhay na ay nakahanap pa rin ng paraan ang kanyang lola upang manipulahin siya.
He already owned thirty percent of the shares, but it was not enough for absolute control. Gusto niyang nasa mga kamay niya ang kabuuang kontrol at sakdal na kapangyarihan. Isa pa, kapag napunta sa charitable trust ang shares ng lola niya ay hindi na niya mababawi iyon.
“Where are the women?” tanong niya kay Jago, walang maririnig ni katiting na interes sa boses niya.
“Nasa aquarium na po, Sir,” sagot ni Jago.
Ang aquarium ay tila display room kung saan ang mga pader ay gawa sa matibay na salamin. It’s a one-way glass. Ang mga tao sa loob ay hindi nakikita ang mga tao sa labas, pero ang mga nasa labas ay malinaw na nakikita ang mga nasa loob.
“Sir, ayaw mo na lang bang kumuha ng babaeng dati mo nang kakilala at mapagkakatiwalaan mo?” tanong ni Jago sa kanya.
“I don’t want someone familiar and I don't trust easily. Alam mo iyan,” tipid niyang tugon. Wala na siyang balak na ipaliwanag pa nang husto ang dahilan niya. Iyon na iyon.
“Noted, Sir,” sambit ni Jago.
Pagpasok nila sa loob ng Nocturne ay tumambad kaagad sa kanila ang mga kristal na aranyang nakalawit sa kisame. Nagsasabog ang mga iyon ng gintong liwanag sa kabuuan ng lugar. Tiyak ang bawat hakbang ni Wolfe patungo sa pribadong silid. Doon siya pipili ng babaeng kokontratahin niyang maging asawa sa loob ng isang taon.
Hindi niya puwedeng gawin ang transaksiyon na iyon sa ibang lugar. Nocturne was the best place to find a c*ntract wife and discuss the terms of the deal. Doon ay tikom ang bibig ng mga tao, at nakapinid ang tainga ng mga ito.
Habang nasa mahabang pasilyo ay biglang nasuspende ang paggalaw ng mga paa niya. Huminto siya sa paglalakad nang sa gilid ng kanyang mga mata ay may mahagip siyang pigura. Lumingap siya sa dako ng babae. A young woman. Barely legal maybe. Batang-bata pa at suot ang opisyal na uniporme ng Nocturne. Nakatingala ito sa lalaking may edad na hula niya ay bisor nito.
“Parang-awa mo na, Boss, kailangang-kailangan ko lang talaga ng pera ngayon. Babayarin ko rin kaagad,” sumamo ng babae. Naglalandas sa namumula nitong pisngi ang mga luha nito.
Pumalatak ang kausap. “Paano mo nga babayaran? Ang dami mo nang utang, ah?”
Naisubsob ng babae ang mukha sa nanginginig nitong mga palad. “P-pasensiya na po. Pero gagawa po ako ng paraan para mabayaran ka agad, Boss.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Wolfe. Ipinilig niya ang ulo at inignora ang babae. Muli niyang itinuon ang tingin sa direksiyon ng pribadong silid. Pahakbang na sana uli siya nang muling nagsumiksik sa tainga niya ang malamyos na tinig ng dalaga.
“Boss, parang-awa mo na, handa po akong gawin ang kahit na anong ipapagawa n’yo sa akin.”
“Kahit ano?” paniniyak ng bisor.
“Opo.”
A vein throbbed on Wolfe’s temple. He hated how easily the woman’s soft and pleading voice distracted him. Hindi niya magawang ituloy ang paglalakad. Kilala siyang hindi nagbibigay ng pangalawang tingin sa kahit na sino. Not once had he given a woman a second glance.
Kaya nang muli niyang tingnan ang babae ay nahigit ni Jago ang paghinga nito. Nagulat ito sa muli niyang pagtitig sa dalaga. And he didn’t just look at her twice, but his intense gaze lingered on her longer than normal too.
“Sir, kilala n’yo po ba ang babaeng iyan?” Hindi na napigilan ni Jago na isatinig ang katanungang naglalaro sa loob ng utak nito.
Seryoso lang siyang umiling. “No, but I want you to find out who she is,” utos niya kay Jago. “Run a quick background check on her,” dugtong pa niya.
Alistong tumango ang tauhan niya.
Puwersahan na niyang pinilas ang matiim na pagkakatitig niya sa dalaga. Sa loob ng pribadong silid ay kaagad siyang naupo sa magarang sofa. Sa harapan niya ay nandoon ang pabilog na mesa kung saan nakalatag ang mga dokumento. Ang nilalaman ng mga iyon ay impormasyon ng mga babaeng posible niyang maging asawa.
Kuminang ang signet ring na may imahe ng itim na lobo sa pinakagitna na nasa kanyang daliri nang tamaan iyon ng ilaw mula sa kisame habang hawak niya ang mga dokumento.
Ang mga babaeng nasa mga litratong nakahain sa harapan niya ay maganda, matangkad, sopistikada, at galing sa maayos na pamilya.
Yet, he felt nothing.
Ganoon naman palagi. Hindi siya interesado. Umangat ang nababagot niyang mga mata at dumako sa aquarium. Hinayon niya ng tingin ang limang babaeng tila produktong inaalok sa kanya. In his cold and indifferent eyes, those women were no different from expensive jewelry displayed behind glass.
“May napili ka ba sa kanila, Sir?” tanong sa kanya ni Jago.
Walang nakuhang sagot sa kanya ang tauhan. Batid na kaagad nitong wala siyang nagustuhan sa mga babaeng nasa aquarium.
“Send them away,” malamig niyang wika. Patalikod na sana siya nang biglang bumukas ang pinto sa gilid ng aquarium at may babaeng itinulak papasok.
Kumalam ang linya ng panga ni Wolfe Virelli, umigting iyon at pumulso, habang ang mga mata niya ay napako sa babae.
It was her—the young woman from the hallway.
Ito iyong dalagang umiiyak kanina at nagmamakaawa sa bisor nito, nanghihiram ng pera. Ano ang ginagawa nito sa loob ng aquarium? Kung ang limang naunang babae ay nakasuot ng mamahaling mga damit, ang inosenteng dalaga ay nakasuot lang ng puting bestida. And heaven help his mind, but he saw her as a virgin offered for sacrifice. Ganoon ang tingin niya rito ngayon, lalo na at tila ito walang muwang sa suot nitong malinis na puting bestida. Walang manggas iyon kaya litaw ang makinis nitong mga balikat at mga braso. Kaninang naka-uniporme ito ay napalingon na siya rito, ngayong naka-bestida ito ay halos hindi na mapunit ang matiim niyang pagkakatitig dito.
Alam niyang mula sa kinaroroonan nito ay hindi siya nito nakikita, subalit nang hindi sinasadyang mapadaan ang tingin nito sa dakong kinatatayuan niya ay nanigas ang kanyang likod.
“F*ck,” he cursed in a coarse, low growl. His jaw clenching and unclenching.
Maang na napasunod lang ang tingin ni Jago sa dalagang walang kaalam-alam na nakuha na pala nito ang atensiyon ng isang Wolfe Virelli.
Napabuga ng hangin si Wolfe, titig na titig pa rin sa dalaga. “Tell me more about her,” aniya kay Jago. Alam niya na nang i-utos niya kanina rito na imbestigahan ang babae ay k-in-ontact na kaagad nito ang Private Intelligence Unit na nagtatrabaho para sa kanya.
“Tahti Veraluna ang pangalan niya. Eighteen. Wala nang mga magulang. May nakababatang kapatid na babae na naaksidente at ngayon ay comatose sa ospital. Ang kapatid niya ang dahilan kung bakit desperado siyang manghiram ng pera, na para sa medikal na gastusin. Ang totoo ay hindi niya talaga kadugo ang bata, pero dahil sa pamilya na nila lumaki ay itinuring na niyang parang tunay na kapatid. Gusto n’yo po bang kalkalin ko pa ang tungkol sa mga miyembro ng pamilya ni Ms. Veraluna?”
“No need.” He exhaled sharply. “Ano nga ulit ang binanggit mong edad niya?”
“Eighteen, Sir.”
“Eighteen, tsk.” Napabuga siya ng hangin. Ang laki ng agwat ng edad niya rito. Nagdadalawang-isip siya.
“Magiging asawa mo lang naman sa papel, hindi ba, Sir?” paniniyak ni Jago.
Tumango siya.
“Kung ganoon ay walang problema. Kung si Ms. Tahti Veraluna ang pipiliin mong maging asawa ay makatitiyak ka na hindi siya sisira sa kasunduan, dahil may itinuturing siyang kapatid na kailangang protektahan. Hindi siya gagawa ng bagay na ikakagalit mo at mapapasunod mo siya sa lahat ng gusto mo.”
Sabagay, may punto si Jago. Besides, he won’t touch her—won’t even f*ck her. Ang nakapaloob sa kontrata ay sa papel lang sila mag-asawa. Wala itong obligasyong punan ang pisikal niyang pangangailangan. Wala siyang plano na ipakilala ito sa publiko. Ang legal na dokumento lang ang kailangan niya para lehitimo nang mailipat sa kanya ang shares ng kanyang namayapang nonna cara na umaabot sa treinta y cinco porsiyento.
Makaraan ang ilang minuto ay nagawa niya ring maabot ang pinal na kapasyahan. Minasdan niya ulit ang dalaga na nakasiksik sa dahon ng pinto at halos ayaw i-angat ang ulo nito. Nagningas ang kakaibang apoy sa mga mata ni Wolfe Virelli.
“I want her.”