RED TWO

696 Words
Ala ona palang ay inayos na ng dalaga ang kanyang mga gamit ng masigurado nyang ayos na ang lahat tyaka sya bumaba ng hagdan ng dahan dahan, kahit masakit ang katawan nya at alam nyang madami siyang pasa hindi nya ito ininda at lumbas ng bahay at papunta sa bahay nina aling rema na hindi naman kalayo sa bahay nila . Sasama s'ya sa matanda , alam nyang mali ang kanyang gagawin pero sigurado na sya dito . Bit-bit ang isang tilang may mga damit nya sa loob maingat na binuksan ng dalaga ang pintoan ng bahay nila madilim sa labas ng makalabas siya kaylangan nyang magmadali baka may makakita sa kanya at isumbong sya sa kanyang inay. Nangmalapit na sya sa bahay nina aling rema may nakita siyang bulto ng isang tao sa di kalayuan sa kanyang kinatatayoan hindi makakilos ang dalaga ng makita ng papalapit sa pwesto nya ang nasasabing bulto nito madilim sa kanyang kinatatayoan ng dalaga ,pero kitang kita nya na papalapit ito batay nadin sa ilaw na nagmula sa buwan . Grabi ang kaba ng dalaga at pawis na pawis na din ang noo nito kaya bago makalapit ang bulto ng isang tao sa kinaroroonan niya nag tago siya sa isang medyo kalakihang bato na medyo malayo sa kanya buong lakas niya tinakbo ito at nag tago doon . Malakas na kabog ng kanyang dibdib lamang ang maririnig nya at pinikit ang mga mata at nag dadasal na sana hindi siya makita sa tinatagoan niya . Laking pasasalamat ng dalaga ng makitang papalayo na ang bulto ng taong nakita niya kanina kaya tumayo ang dalaga at pinagpatuloy ang paglalakad nya sa bahay ng kanyang pakay . Kumatok ng makailang beses ang dalaga at tinitignan ang paligid baka may makakita sa kanya , ilang oras lamang na kita na ang ilaw na nangaling sa isang flashlight . " sino yan ? " " nay rema ako po ito si alex pagbuksan niyo po ako " Nataranta naman ang matanda ng malaman ang dalaga pala ang nasa labas kaya dali-dali nyang binuksan ang pinto at ipinasok ang dalaga. " halika ka dito ka ma upo ka mona dyan " Ang sabi ng matanda sa dalaga na ngayon ay habol na habol parin ang hininga dahil sa pinagsamang kaba at paglakad at takbo nya kanina ng mabilis . " salamat po nay rema " " Sandali at kukuha ako ng tubig " dali-dali naman pumunta ang matanda sa isang maliit na lamesa at kumuha ng tubig sa isang petsel at binigay ito sa dalaga . " Ito inomin mo muna " tinaggap naman ng dalaga at agad na ininom . " salamat at dahil tinanggap mo ang alok ko sayo" " nay, ako dapat ang mag pasasalmat kasi hindi n'yo po ako pinabayaan , pero nay baka maging pabigat lang po ako sa inyu wala po akong alam sa lugar na pupuntahan natin hindi din ako nakapagtapos ng pag-aaral " iniisip palang ng dalaga na lumayu sa lugar ng kanyang kinalakihan at pupunta sa lugar na wala namang syang alam ay natatakot sya . " ijha , kung ang kinababahala mo ay dahil maging pabigat ka sakin hindi ko na inintindi yun ang mahalaga ay makalayo ka dito wag kang matakot andito ako hindi kita pababayaan " naramdaman naman ng dalaga ang pag-alala ng matanda sa kanya. Ksinawalang bahala na lamang ang mga agam-agam sa utak nya ang importanti sa kanya ay ang maka alis sa lugar . ________ Wala pang alas tre's ng umalis na sila papunta bus station na kung saan maiiwan ng Dalaga ang dati nyang buhay at kinagisnan nyang Ina . " sana patawin nyo po ako inay kung nagawa ko po ito sa inyo ako po ay gusto lamang makaalis sa inyong kalupitan wala po akong sama ng loob sa inyo kundi dadalhin ko po ang alaala na naging mabuting ina din kayo sa akin dahil kayo ang nagkopkop at nagbigay ng buhay sa akin kahit hindi tayo'y magkadugo .Inay mahal ko kayo wag po kayong mag-alala babalikan ko po kayo sa takdang panahon" Huling mga salita ng dalaga sa kanyang Isip bago ito bumyahe pa puntang maynila .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD