RED ONE

1028 Words
Mula sa malayong lugar ng probinsyang Hermosa na kung saan nakatira ang isang dalagang na pinangalanang Alexandra Santos o mas tinatawag na Alex sya ay isang ulilang lubos inampon na lamang sya ng kakilala ng nanay nya noon o sabihin na nating malapit na kaibigan ng nanay niya. Ayon sa kwento ng umapon sa kanya na diumano bago malagotan ng hininga ang nanay nito bago sya pinanganak pinagkatiwala raw sya dito at hindi din nya alam kung saan ang tatay nito dahil wala namang na banggit ang nanay nito bago mabawian ng buhay, akala ng dalaga nang magkamuwang sya mundong na kanyang ginagisnan ay hindi na nya dadanasin ang kalupitan ng mundo at kalupitan ng taong umampon sa kanya . Mula pagkabata hanggang naging bente dos na ito nararanas niya padin ang pagbuhatan ng kamay ng taong akala n'yang mamahalin sya ng lubos . Siya lahat ang gumawa ng gawing bahay suma-sideline din siya paglalaba para may extra siyang kikitain at pagbibinta ng gulay sa palengke ang ginagawa nya araw araw para lang matostosan ang bigas at ulam nilang dalawa ng kanyang ina. dahil mula pagkabata mulat na ito na hindi sya pwedeng walang dalang sentemo o pera na maibibigay dito . Pag wala s'yang naibigay dito ay matitikman nya ang kaliputitan nito kaya kahit pagod sa araw araw n'yang gawain ay pinagbubuti nya ang kanyang pagtatrabaho kahit pa't wala na syang makain minsan. Kasi na pupunta na lahat sa nanay nya ang kinikita nitong pera. "bakit ito lang!!? asan nayong iba mo pang kinita?" alas syete na ng gabi ng makauwi ang dalaga galing sa pagtitinda nito ng gulay sa palengke, pawisan ang noo at pagod ma pagod. Nilalakad lang nya kasi kahit malayo para makatipid sa pamasahe hindi naman sya takot kasi madami namang tao ang nakakasama nyang maglakad papunta sa kanilang lugar . Ang iba sa dito kakilala nya o di kaya kapitbahay lang din kaya di sya nababahala . " y-yan lang po ang kinita ko inay k-asi po matumal po ang bilihin k-kanina kaya hindi po g-gaano na benta ang mga g-gulay na benebenta ko t-tapos sa p-paglala--- " *pak* Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng dalaga kung saan napaupo ito sa di-sementadong lapag nila kung baga isa lang ito lupa at isang dalawang hagdanan na kung saan ang isang hagdanan sa kaliwa sa kwarto ng dalaga at ang isa sa kanan naman kwarto ng nanay nya ang kanilang bahay na gawa sa kawayan. " wag mo nga akong pinaglulukong bata ka asan na? pag hindi mo binigay ang kalahati ng kinita mo , malalagot kasa akin " kumuha ng sinturon ng Ina ng dalaga at pinulupotlupot ito sa kamao nya at iniwan ang kalahati nito at kahit anong oras pwede nyang ihampas sa dalaga. Takot naman ang namumutawi sa mukha ng dalaga . " i-inay t-totoo po a-ang s-inasabi ko I-inay . m-naniwala k-ka p-po sa a-akin y-yan l-lang po t-talaga ang- " "i-inay m-masakit po t-tama na po i-inay" hindi na nataps ni alex ang kanyang sinabe dahil hinampas na sya ng sinturon sa likod na halos maubosan ng hininga ang dalaga dahil sa sobrang sakit at hapdi nito . Ilang beses ginawa ang paghampas sa kanya iyak lang ng iyak ang ginawa ng dalaga at sanggahin lahat ng palo nito. " itong tatandaan mong babae ka !!! " hinawakan naman ng mahigpit ang buhok nya na parang matatangal ang anit nito. " pagnaulit pa 'tong ka g*g*han mo hindi lang yan aabotin mo naiintindihan mo? kung di dahil sakin hindi ka mabybuhay tandaan mo yan " Tumango naman ag dalaga at binitiwan na ang buhok nito at umalis agad palabas ng bahay at pupunta sa kung saan. Iyak at hikbi lamang ng dalaga maririnig mo sa apat sa sulok ng kanilang tirahan . Kahit hindi mo tignan sa labas ng bahay nila ay mga taong nakiki-usisa sa kalagayan ng dalaga . Pumasok naman ang isang may katandaang babae ang kapitbahay nila si Aleng Rema o mas tinatawag na nay rema ng karamihan. Si aleng rema ang tumutulong sa dalaga pag wala ang nanay nito sa bahay nila tulad ng binigyan ng pagkain ito at minsan binibigyan pa ng pera para may pang bili para sa kanyang sarili . Tinolongan nyang makatayo ang dalaga at pinaupo sa di kawayang upoan nila at kumuha ng tubig . " ito inumin mo mona to anak " kinuha naman ng dalaga ang inaalok na tubig sa kanya halos hindi nya malunok ang inuming tubig dahil sa hapdi ng ulo nya at paghikbi nito . " napakawalang kwenta talaga yang nanay mo bakit hindi sya magtrabaho sa sarili nya at lustahin lahat ng perang pinaghirapan nya na hindi ikaw yong nag dudosa ng ganyan. dahil sa kalupitan , ikaw na nga nagtatrabaho pero sya nag susugal , umiinom. Nanggigil talaga ako dyan sa nanay mo " hindi naman alam ng dalaga kung ano ang kanyang sasabihin . Naiintindihan naman nya bakit ganon ang reaction ng matanda sa kanya tinuring kasi nya nito parang isang tunay na anak. " magpahinga kana at bukas na bukas alas tre's palang ng umaga isasama kita papuntang maynila doon tayo manirahan sa bahay ng kapatid ko " tumingin naman ang dalaga dito dahil sa kanyang narinig iniisip nya palang aalis sa lugar nato parang hindi nya kakayanin at maslalong iwanan mag-isa ang kanyang ina. Kahit na hindi maganda ang ginagawa nya dito hindi rin naman maganda na iiwan nya lang 'to ng basta basta . " n-nay rema n-naiintindihan ko po ang iyong gusto pero hindi po kakayanin ng k-konsensya ko na iwan si inay d-dito s-sya na lang po ang natitira sa akin " " sana pag-isipan mo itong Inaalok ko sayo kasi para to sa kapakanan mo sana piliin mo naman ang sarili mo hindi lagi ang nanay mo na lagi ka na lang sinasaktan. "Tama na yung pagdudusa mo dahil sa kalupitan ng ginagawa nya sayo anak sana,sana pag-isipan mo ito anak . " huling sabi ng matanda bago ito mag pa alam na umalis. Hanggang sa pagtulog iniisip parin ng dalaga ang sinabi ng matanda sa kanya hanggang sa dalawin sya ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD