bc

Here Comes The Bride ; Book 1 Rean A Bride TO Be

book_age18+
43
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
sweet
pack
love at the first sight
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Every girl dream walking in an aisle while looking at her groom with pride.

Exchanging vows and I do's in front of people they love.

Hearing them cheer, wishing them all the best in their journey of life.

For eternity embracing hope and dreams 'til the end and beyond.

Si Rean na tinakbuhan ang lalaking itinakda ng mga magulang na ipakasal sa kanya. Higit na pinili nito si Myla sa inaakalang ito ang mahal niya at dito siya mas liligaya.

Si Emil na walang tigil na nagmamahal kay Rean sa kabila ng naririnig na ginamit lamang ito para mapagtakpan ni Rean ang tunay na kasarian.

Mababawi pa kaya nito si Rean na nagtatago sa kanya?

Magkakaroon din kaya sila ng tinatawag na happy weeding ending?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
chapter 1 "KASAL?!" bulalas ni Rean sa kabiglaanan. Kulang ang sabihing tinakluban siya ng langit at lupa sa ibig mangyari ng mga magulang. Dahil kapag siya ay ikinasal sa isang lalaki kikidlat ang langit at lalamunin siya nang buong-buo ng lupa! Ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap na magsuot ng bestida! A bridal gown pa kaya? Ano na lang ang mangyayari sa magandang image niya? Este pogi image pala!? "No! No! No! No! A big no no!" umiiling habang nakataas ang point finger niya na tumatanggi sa harapan ng daddy at mommy niya. "Paano na lang si Myla?" aniya sa isip pagkaalala sa girlfriend. "No way!" "Rean--?!" may banta sa boses ng daddy niya. "Dad! Mom! Naman! Dinidiktahan niyo ako sa gusto kong gawin sa buhay ko since I was a kid! Hanggang ngayon ba naman? Binata na ako! Este dalaga pala!" pagtatama niya. Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang na may pagka-tomboy siya ayon na rin sa nakikita ng mga ito sa paggalaw niya at pananamit. "Huwag kang patawa Rean! We're not joking here!" ang daddy niya ulit. "At isa pa iyan sa dahilan kung bakit gusto ka naming ipakasal kay Emil. Hindi ko pinangarap ang magka-anak ng tomboy!" may diin sa boses na bigkas ng ama. "He's a good man and a much more responsible! Kaya siya ang napili ko na mapapangasawa mo." "Iyon na nga dad eh! Napili mo! Hindi ako?" sagot niya sa ama na kulang na lang ay magpapadyak siya sa inis. "Mom?" ang nagpapasaklolong baling niya sa ina. Ni minsan ay wala siyang matandaan na kinampihan siya ng ina. Laging sunod-sunuran ito sa kanyang ama na bagay na ayaw niya sa ugali ng kanyang mommy. Masyado nitong mahal ang kanyang daddy na hindi na nakakapagdesisyon sa sarili nito. Kaya naisip niya minsan kung arrange marriage ba ang nangyari sa daddy at mommy niya? "Rean anak, sundin mo na lang ang gusto ng daddy mo? Para din naman sa kabutihan mo iyon?" mahinahong pagpapaunawa ng mommy niya sa kanya. "Nagpasaklolo ka pa?" kastigo niya sa sarili. Alam na niyang iyon ang sasabihin ng ina pero nagbakasali siya. Baka this time ay maipagtanggol na siya nito sa daddy niya. "Emil and his family will be here tomorrow para mamanhikan! You better behave Rean?" banta ng ama bago lumabas ng silid niya. "Rean, please anak" pagsusumamo ng mommy niya. "Mom, you know how much I love you both ni daddy. Please mom! Huwag mong hayaang makasal ako sa Emil na iyon! Ni hindi ko nga kilala kong sinong may balbas iyon?" "I assure you baby, walang balbas si Emil. And his handsome! Bagay kayo!" paninigurado ng ina na muntikan ng matawa sa ipinaratang niya. "Eww!" napangiwing reaksyon niya sa sinabi ng ina na bagay sila. Hindi yata niya ma-imagine na siya? Babagay sa Emil na iyon? Baka nga wala pa iyon sa kalingkingan ng kapogian niya? "Mas gwapo pa sa akin mom?" Alam ng mommy niya ang tunay niyang kasarian dahil inamin niya iyon sa ina na nang una ay hindi ito kumbinsido at hindi siya pinaniwalaan dahil sa umano'y perpektong hubog ng katawan niya bilang babae at isama pa ang magandang mukha na may maputi at makinis na kutis. Sino ang makakapagsabing isa siyang tomboy? Ngunit alam niya sa sarili kung sino talaga siya! At kung ano talaga ang gusto niya! "Wala nang gaganda pa sa iyo sa paningin ko Rean!" tugon ng mommy niya. "Your my princess and always be!" sabay halik sa pisngi niya at tumalikod. "Prepare for tomorrow! It's your big day!" pahabol ng ina bago tuluyang lumabas."This can't be happening!" sigaw ng isip niya ng mapag-isa na lang sa sariling silid. Hindi siya papayag sa kagustuhan ng mga magulang. Not this time! Gagawa siya ng paraan kung paano makakatakas sa sitwasyong ipapasuong ng mga ito sa kanya! Kahit hindi makatulog ay pinilit niyang ipikit ang mga mata nang gabing iyon. Ika nga magpapa-beauty rest siya! Kailangang pogi este maganda siyang haharap bukas sa balbasong Emil na iyon! Kung sino man siya! Babalatan niya ito ng buhay hanggang sa ito na mismo ang uurong sa magiging arrange marriage nila. "Good morning my princess!" masiglang bati ng mommy niya nang maabutan ito sa kusina. "Hindi ka ba nakatulog kagabi? Natural lang iyan anak! I felt the same way too nang sinabi ng lolo at lola mo noon na darating ang daddy mo kasama ang mga magulang niya para mamanhikan" patuloy ng ina habang papalapit sa kanya. "Magbihis ka na, maya-maya lang nandito na ang mag-aayos sayo." "What?" tanging nasabi niya sa haba ng talumpati ng kanyang mommy. Wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito marahil dahil bangag siya sa walang tulog sa kakaisip kung paanong hindi matuloy ang kasal na ipinilano ng mga magulang sa kanya. Akalain ba niyang iniisip ng mommy niyang excited siya? "You got it all wrong, mom!" gusto niyang isigaw pero nagpigil siya. "Nasaan po si daddy?" sa halip ay tanong niya sa ina na ngayo'y abala sa paghahanda ng breakfast nilang dalawa. "May pinuntahan at inaasikaso lang saglit. Babalik ang daddy mo bago magsidatingan ang mga bisita" tugon ng ina na ikinabigla niya. "Bakit may bisita?" "As well announcement of your wedding! Isn't it great? Sa iisang event na lang?" "Wedding?" nagsalpukan ang mga kilay na ulit niya. "Kagabi lang ang sabi niyo ni daddy mamanhikan pa lang! Bakit ngayon may announcement na ng kasal? Hindi kaya bukas ay honeymoon na?" sarkastiko niyang wika. "Kasi naisip ng daddy mo kagabi bakit pa patatagalin kung doon din naman ang tungo ng lahat?" tugon ng mommy niyang tila hindi ramdam ang malaking pagtutol niya. "Naisip?" ulit niyang sa pagkakataong ito ay galit na siya. "Naisip niyo man lang ba ni daddy ang maaring maramdaman ko?" sumbat na niya sa ina sabay takbo pabalik sa kanyang kwarto at pabalibag na isinara ang pinto. "Where you're going?" nagtatakang tanong ng mommy niya ng sundan siya nito sa kanyang silid. Naabutan siya ng ina na nakabihis at paalis nang mapasukan nito sa kwarto. "Away mom" wala sa sariling sagot niya at nilagpasan ang ina. "Reana!" habol na tawag muli ng mommy niya nang hindi niya ito nililingon. "Just for a few hours mom! Can I have it for myself? Some space?" Tila nauunawaang napatango na rin ang mommy niya at hindi na nakipagtalo pa sa kanya. "Babalik po ako. Hindi ko kayo ipapahiya ni daddy" paniniguro niya at tinalikuran na ang ina. LIHIM namang nagdiriwang si Emil sa nalamang kasunduan ng mga magulang sa pamilya de Castro. Noon pa man ay may lihim na itong pagtingin kay Reana. Kaya naman nang sabihin ng papa at mama nitong ipapakasal siya sa dalaga ay walang pagtutol na namutawi sa bibig nito. He was 12 then nang unang makita ang 5 taon na si Reana. Isang super cute, and lovely, chubby na bata. Tanda pa ng binata kung gaano ito kabibo na umaabot sa kasutilan. Dahil sa pitong taon ang agwat ni Emil kay Reana ay nagkasya na lamang sa pagsubaybay ang una. Buong akala ng binata ay infatuation lamang ang naramdaman niya rito ngunit lalo lamang itong umuusbong habang nagbibinata siya at nagdadalaga naman si Reana. Maging nang umabot dito ang balitang naging tomboy ang lihim nitong itinatangi ay hindi man lang nakabawas sa pagtingin niya rito. Kaya nasisiguro ni Emil sa sarili na si Reana ang babaeng nais nitong makapareha sa buhay. Ang babaeng makakaagapay niya sa pagbuo ng pinapangarap na pamilya. Mahal niya si Reana mula noon magpahanggang ngayon. Wala siyang pakialam kung anuman ang kasarian ni Reana sa paningin ng iba. Ang alam lang niya isang babaeng dapat na iharap sa dambana si Reana. At siya, si Emilio Nuevo, isang matagumpay na inhenyero sa edad na 30, ay pakakasalan si Reana de Castro sa simbahan. Sa harap ng mga taong mahal nila sa buhay, mga kaibigan, at kamag-anakan. "Ready, son?" untag ni mr Nuevo sa anak. "Do I look good dad? Hindi ko ba kayo mapapahiya?" tugon naman ni Emil na sinipat ang sarili. "Looking good and handsome son!" may pagmamalaking taas ang noong sagot ng ama ng binata. "But, where's mom?" aniya nang mapunang hindi pa ito lumalabas mula sa kwarto. "Coming coming!" ani mrs Nuevo na napapalatak nang tumingin sa mag-ama nito. "You both are handsome!" "Thanks mom! Pero hindi ba masyado pa tayong maaga?" akay nito sa ina papunta sa nakapark nang kotse ng daddy nito. "Just in time son!" sabay tapik sa balikat sa kanya ng ama. Nang makasakay na ang mama niya ay umibis na rin siya sa sariling kotse nito at bago pinaandar iyon ay abot-abot ang panalangin niya na sana hindi siya tanggihan ni Reana.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
20.2K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
557.5K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
787.1K
bc

The Lone Alpha

read
123.2K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook