Ika-tatlongpu't Dalawang Sulyap "Sira ulo ka talaga!" sabi ko sabay tawa ng tawa sa sinabi ni Erick. At mukhang nagbibiro rin siya kaya siya tumawa. Ang nakakainis lang talaga sa lalaking 'to masyadong malakas humagod ng mga salita. Masyadong magaling magpa-fall. Mabuti na lang at sanay na ko sa mga pa-ganon-ganon niya. "Eh 'di napatawa rin kita." Sabi niya. Kahit na napansin kong halos ipinipilit niya na lang yung ibang tawa niya. Hindi ko na pinansin 'yon at ibinaling na lang sa labas. Ilang minuto lang saka kami nakarating na sa tapat ng bahay. "Hindi ka na papasok?" tanong ko pa bago ako bumaba. "Hindi na. Baka mabugbog na ko ni Cabi. He doesn't want me hanging around with you so much now. Pinagbawalan niya na ko." Aba! Talaga lang ah. As in, si Kuya Cabi pa talaga? Samantalang dat

