Ika-tatlongpu't Isang Sulyap "Is everything ready for tomorrow?" tanong ko ron sa tatlong kausap ko. Nagkita-kita kami rito sa office ko. Nagpunta sila to get the second payment. Idinaan ko na lang sa cheque 'yon para hindi na ko mag-withdraw pa. This is my personal money I'm using at hindi ako kumukuha sa company. Bawal kasi 'yon. Hindi ako marunong mangurakot. "Yes Miss Song." They said in chorus na parang mga elementary students. Umiling ako saka pinaga-abot sa kanila yung bayad ko. Tumayo ako para lapitan sila sa receiving area kung saan sila nagsi-upo. "Sinong designer sa inyo? Or may kilala ba kayong designer?" tanong ko sa kanila. Nagtaas naman ng kamay si Victor—yung baklang kausap ko. Nginitian niya ko bago siya nagsalita. "Anong klaseng—" "I need a black elegant dress for to

