Ika-dalawampu't Limang Sulyap "Condolences, Hija. Be strong. Okay?" Sabi sa'kin ng isang lalaking naka-suit saka niya ko niyakap. Nagta-trabaho siya sa company nila tatay. He's one of the board members as far as I remember. Tipid akong ngumiti sa kanya saka ako nagpasalamat. Nasa sementeryo kami. We're all here for Tatay's burial ceremony. Akala ko rin nung una. Akala ko nung una panaginip lang lahat. Na magigising din ako. Tapos may makikita akong tatay ko na gigising at maglalambing sa'kin, na iintindi sa lahat ng pagkakamali ko. Yung hindi ako iiwan at ipagtatanggol ako. Kahit ako yung mali ako yung kinakampihan niya. Ang biglaan naman kasi nito. Yung biglaan niyang pagkamatay. To think na nakita pa namin siya that morning. Tapos wala na pala. Wala na pala kaming tatay na uuwian ni K

