Ika-dalawampu't Apat na Sulyap "Why are you crying?" tutok sa'kin ng lasing na si Jhustine. Hinawakan niya pa yung pisngi ko saka niya 'yon marahas na pinahid. Nakaupo ako sa may balcony ngayon at wala akong kasama kundi ang anino ko at ang sarili ko. "Jhustin—" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla siyang malakas na tumawa. "Kamusta ka na? Dakilang manga-agaw?" Damn. Hanggang ngayon ba naman! Hindi niya ko tatantanan? Ang hilig niyang ipataw sa'kin yung title na para naman sa kanya. I don't know what did I do. Wala akong idea kung bakit niya nagawa sa'kin lahat nang ginawa niya. Yeah, it's a job well done. Ang galing kasi nilang umarte ni Nico. Bentang-benta sa'kin. "I'm okay as hell." Ngumiti siya na para pang nanga-asar. Just one more and I'll make sure na mamamatay siy

