Ika-dalawampu't Tatlong Sulyap "You can't hide it from us. Matapos yung bakasyon nagkaganyan yung itsura mo? Sabihin mo nga Summer. Natutulog ka pa ba? E ni hindi ka na nga sumama sa ibang long ride travel namin e." Hindi na yata. Wala akong maalalang may isang gabi akong nakatulog ng maayos. Mas naging busy kasi ako sa company ni tatay. Lalo na't mas bumaba pa yung investments, I was assigned to the finance department kasi kaya no doubt na alam ko yung mga nangyayari. "I know. I look like a panda." Pumalatak pa si Paulo saka niya sinunod-sunod 'yon. Pinaglaruan niya yung straw na nasa coffee jelly niya saka niya iniangat 'yon at sinipsip yung dulo. "Hindi ka naman mukhang panda sistaret! Okay okay pa nga yung itsura mo e. Siguro panda nga." Kunot noo akong tumitig sa kanya saka niya co

