"Why would I come with you, Sir?" Tinaasan pa ni Killian ng kilay ang matandang lalaki. "Because you have to," simpleng sagot nito. Nilampasan ni Killian ang matanda at patuloy na naglakad habang pinapagpagan ang kaniyang suot na jacket. "Garry is my best friend. Garry Monares," banggit nito sa likuran ni Killian. Dahil sa pangalan na iyon ay saglit na napahinto si Killian. May parang pumitik sa puso niya. "I don't know him," Killian answered back and walked again. "Maghihintay ako sa'yo, Ivor," bigkas pa ng matanda. "Killian ang pangalan ko, hindi Ivor," pagkatapos nun ay tumakbo na muli si Killian at iniwan ang matanda na tinatanaw siya hanggang mawala siya sa paningin nito. Inaalala niya kung ano ang gagawin para kay Sevy ngunit andoon na ang mga pulis. Ni hindi man lang niya nag

