bc

Touch my Hardened Heart

book_age16+
2.5K
FOLLOW
25.9K
READ
dark
HE
arrogant
badboy
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Napilitan si Hannah na manirahan at magtrabaho nang permanente sa Australia dahil malapit nang maremata ang kanilang bahay na isinanla ng sugarol niyang tiyuhin. Sa kanyang pananatili roon, nakilala niya nang tuluyan si Killian, isang lalaking ilang beses na niyang nakatagpo sa Pilipinas. Marami silang hindi malilimutang karanasan na pareho nilang pinagsaluhan. Hindi man niya aminin ay nagawa na nitong paibigin siya.

Matatanggap ba ni Hannah kung malaman niya ang totoong pagkatao nito? Mababago kaya niya ang batong puso nito na pinatigas nang katakot-takot na pangyayari noong kabataan nito?

chap-preview
Free preview
Episode 1 - First Encounter
Nag-aayos na para pumasok sa hospital si Hannah. May araw na naka-scrub suit siya, meron naman 'yung traditional na white uniform na katulad ng suot niya ngayon. Pangarap niya simula pagkabata ang maging nurse at ngayon nga ay natupad na iyon. Pero hindi siya aalis ng Pinas, 'yun ang pangako niya sa boyfriend niyang ayaw mawalay sa mga magulang nito. Kung siya lang kasi ang masusunod, matagal na siyang nag-apply ng trabaho abroad. Nagsusuklay siya ng kanyang hanggang balikat na buhok nang umupo ang ina sa kaniyang kama. "Hannah…" "Po? 'Nay?" Nilapitan niya ang ina at tinabihan ito. Bumuntong-hininga si Aling Adora. "May malaki kasi tayong problema, anak. H-hindi ko kayang hindi sabihin sa'yo. Masyadong mabigat kasi." Hinawakan pa ng ginang ang dibdib nito. "'Nay, ano po ba iyon? Sige po, sabihin n'yo lang po. Makikinig ako." Kinuha ni Hannah ang isang kamay ni Adora at pinisil-pisil iyon. "B-baka kasi mailit ng bangko itong bahay natin. S-san na tayo titira, Hannah?" "Ha? Paano po iyon nangyari, 'Nay? Isinanla n'yo po ba sa bangko ang bahay natin?" Umiling si Adora. "Ang Tito Badong mo ang gumawa. Malamang ay ipinambayad na naman sa utang sa sugal. Kung hindi pa ako tinawagan ni Ising kanina, hindi ko malalaman na for sale na pala itong bahay natin. Nakapaskil daw itong bahay natin sa bangko na pwede raw ibenta kung may interesado." "Teka, 'Nay. Anong sabi ni Tatay?" "Ayun, sinugod ang kapatid niya sa tinitirhan nito. Hindi ko napigilan, anak." "Nay, wala naman po ibabayad si Tito Badong kahit anong gawin natin. Lulong na po iyon sa bisyo, wala na tayong aasahan dun." "Yun na nga ang problema, anak. San naman ako kukuha ng tatlong milyon ora-orada? Ni ultimo pang tuition ni Harlan wala ako." "Si Kuya kaya?" "Ano pang aasahan mo sa kuya mo? Wala rin iyon sobrang pera dahil lumalaki na ang mga pamangkin mo. Nagkasakit pa 'yung byenan nya kamakailan lang. Nakakahiya kung hihingan ko pa." Wala nang maisip pang suhestiyon sa ngayon si Hannah kaya tinitigan na lang niya ang inang nakatingin na rin sa kaniya. "Hannah… baka naman p'wedeng.." "Ano po iyon, 'Nay?" "Mas madali sana tayo makakabayad kung mangingibang-bansa ka. Hindi naman kita inoobliga, anak. Wala lang talaga tayong pagkukunan ng pag-asa kundi ang pagtatrabaho mo abroad." Napapikit si Hannah sa sinabi ng ina. Gustong-gusto niyang tanggihan ito pero hindi niya magawa. Baka atakehin na ito sa puso sa pag-aalala. Ayaw na niyang makadagdag. "Pag-iisipan ko po muna, 'Nay. Sana po maintindihan din ninyo." "Okay lang, anak. Pero sana 'wag masyado matagal. Oras kasi ang kalaban natin." Tumango na lang si Hannah at niyakap ang ina. "Wag ka na po mag-alala, 'Nay. Kakayanin natin 'to." Naglalakad na si Hannah para makapag-abang ng jeep nang may lalaking umakbay sa kaniya. Titingnan niya sana ang itsura nito pero nauna na itong nagsalita. "Act natural, lady. I need your help dahil may humahabol sa akin." Mabilis na nakapagpalit ng sombrero ang lalaki. Kanina ay pula, ngayon ay itim na. Ang dala nitong sports bag ay inihilig nito sa harapan nito. Umakbay ulit ito sa kaniya pagkatapos. Wala namang itinutok sa kaniya na kahit anong sandata at napakalumanay ng salita ng lalaki na napapayag na lang siya. "Just do your usual thing. Hindi kita sasaktan,"dugtong pa ng lalaki. Pumara na siya ng jeep at sumakay doon. Akala ni Hannah ay hindi na susunod ang lalaki pero sumakay din ito. Katabi niya ito kaya nabistahan niya saglit ang mukha nito. Matangkad ito dahil halos nakayuko na ito sa jeep. Mabilis niyang tiningnan ang mukha nito. Makinis iyon. Mukhang mas makinis pa nga sa kaniya. Ang kapansin-pansin dito ay ang matangos nitong ilong na para na ngang ipinaretoke pero mukhang hindi rin naman. Ganun lang kaperfect. His eyes were light brown and deep. Mga matang akala mo ay sa robot dahil parang hindi totoo. It was really bewitching. His aura is intimidating but, in the same way, captivating. Hindi maiwasan ni Hannah na maakit sa anyo ng lalaking katabi. Inakbayan siya nitong muli. "Don't look at me. Yung huling tinitigan ako ng ganiyan, patay na." Sandali namang bumalot ang kilabot sa katawan ni Hannah. Sino ba itong lalaking ito? "Thank you kanina. Babawi na lang ako sa'yo sa susunod." Pagkasabi nun ay bumaba na ito ng jeep. Nang lingunin niya ito ay nawala na agad. Namalikmata lang ba ako? Tulala pa rin si Hannah hanggang makapasok sa hospital. Pinilit na lang niyang magtrabaho. Pambihirang araw ito, parang panaginip lang. Tinawagan na lang niya ang boyfriend na si Brad. Nurse rin ito sa hospital na pinagtatrabahuhan niya. Off nito ngayon at papasundo na lang siya upang makipag-date muna at hihingan niya ng suggestion mamya. Total naman ay pareho silang nurse, pag-aapplyin na lang din niya para sabay sila umalis. Oo, 'yun ang pinakamagandang solusyon. Matagal naman na niyang pinagbigyan ang kagustuhan nito na dito lang sa Pinas magtrabaho. Baka sakaling ngayon, mapapayag na niya ito. Naglakad lang sila papunta sa isang sikat na mall pagkatapos ng trabaho. Balak nilang dumaan sa isang parke at tumambay saglit doon. "Brad? What do you think? Apply na tayo pa-abroad?" kaswal niyang tanong habang naglalakad. "Akala ko ba pareho tayo ng gusto? Na dito lang tayo sa Pinas at hindi lalayo sa pamilya." "Kailangan na kasi." "Masyadong mahal ang mga placement fee." "Kaya mo naman iyon 'di ba? Gawan natin ng paraan. Basta ang mahalaga magkasama tayo." "Ayaw kong umalis. Di ako papayagan ni Mommy." Ito na naman po kami sa nanay niyang pakialamera. "Malaki ka na naman. Kaya mo na magdecide sa sarili mo." "Inuutusan mo ba ako?" "Hindi naman. I am just telling the truth. Pero sige, kung ayaw mo, baka naman p'wede ko mahiram yung share ko sa pera natin? I need it for emergency, para sa pamilya ko." May joint account sila ni Brad para sana sa bubuuin nilang pamilya. Baka umabot na rin ng 100k ang share niya dun, di lang niya sigurado. Kahit maliit lang, okay lang iyon. Baka mapakiusapan naman ang bangko, at least may ibayad kahit pa'no kesa sa wala. Huminto si Brad at tinitigan siya ng masama. "H-hindi p'wede." "Papalitan ko naman, Brad. Ngayon lang naman ako nanghiram. Maiilit na kasi ang bahay namin." Ayaw man niya sana sabihin sa lalaki ang family problem nila, napasubo na siya. "Hindi nga puwede." "Sige na, Brad. Nung nangailangan ka kasi bibili 'kamo ng sasakyan 'yung mga magulang mo, hinayaan naman kita. K-kahit nga hindi mo pa…" "Ano 'to, Hannah. Sinusumbatan mo ba ako?!" May sasabihin pa sana ito nang tumunog ang telepono nito. Lumayo pa ito saglit para sagutin iyon. Wala naman siyang nagawa kundi umupo sa isang bench na malapit sa kaniya. Naisipan niya tuloy tignan ang online banking kung magkano na ang laman ng account nila. Hindi naman kasi niya madalas i-check iyon. Nagulat na lang siya nang makitang wala na iyong laman, kahit singkong butas. Zero! "Brad, ano'ng nangyari sa pera natin? B-bakit wala ng laman ang account natin?" Napatingin naman ito sa kanya. Tinapos na nito ang tawag sa telepono. Sa halip na magpaliwanag ay pinanlakihan pa siya nito ng mata. "A-aba ewan ko. Wala naman ako ginagawa d'yan." "Ano 'yun? Basta na lang nawala na walang nangunguha? Tinignan ko ang history. Buwan-buwan may nagwi-withdraw. Nasa'yo ang atm nun! Asan na?" Pinilit niyang kuhanin sa bulsa nito sa likuran ang wallet nito. Mabilis lang naman niya nakuha dahil siguro sa adrenaline rush. Agad-agad niyang binuksan ang wallet nito at kinuha ang atm card. May mga nakaipit pa roong receipt sa atm machine. Binasa niya ang isa roon at tama nga, ito ang nagwi-withdraw. "Ano 'to? San mo naman ginamit ang pera? Saan?!" "Teka, babe.. S-saglit lang.. 'Wag ka na magalit.." Inaabot siya nito ngunit lumalayo siya. Mas gusto niya ang paliwanag nito kesa sa hawak nito ngayon. "Honey..." Lumapit kay Brad ang dumaang babae at napakaarteng yumakap. Nakasuot ito ng black mini-skirt at red tube top. Litaw na litaw ang naghuhumiyaw nitong dibdib maging ang well-shaved nitong legs. Nakastiletto pa ito. "Sino s'ya, Brad?" painosenteng tanong ni Hannah. May hinala na siya pero ayaw niya pang tanggapin. "H-hindi ko kilala ang babaeng ito, Hannah. Miss, nagkakamali ka ata," pagtataboy ni Brad sa babae. "Pagkatapos natin mag-s*x kagabi, gaganyanin mo lang ako? Ang wild mo pa nga, e." "s*x?!" Napalakas na bigkas ni Hannah na naging dahilan kaya napatingin sa kanila ang mga tao. "Teka, teka, Miss. Wala namang ganyanan, o." Bumaling si Brad kay Hannah. "W-wag kang maniwala sa kanya, babe. I-imposible ang sinasabi ng babaeng ito." Dinuro pa nito ang babae. "Talaga lang, Brad? Ilang beses na tayong nagniig dahil nga sabi mo nagkukunwaring mahinhin ang girlfriend mo at nakakawalang-gana dahil hindi mahindutin na katulad ko." Tumawa pa ito nang nakakairita. Tiningnan ni Hannah nang matalim si Brad. Hindi niya mapaniwalaan na ganun pala ang tingin nito sa kaniya. Walang halaga rito ang gusto niyang mangyari na made love on the first night of their wedding. Wala itong respeto sa desisyon niya. At talaga nga namang humanap na lang ng iba, p****k pa. "Teka lang, Miss. Ano ba?" Inalis nito ang pagkakalingkis ng mga kamay sa kanya. Lumapit ito kay Hannah at hinawaka ang kaniyang balikat. "Babe, papaniwalaan mo lang basta-basta ang babaeng iyan. Wala namang pruweba, e. Saka, Hannah, alam mo namang mahalaga ka sa akin." Tumawa nang malakas ang babae. "Talaga ba, Brad. Walang pruweba?" Humarap ang babae kay Hannah. "He have a tattoo sa may brief line niya. Ang sarap nga halikan nun, e! Ahas ang design. Gusto ko rin ang malapit na bagay dun, nanunuklaw. Rar!" Nanlaki ang mata ni Hannah. Sinabi iyon ni Brad sa kaniya dati na may ahas itong tattoo sa may tagiliran. "At talagang magpapalusot ka pa, g*go ka! Break na tayong hayop ka!" Akma niyang sasampalin ang lalaki nang magbago ito ng emosyon. Nagseryoso ito ng tingin at ngumisi sa kaniya. "Ano bang ipinagmamalaki mo? Yang virginity mo? Wala nang halaga iyan sa ngayon, Hannah. Kung sana ay pinagbigyan mo ako, hindi ko na kailangan pang magbayad. Mano pa at naging girlfriend kita kung hindi ka naman magpapagalaw sa akin? Hindi nakakaganda 'yun, Hannah." Paulit-ulit niyang ikinurap ang mata, baka sakaling nananaginip lang siya. Hindi ito ang boyfriend niya na mahal na mahal siya. Hindi ganito si Brad. "Brad.. ano ba iyang mga sinasabi mo? Hindi na nakakatuwa. B-bawiin mo ang mga sinabi mo, p-pakiusap." "Honey, ako kahit di mo bayaran, ipapaubaya ko sa'yo ang katawan ko." Kumindat pa ang malanding babae kay Brad na nginitian naman nito. Kanina lang ay todo deny ito. Pero nang nahuli na, lumabas agad ang totoong anyo. Ganun lang kabilis nawala sa kaniya ang lalaking minahal niya ng limang taon. "Tawagan mo na lang ako kapag kaya mo nang makipagkompetensya dito kay Honey. Pareho pa naman kayong nagsisimula sa H. Pero mas matamis ito." Inakbayan at mapaglarong hinampas ang puwet ng babae. "S*raulo ka talaga, Brad! Manloloko kang hayop ka!" Sasampalin sana ni Hannah ang lalaki pero nakaiwas ito. Dahil sa ginawa ni Brad na pag-iwas ay nawalan ng balanse si Hannah at napasadlak sa may semento. Pinagtawanan naman siya nung Honey habang nakatingin lang sa kan'ya si Brad. Ni pabalat-bunga hindi siya tinulungan ng lalaki. "HAYOP KA!!!" Nanggagalaiti siya sa galit sa lalaki. Tumalikod na ang mga ito at iniwan siya sa may daanan na umiiyak. Iilang hakbang palang ang mga ito nang napahinto sila. Bumagsak sa lupa si Brad habang hawak-hawak ang ilong nito. "Anong problema mo?!" sigaw ni Brad sa lalaking nanuntok dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook