Episode 2 - Second Encounter

1549 Words
"Anong problema mo?!" Pinahiran ni Brad ang ilong nito habang nanlilisik ang mga mata sa nanapak na lalaki. "Sino ka bang g*go ka?!" Inayos ng estranghero ang suot nitong black cap. Lumapit ito sa naguguluhang si Hannah at iniabot dito ang kamay nito. Para namang nabatubalaning hinawakan ni Hannah ang kamay ng estranghero at tumayo na. "Are you okay?" malumanay nitong tanong. Tumango naman si Hannah at nalulungkot na tiningnan si Brad na dinadaluhan nung Honey. "Let's go?" the stranger asked her. "Ha? S-saan?" Pansumandaling nakita ni Hannah ang ngiti nito. Mabilis lang kaya hindi alam ng dalaga kung ngumiti nga ba talaga ang binata. Parang kumurap lang kasi siya ay nawala na iyon. Aside kasi sa suot nitong sumbrero ay naka-stainless eyeglasses ito na black ang lens. Hindi niya tuloy makita ang mata nito. Hindi niya mabasa ang expression ng estranghero. Marahang hinatak ng lalaki ang kaniyang kamay at naglakad na sila palayo. Nagulat na lang si Hannah nang ang isang kamay ng lalaki na hindi nakahawak sa kaniya ay itinaas nito at iniharang sa ngayon ay lumilipad na kamao ni Brad. Sa isang kamay ay nahawakan nito ang bisig ni Brad at hinatak. Tinadyakan pa nito ang isang paa ni Brad kaya napaluhod ang kaniyang boyfriend. "Boyfriend? Ex-bf ko na nga pala ang manlolokong 'to," isip ni Hannah. Pagkatapos ay sinipa nito muli si Brad kaya parang tumilapon si Brad at muli ay napabalik sa kandungan ni Honey na ngayon ay napapangiwi na rin. Hindi man sinasadya ay parang nakaganti na rin siya rito. Rumehistro ang awa sa mukha ni Hannah. Alam niyang niloko siya pero hindi niya pa rin maatim na makitang ganito ang boyfriend niya. She was hurting so bad. "Hey, who are you ba? Masakit 'yun ha!" sigaw ni Honey na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa lalaking hanggang ngayon ay hawak ang kamay niya. Sa halip na sumagot ay hinatak na ng estranghero ang kamay ni Hannah na hindi pa rin maialis ang mga mata sa dalawang taong dahilan ng heartache niya ngayon. "Don't tell me you want to help that liar and that woman." Nadako ang mata ni Hannah sa estranghero. That look made her go back to what she was supposed to do, walk away from her cheating boyfriend. "Sa'yong sayo na 'yang si Brad, you w***e!" Bilin ni Hannah kay Honey bago tumalikod at sumama sa lalaki. Hindi pa sila nakakalayo ay may biglang humatak sa buhok ni Hannah, walang iba kundi ang malanding babae. "Anong sabi mo?!" Napahawak naman si Hannah sa buhok niyang hinahatak ng babae. Nagpumiglas si Hannah kaya hinayaan ng estranghero na kumawala siya. Gumanti si Hannah at sinabunutan din ang babae. How dare this w***e do this to her? Nagsabunutan silang dalawa hanggang nakahiga na sila sa sementadong lakaran. Nang bigla silang magulantang sa sunud-sunod na putok ng baril malapit sa kanila. Nagkagulo ang mga tao na naglalakad maging ang iba na nakaupo lamang sa mga benches. Agad-agad na humiwalay si Hannah kay Honey at nakahawak sa ulo na tumakbo mula roon. All the while ay naghahanap siya nang pwede pagtaguan. And then she saw an alley na katabi ng dalawang malalaking building. Pumasok siya roon at nagtago sa mga patong-patong na kahoy. There was complete silence. Nakahinga si Hannah. Isang malaking buntong-hininga. "Why did you follow me here?" "My gosh!" Hawak-hawak ni Hannah ang kaniyang dibdib na nilingon ang pinanggalingan ng boses ng isang lalaki. Nakatayo sa di-kalayuan sa kaniya ang estranghero na tumulong sa kaniya kanina. Parang wala lang dito ang nangyaring barilan dahil chill na chill pa itong naninigarilyo sa isang tabi. "Anong klaseng lalaki ba ito?" Naisipan pa talagang manigarilyo pagkatapos ng putukan. Maiintindihan pa niya kung nanginginig ang mga kamay nito habang humihithit pero parang nasa isang bar lang ito na enjoy na enjoy sa paninigarilyo! Nakanganga pa si Hannah dito nang itinapon nito ang sigarilyo at inapakan. "I said, why did you follow me here?" Natakot si Hannah dahil lumalapit na ang lalaki sa kaniya. Kung kanina ay pasasalamatan niya ang pagdating nito, ngayon ay parang gusto na niya tumakbo. This guy's presence spells danger. "W-wag kang lalapit!" Napaurong si Hannah hanggang mabunggo niya ang pader ng building. Ngumisi ang lalaki at inilang-hakbang lang ang pagitan nila. Inilagay nito ang isang kamay sa gilid ni Hannah. Tiningnan naman ni Hannah ang lalaki at tinangkang tumakbo sa kabilang side ng iniharang ng lalaki ang isa pang kamay nito. Hannah felt cornered. Pakiramdam niya ay mas lalong lumiit ang alley na pinasukan niya. "You are beautiful, so d*mn beautiful. That it made me wonder why that guy cheated on you." Hinaplos pa ng lalaki ang pisngi ng dalaga. Napapitlag si Hannah. Pakiramdam niya ay nakuryente siya ng kamay nito. Napalunok siya ng ilang beses at kahit hindi niya aminin ay nangangatog na ang tuhod niya. Out of nowhere ay may mga putok na naman ng baril na narinig ang dalawa. Hinawakan siya ng lalaki at isinamang tumakbo sa kabilang labasan ng alley. Nang makarating doon ay isinalikop ng lalaki ang kaniyang kamay kay Hannah. Naglakad sila na parang mag-jowa lamang na nagsa-sightseeing. Hindi maialis ni Hannah ang paningin sa lalaking mas nauunang maglakad sa kaniya. Her eyes looked down on their joined hands. She feels as though his hands were made specifically for her while he is holding her. His hands were warm, hard but a bit gentlemanly. Masyadong contradicting sa isa't isa pero iyon ang nararamdaman ni Hannah. Tipong maginoo pero medyo bastos na pagkakahawak sa kamay kung meron mang ganoong term. Mayamaya ay buong pwersa siyang pinapasok sa isang hotel. Pinipilit ni Hannah na kumawala sa lalaki ngunit pagtingin ni Hannah sa labas ng hotel ay nagkakagulo na naman ang mga tao. Nang bumukas ang elevator at sumakay sila roon ay maraming tumatakbo sa isip ni Hannah. She could not focus on one thing dahil sa buong araw na iyon ay para siyang sumakay sa rollercoaster ng ilang beses. Liyong-liyo siya. When the elevator stopped in a certain floor na hindi na rin nagawa pang tignan ni Hannah sa pagkatulala, ay sumunod na lang din siya sa lalaki na humakbang palabas sa floor na iyon. The guy is now holding her hands gently and was guiding her inside a room. She obliged. Saan ba kasi siya dapat tumungo ngayon? Bakit may mga barilang nangyayari? Am I in a safe place now? Why am I with this stranger? Sunud-sunod na tanong ni Hannah sa sarili ngunit hindi rin niya alam kung paano sasagutin. "You may sit down anywhere you like. You can also choose to stand there all you want," the stranger commanded. Kinurap-kurap ni Hannah ang mga mata at pagkatapos ay kinusot iyon nang paulit-ulit. "You can also do whatever you like but don't let me regret that I brought you here. Muka kang tanga d'yan," bigkas ng estranghero na ngayon ay naghuhubad ng pang-itaas nito. "What the…" Saglit na ipinikit ni Hannah ang kaniyang mga mata ngunit idinilat din iyon mayamaya. She can't help but stare at this guy. He has a well-built body. Sa buong talambuhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng six-pack! Ang ganda pala talaga tignan! The guy's body is to die for. "And now you are drooling over me. Satisfied?" bigkas muli ng lalaki. Napalunok si Hannah. " D-drool ka d'yan! A-ano ako aso?" Inirapan ito ni Hannah at inilihis ang ulo upang mawala na sa paningin niya ang lalaki. Nuncang aamin ako! Pero saglit lang iyon dahil napabalik ang tingin niya sa mukha ng lalaki na ngayon ay wala ng suot na shades. "D-do I know you? Sa tingin ko nakita na kita." Nangunot si Hannah sa pag-iisip. "Are you the guy this morning? Yeah! I-ikaw 'yun!" Ngumisi ang lalaki. "Ngayon mo lang naalala. Magtatampo na sana ako dahil nakalimutan mo na ako agad." Sasagot na sana si Hannah nang mapapikit na naman siya. "What are you doing?! B-bakit ka naghubad ng pantalon sa harap ko?!" Sa mga oras na iyon ay hindi na maidilat ni Hannah ang kaniyang mga mata. She was so afraid. Not with the guy. But with her feelings. Am I desiring this stranger? Ngayon pa talaga ako ginapangan ng makamundong pagnanasa, sa ganitong sitwasyon at sa isa pang kung sinong mayabang na Poncio Pilatong ito! "You can now open your eyes," the guy again commanded her. Dahan-dahang idinilat ni Hannah ang kaniyang isang mata. Baka bina-bluff lang siya ng lalaki. Malay ba niya kung exhibitionist ito at pagdilat niya ng mata ay maeskandalo siya ng parte ng tao na hindi niya dapat makita. But the guy was now wearing a maong shorts. Idinilat na ni Hannah nang todo ang dalawang mata pero saglit na nanghinayang dahil sa… Nanghinayang talaga, Hannah? Kelan ka pa naging ganyan? Ipinilig niya ang ulo. "Well, if you really wanted to stand there, bahala ka. Just leave kung kelan mo gusto." The guy lie down on the bed facing the window. Tutulugan ako ng damuhong ito? E ano pang ginagawa ko rito? Saka bakit ba niya ako dinala rito? Another set of questions na hindi naman masagot ni Hannah. And then her phone rang. Tiningnan ni Hannah ang screen at agad niya iyong sinagot. "Hannah, ang tatay mo…" Ang dami-dami pang sinasabi ng nanay niya pero wala na siyang naiintindihan. She blacked out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD